Be One of My Froglets

Search This Blog

Showing posts with label Hope. Show all posts
Showing posts with label Hope. Show all posts

Thursday, May 12, 2011

Dagat

Hindi ako makapaghintay makabalik sa dagat.

Oo, pota, SIRENA AKO.

Taong 2008 nang huli ko masilayan ang isla ng Potipot. Binalak ko'ng bumalik noong kaarawan ko pero hindi natuloy. Bukas ng gabi, matutuloy na ako. Makapagpapahinga na rin ako ng 3 araw na derecho. 2 linggo na rin akong tig isang araw lang ang pahinga. Pagod na pagod na ako.

Kakaibang pahinga ang binibigay ng dagat sa akin. Malawak siya. Malawak ang kanyang pag unawa, na parang siya lamang ang makakaintindi sa akin. Wala siyang ikinukubli--- ang asul na langit at ang asul na dagat... ulap sa pagitan... Dagat hanggang sa maaabot ng pamningin mo.

Lalo na kapag nakahiga ako sa tubig, nakalutang lamang sa kawalan, nababalot ng hindi maipaliwanag na pakiramdam habang nakatitig lamang sa walang hanggang kalangitan. Pakiramdam ko, nakahiga ako sa palad ng maykapal habang nakatingin Siya sa akin... Nakangiti.

Thursday, May 5, 2011

Goodbye Mars

Ilang araw na ang nakakalipas, hindi ko magawang sumulat. Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas sa kukote ko. Magdamag ako nagpupuyat sa harap ng computer ko pero wala ni isang patak ng letra o tuldok.

Marahil dahil hindi o alam, nabawasan pala ng tala sa ibabaw ng lupa noong biyernes.


Naalala ko noong ganitong panahon rin noong isang taon, wasak ang kaluluwa ko. Ayoko nang magsulat, ni ayoko nang tingnan ang munti kong blogelya. Pinagkanulo ako ng mga taong pinagkakatiwalaan kko at pinaglaruan ang bawat nararamdaman ko.

Panahon iyon na nawalan na ako ng tiwala sa mga tao at sa sarili ko.

Sunday, April 17, 2011

Holding Hands

"Wala ako'ng ka holding hands."

"E di hawakan mo kamay mo with the other hand."

"Para mo na ring sinabing... 'mag holding hands ka mag-isa mo!'"


Ini-enggangyo mo ako'ng buksan ang puso ko sa posibilidad na magkakaroon ako ng tao'ng magmamahal sa akin pero hindi mo sinasabi'ng ikaw iyon. Para kang nagbebenmta ng pabango na hindi ko man lang naaamoy.

Kung sana sinasabi mo sa akin... "You can hold my hand if you like."

O kung sinabi mo sana pag sinabi ko na hindi ko alam bakit walaakong bf for 4 years, sinabi mo, "Gusto mo, try natin baguhin yun?"

Pero each time anyone says I will find someone, I get the feeling I won't.

Thursday, March 24, 2011

Kakaibang Katol


Nag outing ang team namin nung isang araw.

Plastado ako'ng nahiga ng kama kahapon pagkagaling sa Muning Buhangin, Batangas. Pagod ako pero masaya. Ang tulog lamang na nagawa ko ay nung nasa sasakyan na ako pauwi'ng Bulacan. Sinimulan ko'ng isulat itong blog entry na ito, pero nakatulugan ko din. Paggising ko, hindi ko pala naisara ang facebook ko at twitter, sandamakmak na "gising ka pa ba?" at "Nasaan ka na?" ang natanggap ko.

Masaya. Sobrang saya ng grupo'ng ito. Gabi pa lamang ng abente-dos ay maingay na kami sa sasakyan habang papunta sa Batangas. Napag usapan ang kakaibang kulit ng kasamahan naming si Paolo. Biro ko nga, KAKAIBANG KATOL ang tinitira ng taong ito.

Sample ng kakaibang katol na gamit ni Paolo. Siya yung naka pula.

Matagal ko nang na witness ang kakaibang katol na ito. Pitong taon na ang nakakalipas, kasama ko din si Pao sa ibang kumpanya.

Monday, February 28, 2011

ECHUS-SPHERE (ET-chooz-fear):

Echusphere. Hindi Echo Sphere. Echus.  Chorva. Spanish: Hechos, meaning "bagay." Echosphere, parang Atmosphere, strtosphere, exosphere...



Ang ECHUSPHERE ay ang bahagi ng atmosphere kung saan naniipon ang mga ka-echosan. Dito nakukuha ang lahat ng kachorvahan, ka-ek-ekan at mga istir (OMG, does anyone still use that term??)

Madami pa rin ang naiintriga sa salitang CHORVA.

Ang CHORVA ay anak ng ECHUSPHERE. Ang Echusphere ang ina ng mga ECHUSERANG FROGLETS. Ito ang kalinangan ng mga ideya, ang makulay na pagbabahabahagi ng mga kaalamang BERDE.

Sari-saring CHENELYN GARGLES na ang pinamahagi sa atin ng mahiwagang Echusphere na ito. Mga napakagandang mga kasinungalingan. Napakagