Be One of My Froglets

Search This Blog

Showing posts with label Desperado. Show all posts
Showing posts with label Desperado. Show all posts

Tuesday, May 3, 2011

DEAL or NO DEAL

May pinost ako sa Formspring na question/statement/offer.



It states:

Papayag ako sa 1 month na relationship. Yung tipong masabi mo lang na IN A F*CKING RELATIONSHIP KA (galit po yun, hindi literal) kahit alam mo na may expiration date. 1 month lang, dapat gwapo. Pagkatap[os ng 1 month, you can break up with me. No hurt feelings. Para lang mawalis itong putanginang BV na nararamdaman ko, mga UNSETTLED PASTS. Para lang may matuldukan ako.



Tatanawin kong malaking utang na loob iyon kahit binreak mo ko. We can still be friends.

May mga nag react na DESPERATE MOVE daw yun. Bakit? ano ba tawag mo sa sitwasyon ko? HIATUS?

Saturday, April 2, 2011

Get Laid Already!


Maikli lang ito.

Pinost ko kahapon as part of my April Fools Day celebration. I changed my relationship status from "single" to "in a relationship." Mahigit sa malamang may nag react.

Ang nakakatawa dito, sila pa yung mga nakakakilala sa akin, nga tao na alam kung gaano katagal na akong walang chorva at kung paano nakakaapekto sa araw araw na buhay ko ang kawalan ng relasyon.

So umaasa ba sila na magbabago pa nga ang status ko sa totoong buhay?

Kasi naman...

Wednesday, March 30, 2011

Lihim na Kembot

Kasalukuyang nanunubig ang Palakang Petot sa banyo ng restaurant na iyon, nang pumasok ang isang matangkad, matipuno at gwapong lalaki. Habang rumaragasa ang wiwi water sa berdeng katawan ng petot, ay pinagmamasdan niya ang ginagawa niya sa harap ng salamin.


Ayos na ayos ang itsura nito, plantsado'ng plantsado ang polo na nakabukas ang 2 pinaktuktok na butones, pinapakita ang guhit sa pagitan ng kanyang malalapad na dibdib. May hint na balbon ang dibdib nito dati, na inahit, dahil may mga patubo'ng hibla ng buhok sa dibdib na parang patubong bigote, na nakadagdag sa appeal nito.

Lalaking lalaking kumilos ang lalaki, hindi nakapag-ahit ang drama, pero pansin mong pantay na pantay ang tubo ng stubbles nito.


Naglabas ng kikay kit. Hinugot ang isang compact na  dark tan ang shade at nag polvo. So What? Baka model, o artista, natural sa kanila na hindi mag oiliness sakaling may kumukuha ng litrato lalo kung hindi nila alam. Tapos pag pangit ka, ilalabas sa web o sa TV, tapos ang career mo. Alaga lang. Naglabas ng lipgloss. Fine pa din, kasama sa pagiging gwapo na kelangan hindi nagbabalat ang lips mo. kadiri kaya yun, kahit lalaki ka pa. Gusto din ng mga girls ng kissable lips sa men. 

Alam mo yung mga Blusher at Bronzers na nasa loob na ng brush ang makeup? Na kailangan mo na lang i-shake ang brush, tapos pwede mo na siyang i-apply?

Thursday, March 24, 2011

TEXT MATE.

Uso pa ba ang mhga putanginang Textmates na yan?

Yan aang number ONE na reason ko bakit ayoko basta basta ibibigay ang aking number sa internet. PANGLAWANG pet peeve ko yan kasunod ng YM na naghahanap ng WEBCAM.Tanginang yan, Ayaw na ba ninyo ng I|NTERPERSONAL RELATIONSHIPS at solb na kayo sa patext text?

SOBRANG madami ba kayong FREE TIME at mayat maya pa kayo magtext?



Mga nakakasuka nang messages na sandamukal ko matanggap (batubato sa langit ha?) Kung gusto namannninyo ng matinong kausap sa text, huwag ganito ang pasimula ninyo. utang na loob! Eto na sila... mga kinainit ng ulo ko na mga text messages na nakuha ko...

Monday, February 28, 2011

ECHUS-SPHERE (ET-chooz-fear):

Echusphere. Hindi Echo Sphere. Echus.  Chorva. Spanish: Hechos, meaning "bagay." Echosphere, parang Atmosphere, strtosphere, exosphere...



Ang ECHUSPHERE ay ang bahagi ng atmosphere kung saan naniipon ang mga ka-echosan. Dito nakukuha ang lahat ng kachorvahan, ka-ek-ekan at mga istir (OMG, does anyone still use that term??)

Madami pa rin ang naiintriga sa salitang CHORVA.

Ang CHORVA ay anak ng ECHUSPHERE. Ang Echusphere ang ina ng mga ECHUSERANG FROGLETS. Ito ang kalinangan ng mga ideya, ang makulay na pagbabahabahagi ng mga kaalamang BERDE.

Sari-saring CHENELYN GARGLES na ang pinamahagi sa atin ng mahiwagang Echusphere na ito. Mga napakagandang mga kasinungalingan. Napakagandang paniwalaan. Mga inaping babaeng nagiging prinsesa. Mga kawawang nilalang na kapag lumulon ng bato ay nagiging superhero... Mga sirena'nbg nagiging tao.

Pawang mga kasinungalingang ating niyayakap, minamahal at pinaniniwalaan.

Ilang echus na ang nilanghap ko?

Ilang chorva na ang pinaniwalaan ko?

Ilang chenelyn gargles na ang ipinalit ko sa aking sentido comon?


Masarap paniwalaan ang mga kasinungalingang galing sa ECHUSPHERE. Tuwing pumipikit ako, dinadala ako ng aking guniguni sa Echusphere. Nayayakap kita, nakakausap kita, nahahagkan kita. masaya tayong dalawa.

At tuwing ididilat ko ang mga mata ko, bumabalik ako sa aking tunay na mundo, si Cinderella sa tabi ng mga abo, si Red Riding hood na nilalapa ng mga lobo, pinatay si Snow White ng Evil Queen. Kalbo na si Rapunzel.

Hindi na magigging prinsipe si Palakang Petot.

Monday, January 31, 2011

Matinik ka pa sa Bangus



Merong mga tao na sa hindi maintindihang kadahilanan, bukod sa ganda ng anyo, ay mabilis makabingwit ng chuwariwariwap. Ano na naman ang ibig ko'ng sabihin?Chuwariwariwap. Kalukadidang. Karir. Chorva. Kachukchakaninels. At para sa iba, Target Practice.

Hindi ko maubos maisip kung papaanong nakakakarir nang walang kaeffort effort ang mga Baklang Diyosa na ito. At anglalakas ng loob makipaghadahan kung saan saan! May kung anong bulong o powers na sumasanib sa katauhan nila at makurap ka lang ay jowa na niya ang gwapong tambay sa tabi-tabi?

I went through counseling (oo, hindi lamang mga sira ang kukote at mga baliw ang nagpapakonsulta sa psychiatrist) at sinabi sa akin na dapat nakikihalubilo ako sa mga tao, lalo na yung makapagbibigay sa akin ng companionship, at well being upang mag-function bilang isang indibidwal.

Nag nosebleed ako sa sinabi ni Doc,

Sunday, January 30, 2011

Ang SUMPA.

Meron ako'ng sumpa.

Ganito yun: Kapag may nagugustuhan ako, o may crush ako, dapat hindi niya ito malalaman, dahil sa sandaling malaman niya na crush ko siya, NILALAYUAN AKO. Mandidiri siya sa akin. Kahit pa sabihin mo na may gusto din siya sa umpisa, o hinahangaan ako, MAWAWALA lahat iyon at hindi na ako kakausapin kahit kailan.

May mga instances pa nga na bina-block ako sa FB o sa mga social networking sites kapag nalaman na may gusto ako.



Hindi naman kasi ako palaging ganito kadesperado. 3 taon na ako'ng walang sex life. Bukod pa roon, 4 years na ako'ng walang relationship, mula nang iwan ako ng ex ko matapos chorvahin ang aking roommate. After 2 years ko lang nalaman kung ano ang nangyari, kaya't sa loob ng panahong iyon, naghihintay pa rin ako.

Sa loob din ng mga taong iyon, marami ako'ng tinanggihan na manliligaw.

Hindi ko alam kung sino sa kanila ang mambabarang o sino sa kanila ang may lagay sa akin ng sumpa.

Wednesday, December 29, 2010

Bakit Maraming Baklang Pilipino ang SINGLE?

Bihasang bihasa ako sa mga dating sites na iyan. Sawa'ng sawa na ako sa mga kalakaran ng mga naghahanap ng chorva. Chorvahan ng chorvahan sa sites, parang palengke, nagkalat ang mga malilibog na mga echuserang froglets... Froglets everywhere, and NO PRINCE TO BE FOUND!


Malalaman mo kung ayaw sa iyo ng nilalandi mo sa social networking sites. Chinika mo na ng chinika, wala pa di'ng information na personal na binibigay sa iyo. Naikwento mo na ang aso mo, ang ibon mo(no pun intended) ang mga inaanak mo noong pasko at pati na rin kung paano ka nalibre sa bus kaninang umaga, ni hindi mo pa din nakukuha ang last name niya.

May nagtanong sa akin sa chat, bakit ko daw pinaabot na 4 years na akong walang karelasyon, at 3 years na akong hindi nakikipag-date o nakikipag hook-up man lang?

Thursday, April 8, 2010

Ang Ruleta ng Kapalaran.

Gabi noon bago ang Domingo de Ramos nang ipinanganak ako. Habang abala ang mga tindera sa paghahabi ng mga palaspas, nalaman ng doktora na suhi pala ako. Unang nasilayan ang aking paapapalabas na mga paa. sa sinapupunan ng aking ina. Nerbiyosa ang doktora na nagpapaanak sa nanay ko. Unang anak. Suhi. Naghanda sila upang ilabas ako sa pamamagitan ng C-Section. Makalipas ang ilang sandali, iniyak ko ang aking unang iyak, ngunit hindi ang aking huli.

Ang unang umaga ko ay Linggo ng Palaspas. Kasabay ng kasiyahan ng magulang ko ay sabay-sabay na iwinawagayway ng mga tao ang kanilang mga palaspas patungo sa kani-kanilang Simbahan. Kasabay ng mga masasayang tunog nagpumapalaspas na mga dahong hinabi sa iba't-iba'ng paraan, natuto akong iwagayway at ikawag ang aking maliliit na braso at binti sa kuna ng ospital sa Sampaloc.



"Masaya" at maraming kulay ang Semana Santa ng panahon na ako'y isinilang. Hindi tulad ng mga pagdiriwang ng Semana Santa nitong mga nakakaraan lamang. Bawat kalsada ay may Pabasa, kung saan, hindi lamang kubol, kundi handaan ang sasalubong sa iyo. Bawat Bayan ay may Sinakulo, bawat baranggay ay may nagpipinitensya. Taos magdasal ang mga tao at hindi mo mabilang ang mga pamahiin na sinusunod pa rin.



Semana Santa ang unang linggo ng buhay ko. Kaya nga siguro mas mahal ko ang Domingo de Pascua kaysa sa mismong Pasko. Ang una ko ring kaarawan ay pumatak sa Pasko ng Pagkabuhay. Unang taon ng saya, unang taon ng pag-asa.



Sa kadahilanang ang kaarawan ko ay pirmi sa ika-10 ng Abril, at ang Semana Santa ay base sa ikot ng buwan sa kalawakan, hindi palaging Domingo de Ramos o Domingo de Pascua natatapat ang aking kaarawan. Kadalasa'y Lunes Santo, Sabado de Gloria at Viernes Santo.

Pinakamalungkot ang pagpatak ng kaarawan ko sa Sabado de Gloria. 14 na taong gulang ako noon at may swimming pool pa kami sa bakuran noon. Nagpa-swimming party kami sa mga kaibigan ko at mga kaklase. Walang nagsidatingan. Dahilan ng ina ko sa akin, marahil daw ay dahil bawal daw maligo o lumabas ng bahay kapag Sabado de Gloria. Marami akong masasayang alaala sa swimming pool na iyon, ngunit malungkot ang alaala ng aking kaarawan doon. Mas mabuti pa sa mga panahong tumutuntong ng Viernes Santo ang kaarawan ko, may bumabati pa sa akin dahil nagkikita kita kami sa prusisyon.

Wala na kaming swimming pool sa bakuran namin. ibinenta ng tatay ko ang lote na iyon sa kapitbahay at ngayon ay bilyaran na siya. Kung tutuusin, pool pa rin naman ang nasa lote na iyon. Bola na nga lamang ang lumalangoy sa sikad ng mga tako imbes na mga tao.

Kaarawan ko taong 2004, sa panaho'ng ang tatay ko naman ay nakaratay sa banig ng kamatayan. Araw ng aking kaarawan nang bumagsak ang presyon ng dugo niya at nanganganib bawian ng buhay. Hindi na kami bigyan ng Red Cross ng dugo dahil kada makalawang araw na lang kung kami ay bumili ng dugo sa kanila, bukod pa roon, hindi karaniwan ang tipo ng dugo ng tatay ko. Hindi mga Santo ang tinawagan ko, kundi Cruz... Si Attorney Mia Cruz-Caisido ang tumulong sa akin upang makausap ang Red Cross at payagan ako'ng kumuha ng dugo hangga't kailangan ng aking ama.

Binawian din naman n buhay ang tatay ko, 18 araw ang nakaraan. Pumalya din ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Sa loob ng isa't kalahating buwan ng pagbabantay, paghahanap ng dugo, lahat ng iyak ginawa ko sa silid na walang laman, ilang minuto lamang matapos nilang ilabas ang bangkay ng aking ama.



Iyon ang taon na wala ako'ng kaarawan. Iyon din ang taon na tumigil na ako sa pagdiriwan niyon. Dahil kadikit ng araw na iyon, maaalala ko na naman na wala na akong masasandalan, maaasahan. Lahat kami nakasandal sa aming ama. Ako ngayon ang ipinalit nilang sandalan. At pakiramdam ko na ikamamatay ko ang posisyong iyon.

Soltero ako, wala'ng pagkakataong hindi maging soltero. Marami rin akong problema, gaya ng marami'ng kapwa may suliranin din sa buhay. Bagama't hindi pareho ng pagkakahulma ang ating buhay, alam ko, nakakabahagi rin kayo sa mga paghihirap na tinutukoy ko.

Mahirap ang buhay. Minsan hindi tayo pinapayagang maging masaya, magpahinga at walang alalahanin. May mga bagay na hindi maiaalis. Dati, sinisiguro ko'ng araw ng kaarawan ko man lang ay wala akong isiping problema, maliban sa mga panaho'ng ito, na minsan talaga, hindi mo maiiwasan na magkaroon ng hidwaan. Anumang oras ay maaari akong bawian ng  trabaho, uulit na naman ako sa simula at mawawala na naman ang lahat ng pinaghirapan ko. Simula ako ng simula. Ulit ng ulit, parang gulong na paikot ikot lamang.

Alam ko hindi ako dapat maging malungkot, paulit ulit mang bawiin sa akin ang kung anong ipinahiram lamang. Wala naman talaga tayong pag-aari sa buhay natin na permantente. Ang relong suot mo ngayon, isang araw ay tittigil. Ang laptop na ito, tulad ng nauna kong computer at ang computer na nauna pa roon... isang araw ay hindi na mapapagana ng kahit na anong reformat. Hindi lamang ang tatay ko o ang nanay ko ang taong mawawala sa akin na mahal ko.

Paikot ikot lamang ang buhay ko na parang isang mahabang Semana Santa. Ipinanganak ng Domingo de Ramos, iwawakas ng Domingo de Pascua. Parang Tambiyolo. Pinapaasa ka sa isang matinding panalo.

Ruleta ng Kapalaran, kailan kita magiging kakampi?

Thursday, March 18, 2010

Aminin: Unfair Kayo Mag Isip Minsan.

Naaalala ba ninyo yung kinukuwento ko tungkol sa mga crush ko? Meron nga yatang "sumpa" na kung tutuusin, kapag nalaman ng isang tao na meron akong gusto sa kanya, mahigit sa malamang, lalayo iyon sa akin, hindi na ako kakausapin, at hindi na magpaparamdam.



Magkahalong, inis, lungot at kahihiyan ang nararamdaman ko kapag nangyayari iyon, mas mahigit pa kesa sa kilig na pansamantala kong nararamdaman kapag nakikita ko siya.

Kaya kung maaari, hiindi ko ibinubunyag kung kanino ako nagkakagusto.

Napakalaking sikreto sa akin ang mga crush ko.


Hinding-hindi ko sasabihin sa inyo kung ano ang tipo ko. Grabe.



Walang makakapag amin sa akin kung ano ang gusto ko: babae ba ito o lalaki? Kung lalaki ba ito, malaki ba ang katawan, o lampayatot ba ang gusto ko? balbas sarado ba, o cleanshaven? Gusto ko ba ng matalino'ng average lang ang itsura, o ng super gwapo pero bobo?


Kung babae naman ba'y mahilig ba ako sa malalaki ang boobs? Gusto ko ba ng matangkad, mahaba ang buhok at matambok ang pwet? Gusto ko ba ng mala supermodel o mala librarian? Gusto ko ba ng tipong Darna, o wonderwoman, o Yung tipong Lois Lane o Mary Jane Watson?


Hindi'ng hindi ko sasabihin sa inyo. Nunca. Jamais. Neverneverland. Nah-uh. No. Nein. Hindi kailanman.
May naka post sa profile ko mula pa sa simula ng linggo'ng ito: Better unrequited than lose you. Oo, pag literal kang tao, you would think... HALA, SCARY, stalker ito.

Sabagay, kung naisip na ninyo un, huminga na kayo ng maluwag kasi, hindi ako nagkaka-crush sa makikitid ang utak. Nakakadiri sila. Hindi ko maiimagine ang sarili ko na may kasamang taong makitid ang pag-iisip. Yung tipong kapag nalaman na bading ang isang lalaki, ang una niyang iniisip, hala, maya't maya ito naghahanap ng titi'ng machuchupa (pasensya sa term, I have to be graphic).

Bakit? Given ba, na kapag straight ka ba, maya't maya ka naghahanap ng makakantot na kiki?


Eto mas nakakainsulto at nakaka inis na pananaw: Wag kang didikit sa bading kasi isang araw pag-iinteresan ka nyan kung lalaki ka. Bakit, gwapo ka? Saka hindi lahat ng bakla, manyak.
Saka iwan muna natin ang usapang bakla, umiinit lang ang ulo ko dyan sa topic na yan, pagod na pagod na ang topic na yan.

Ibig bang sabihin kapag may gusto sa iyo ang isang tao, non-stop na ito na nagpa-plot kung paano ka niya makukuha at maikakama? EXCUSE ME. May paggalang ako sa karapatang pantao. Hindi lahat ng may pagnanasa, nagbabalak gumawa ng KRIMEN.


Hindi, ano? Putangimampaksyet naman, oo. Hindi ba ninyo nage-gets ang concept nag PAGHANGA?

So ibig mo bang sabihin, lahat ng fans ng mga artista na yan, nag-aasam na pag nakita nila yung hinahangaan nila, maisip na maikiskis man lang ang kanilang mga katawan sa kanila at masibasib ng halik ang mga "idol" nila? Eww.

So ganoon na ba ang kultura ngayon? BASTUSAN NA?

Ewan ko sa inyo. Che.

Wednesday, February 10, 2010

Namamantasya ka ba?

I Will be "re-launching" my other blog on Valentines Day, 14 february 2010.

Para sa mga nagtatanong, nangungulit sa mga kuwentong hindi pwede sa bata, I've decided to write new fantasies for matured readers. Sex Sells, ika nga. And I'm going to give it another whirl.

Gooeyboy's Twisted Tales



Visit http://gooeyboystwistedtales.blogspot.com/ and read about the sauciest, naughtiest fantasies you can imagine.

Watch out for all new stories and revisit some of your favorite episodes.

Visit the blog to see old stories. You must be 18 and above (and LGBTQ) to read it.

Friday, December 25, 2009

No, Not The Finger!

Stupid.
Stupid talaga ako.

Nakakaasar, sinira ng isang daliri ang christmas ko. Nakakahiyang i-blog... malamang burahin ko sa facebook ito pagkatapos, pero narealize ko'ng it has been a while... Sobrang tagal na nga hiindi na ako sanay.

No wonder DIRTY FINGER ang tawag sa kanya.
Hindi ko alam kung dapat ikwento ko pa sa inyo... like how am I gonna know only trustworthy people read my blog? GUYS WHAT I AM GOING TO TELL YOU IS VERY PERSONAL HA.

I'm no NSAIDs for the past 2 days. So yes, bangag ako. (Sa mga hindi nakakaintindi, NSAID means Non Steroidal Anti Inflammatory Drug. Ponstan, Biogesic, etc. OTC lang naman--over the counter)

Kasalanan ng isang daliri.

At ng malamig na panahon.

At ng porn.

Oo, kanina pa leading itong kuwento ko, hindi ito wholesome, so kung nagmamalinis ka, putangina, nakita mo nang nang bago mo pinasok tong blog na to may WARNING na e. kinlick mo pa din ung kulay kahel na buton, malandi ka, ayaw mo lang aminin! Oy, hubarin mo na yang kaipokritahan mo't magbabagong taon na!

Echuserang froglet 'to ah.

Eniwey. So isang umaga ay nalibugan ako at nabitin, kasi kailangan ko pang maghanda for work, kasi nga 3 oras ang byahe di ba? Kaya't pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo.

Hindi pa din maalis sa isipan ko ung nakita kong nagchuchukchakan sa porn na napanood ko sa net... yung mga tipong up and down talaga ang lalaki sa flagpole ng kachorvang guy. Umaatikabong pumping scene, at kung makikita mo lang ang mukha ng lalaking chinochorva, sarap na sarap siya.




BIhira akong ma bottom nung nakikipag jowa pa ako. Isang bf lang ang naging exclusive na top sa akin. Pero natatandaan ko (yata) na nag enjoy din ako na tumuwad minsan.

So i tried lathering the lower part of my body and inserting a finger up my ass.

Ouch.

Nilabas ko ulit.

A few minutes, nabihis na ako. Parang masakit pa din. Maya maya ay bumibili na ako ng Ponstan at habang nasa work, mayat maya na ako lumaklak... Until now, medyo namamaga pa din.





I remember ganito din nung una kong pumayag magpabiyak.

Naalala ko na bakit ayoko.

At para sa inyo na mga nag-iisip ng malasya...

OO MASIKIP ANG BUTAS KO.

Leche.

Thursday, December 3, 2009

Regrets

Screw it.

I regret having come out. It is the single worst thing that has ever happened to me apart from what I've been telling you.

Coming out LIMITS you. Instead of being this private p[erson who occasionally has flings from the same sex, it gives you a label.

It brands you to the core. It sets you apart like a scarlet letter.

I remember being told they didnt like me because I acted straight but still I tell people I'm gay. I mean, i don't volunteer the information, for crying out loud, but when I'm asked, I don't give it a second thought.

Until now.

People don't want me in their facebook accounts because my blog gives them an impression. I'm out.

They do not know me, they do not know the sound of my voice, or my mannerisms when i speak. They know nothing about my stuff. All they see are my rants.

And gay people do judge other gay people. And they get the goods.

Because at one point, their partners aren't embarrassed to hang out with them.

Sure.

Society has it's rules. And not all of us can make sacrifices. But heck, being the bigger person isn't fun.

I was speaking to a few friends about this... How in the world are these gay rights activists going to pull it off?

Inequality exists even in the gay community.



I don't need a shoulder to cry on. I'm not that emotional about it. I was just... SHOCKED... And extremely sad for the gay community.

I was denied invitation to a facebook account NOT by a straight person but another gay man.

He says it is pathetic.

I said no comment.

Well, hell, yeah, I lied. i AM pouring my heart out right now.. He's not going to see this on my faceboook page anyway.

Well... there. That's my 2 cents worth.



once nag outing kami 2 ang kwarto- isa para sa mga babae at isa para sa mga lalaki. Ang mga bading sa kwarto ng mga babae natulog.
Ako sa tabi ng pool.
Bakit?
Kasi ayaw ng mga lalaki katabi ako baka gapangin ko sila; Ayaw ng mga babae na katabi ako... lalaki pa rin daw ako.

Tol paano mo naman ako papaniwalaain na katanggap tanggap ako.

Wednesday, December 2, 2009

POSERS

Madaming gwapong lalaki sa kahit anong social networking site ang galit  na galit sa mga posers. Sari-saring Shoutout, status message at headliones ang nababasa ko na tungkol dito. Huwag daw kausapin si ganito dahil hindi niya picture yun. Wag i-add ang isang certain profile because it is not him daw. This is a phoney, that guy is a liar... This person is using another guy's picture on his profile. Using my friend's profile, using my bf's profice picture... etc etc etc.




E bakit nga may poser?

What comes into the mind of someone online to post a profile picture of someone else? What drives a person to misrepresent himself in a way that is outright deceiving? BAKIT ATE?

BAKIT?

In the same way na  bakit may mga products sa commercial na nagmimisrepresent din minsan. Bakit sobrang sarap tingnan angmga lintek na hamburgers sa mcDo at Jollibee samantalang less appetizing ang mga ito sa tunay na buhay? A subtle form of misrepresentation din naman yun ah.




Sabihin nating si Chatter A ang poser at si Chatter B as isang uber gwapong model na super choosy.

Chatter A tries to ding/nudge Chatter B.

Chatter A: Hi
Chatter B: ASL?
Chatter A: 30 m isla puting bato
Chatter B: Ang layo naman
Chatter A: Isang baranggay lang sa Tondo po yun.

Kinilabutan na si Chatter B sa word na "Tondo" Words like gosh, ew and never appear in bubbles sa ibabaw ng ulo ni Chatter B, just above sa mga spikes sa buhok niya, syempre para hindi pumutok ang bubbles. Pero teka, baka naman cute, e di invite him over na lang.

Chatter B: Cam ka?
Chatter A: (nasa cafe lang) wala e.
Chatter B:Ok pic, meron?

At this point, ipapadala ni Chatter A ang profile page niya sa friendster, facebook o myspace. Makikita ni Chatter B na hindi kagandahan si Chatter A.




Hindi na siya magrereply.

Take note na wala ni isang pioece ng information na nakuha si Chatter A kay Chatter B.

He feels cheated, he feels used. He fells like a pioece of panis na chicken in the market na nilapilapirot, inamoy amoy at dinutdot dutdot bago i-declare na unfit for public consumption.

At take note, sa buong magdamag na naka online siya, puro ganito ang eksena.

Ang remedy ni Chatter A... kumuha ng isang kapani-paniwalang litrato at angkinin ang isang identity na hindi kanya. Nag eedit din naman ang mga tao ng litrato sa photoshop, e di iphotoshop na niya ang buong resume niya.




Speaking of resume, madami rin ang gumagawa nito sa kanilang resume.

Lo and Behold! A POSER IS BORN.

Kada isang guwapong choosy na nagreject sa isang pobreng bakla na gusto lamang silang makausap at maging kaibigan ay mga 4 o lima sa isang araw. kung gaya ng sinasabi ng marami na madami na daw gwapong bakla ngayon, e di times 4 pa ang maaaring maging POSER katulad ni Chatter A.

Tapos ito ding mga gwapo'ng ito ang magrereklamo dahil litrato nila ang ninakaw ng POSER na ito at kahit na identity nila ay nahiram nang walang paalam.

Tayo din naman ang nakagawa ng mga Halimaw sa lipunan natin e. Ang mga giinagawa natin sa hangin, naging mitsa ng global warming na nararanasan natin. Ang mga sakit na nirereklamo natin, gling sa mga basura at bad habits natin.

Kahit ang mga POSERS, gawa ng bad habits online.

Sabi sa akin ng boss ko: Huwag kayong magreklamo sa isang problemang kayo rin ang gumawa.

May posers kasi kahit anong gasgas ang gawin natin sa kasabihang "Ang busilak na kalooban ay kagandahamng maipagmamalaki,"  ALAM MONG BULLSHIT yun e.




Unang titingnan sa iyo kung kagandahan ka. Tapos titingnan sa porma mo kung may pera ka... tapos saka pa lamang susubukan kung magaling ka sa kama. Yang ang standards lalo ng mga bading. Hindi na uso ung mga baklang arlor na pag aaralin ka, bibigyan ka ng matitirhan, bibihisan ka... Sa panahon ni Belo at Calayan, magaganda na sila at successful... parang mnga babae, may pinaglalaban na rin silang gay rights. Powerful na ang ilan sa kanila at nagdedemand na ng respeto.

Pero Mare, sumosobra na ang pagigng mapili mo. Hindi meat market ang internet.

Gusto mo ng model, sa TAO office ka mag antay ng BF, wag online.




Hindi totoong may mga taong hindi impressionable. May first impression, 2nd, 3rd... etc... may isang point na magkakaroon ng lasting impression sa iyo... hindi nga lang palaging 1st yun.

Pero palagi pa rin magiging factor kung gwapo o maganda ka. Hindi pa ako nakakita ng isang taong naghabol sa akin na hindi nagsabi na cute ako sa paningin niya. Wala pang nagsasabi sa akin na, alam mo, panget ka pero mahal kita e

Wala.

POSERS... hindi pa din ako kampi sa inyo, pero hindi rin ako kampi sa mga nakapaglikha sa inyo.

You Are NEVER Gonna Break My Rule NOW

The rule is:

NEVER TELL YOUR CRUSH.

EVER.

Or else you shall add up to the pile of corpse admirations, a heaping pile of decayiing infatuations equalling itself to the massive pile of corpses in Holocaust stricken Europe.

O the mass grave in Maguindanao.

Never EVER admit on havimng a crush on a person unless it is OVER. EVER.

You shall be rejected, and beaten, and hurt and you shall always be tagged as the LOSING PARTY.

Instead, when you do have a crush, act normally. Insult the 'ol bloke once in a while, miss him secretly, or never, even. NEVER LET THEM CATCH YOU STARING AT THEM, you IDIOT.

EVER.

Especially if you're singkle like me and doesnt get dates or never gets lucky. You might think, sure why not, lets give it a go.

XXX
NO.
NEIN.
NON.
HUWAAAG.

Suicide, dude.
Never tell your crush you even remotely like him. It's like giving your enemy the dagger and marking your chest with an X.

Never, ever... Ever.

Especially a while ago. I hated myself  when I posted that I like you thing. FUCK.
FUCK FUCK FUCK FUCK FUCK.

Don't tell me it's never been tried and tested. Ask these people:

















Some of these guys have already deleted me, or Ive deleted them because it was becoming too fucking embarrassing. Or they may have deleted me thinking i was going to ruin theior prfect little love affairs. And I thought I was insecure. (does NOT apply to everyone in the photo list.)

Never tell them you like them, because it's an open invitation for them to reject you! Hell, no. Crshing is supposed to be free and non-intrusive. Them KNOWING is AGAINST THE RULE.

LOOK BUT DONT TOUCH. Hell no.

And you can';t tell me I can't say the word FUCK, because it's all the FUCKING  I EVER GET!

Wednesday, November 18, 2009

Paniwalaan Ko Ba Kung Sabihin Mo'ng Mahal Mo Ako?

Marami na ako'ng napagdaanang bagyo, unos, tagtuyot, tag-araw, tag-ulan, binyag at libing. Wala na atang hindi namalas ang aking mga mata, nahawakan ang aking mga kamay at nadama ng aking puso. Ilang beses nang lumubog at sumikat ang araw sa aking magdamag, at ilang beses na di'ng namalas ang mga bahaghari at mga bulalakaw.

Kung sasabihin mo sa akin na mahal mo ako, paano ko paniniwalaan ito?

Ano na naman ba ang pinagsasasabi mo diyan?

Gusto ko nang umibig. Pero natatakot ako. Gusto kong ialay muli ang isang bahagi ng sarili ko sa taong sa tingin ko'y nararapat. Pero nanginginig ang aking tuhod, kumakabog ang akng dibdib at parang turumpo'ng umiikot ang aking katiuan sa tuwing iisipin ko iyan.

Hindi mo masisising natatakot ako. Binigyan ako ng napakalaking  dahilan para matakot. Ayokong mawala ang lahat sa isang iglap katulad ng dati. Ayoko'ng minsanan pa ay gumuho ang aking mundo at maiwang nag iisa, hiwalay sa aking pamilya, mga kaibigan at iniwan na lamang nang walang pasintabi, na walang balak pagsabihan kung bakit kelan at paano.

Walang kuwentang aminin m,o sa ibang tao na nagkamali ka pero sa akin ay ipagkait mo iyon. Hindi nila kama ang nilapastangan mo, hindi nila buhay ang minsanan mong sinira. Kng hanggang ngayon ay duwag ka, paano ko malalaman na hindi ka pa rin duwag sa taong kasama mo? Kung sinasabi mo'ng hindi ka deserving  sa pag ibig ko, paano mo malalamang hindi ka din deserving sa pag ibig ng ibang tao?

At sa akin... Paano ko naman malalaman na hindi na ulit mangyayari sa akin ang dati nang nagyari mula sa iyo?

Binigyan mo ako ng takot na ayaw mong burahin, ng kawalan ng pag asang ayaw mong bawiin.

At kayong mga kaibigan ko, paano ninyo kayang sabihin na kaya kong baguhin ang aking pananaw? Natakot na ba kayo ng sobra sobra na ayaw na niyong maranasan pa ang paglukso ng iyong puso mula sa dibdib at ang pagkamatay ng iyong pagkatao? Naranasan na ba ninyong piliting buhayin muli ang diwa na pinatay ng iba? Naranasan na ba ninyong bigyang ningas ang isang apos na matagal nang natupok?

Karuwagan ang pumatay sa akin, Katapangan ang bubuhay nang muli sa akin.



MAPALAD ANG TAONG MAGBUBUKAS NG AKING PUSO. KANYA AKO HANGGANG KAMATAYAN.

Saturday, November 14, 2009

Mga Echuserang Froglets

So kagabi dapat maghahanap ako ng makakai'ng mga echuserang froglets.




Gora ako sa Trinoma. So dapat papanoorin ko ang 2012. Pero Nag "end of the world" ng plans ko nung makita ko ang sooooooobrang haba ng pila, na halos sumakay na sa Merry go round ang mga tao'ng nakapila.

Gora ako sa garden at nag yosi.

bumili ako ng Black Bat at ng isang magandang lighter sa Lighters Galore.

Pinagyaman ko ang mga mata ko sa mga lalaki doon. E alam naman ninyo na hanggang imagination lang naman ako. Binalak ko mag browse ng mga MP3 Players at binisita ko din ang Power mac store. Ayoko nang mag-iPhone pero gusto ko mahg iPod Touch.

Nangangati na ang ulsa ng bagong sweldong lolo ninyo nang tumawag si Archie.

Si Archie ang maybahay ni Bham, bestfriend ko. birthday niya kahapon. kinukulit ako'ng pumunta.

Eeee... ayoko sana kasi  I'm hunting froglets nga e.

Pero napilit din ako.

In fairness, binusog naman ako ni Archie. nagkuwentuhan kami. Pagkarami raming gata ang nakain ko: Ginataang alimasag, Chicken curry, tapos beer na may Iced Tea, courtesy of Bham.




Hinintay nila akong tumakbo ng banyo. Pero nauna si Bham.

Tapos ni-raise na naman nila ang topic about Robin. Feeling ko binibuild up na nila sa akin ang lead na gitarista nina Xie. E sana may pinapakita sa aking litrato ano? Ang huli nireto sa akin ng mga yun naging bf ni EI. Cute na cute sila kay Ems, e hindi ko talaga type e...  hindi ako fan ng mga cherubs.

Sana nga ipakita na nila sa akin si Robin na yan... makita kung ano meron yan. Hindi naman ata papasa sa akin... o baka ako hindi pumasa dyan... WORSE, hindi pa matuloy yang pag reto-reto na yan e...

naku dati, nagpaparetoako sa kanila wala silang maiproduce na froglets. Kahit tadpoles wala.

Hindi naman ako umaasa pang maka chorva ulit.

Sobrang tagal ng 3 years para maging talunan.

Lumalalim na ang gabi... yan ang sabi ni Paolo Bediones.




Line ko din kaya yan kapag lasin na ako kakainom sa Bed, at wala man lnag ni isang lumapit sa akin para makipagkilala.

Bumili ako ng pabango kahapon. Mura lang. Nautica Blue. Kya ko binili, kasi naman ung isang TL, sabi kapag mabango daw ang isang lalaki pogi points sa mga badessa. So, buy ako.




Sino naman ang lalanghap sa akin sa loob ng office o sa church o sa bahy di ba?
Makikipagkilala ba sa akin ang nakakatabi ko sa bus o FX? Sasamyuin ba ako ng kakiskisan ko sa MRT? Malamang. Pero yung point na makipagkilala sa akin, malabo yun.

No, I'm not a pessimist.

I'm a REALIST. Parang si Claudine. Realista ako. Yung totoo lang naman ang sinasabi ko. Paano naman ako gigimik sa Malate kung tuwing Sabado ay may crisis sa simbahan na kelangan ko daw puntahan. Naiinis ako minsan sa mga church org. Wala na ako dun e. Bakit kelangan ko silang balikan at pagsabihan? Kailangan ko ng CHORVA.

Punyeta nagagalit na ako sa knaila.

At sa mga echuserang froglets na nagbabasa nioto, don't tell me na dun ako maghanap ng karir, UTANG NA LOOB, ayokiong ma-DEATH SENTENCE. at sa bahay pa ng diyos niyo ako paghahanapin ng gagawan ng kasalanan.





Para akong bampirang umiiwas sa dugo ng tao. Naiinis nga ako pag nalalapitan ako ng guwapong maskuladong lalaki e. Imaginin mo si Edward Cullen, tapos lumapit ka at naglalaslas ng braso mo sa harapan ko.




O DI BA.

Para akong mawawalan ng tino sa sarili ko nun. Baka naman mawalan ako ng ulirat sa sobrang ligaya.




Imaginin mo kapag nakakita ako ng hubad na lalaki sa gym. Tumigil pa kasi ako e. Sana hindi na lang para wa epek sa akin.

So ang gawain ko... nakakahiya. Natutuwa na ako na nakasiksik sa mga kalalakihan sa MRT. Dun ako nakakaranas na madikit ang katawan ko sa ibang tao. Sa public CRs naman, BIYAYA na sa akin na makasilip ng uten ng gwapo habang umiihi.

Kaya kayong mga magsi-CR... wag namang madamot, TINITINGNAN lang naman e. Para naman kayong ginahasa, hindi ko naman kayo aanuhin e.

Kung gusto ninyo e di sige.

Ung lasing nga sa kanto sa amin, hindi na tumatalikod pag umiihi nung isnag gabi. tiningnan ko talaga, ang reaksyon ko, "how nice, sana tumapat ka pa sa ilaw."

Kaso baka may balaraw yung tao, isaksak sa baga ko.

Tigang na tigang ako para akong WEREWOLF sa ilalim ng sinag ng buwan.




AAAARRRGH.
TANGINA. Pakantot.

O sige, pupunta na ako sa Choir practice... Ciao. God Bless.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...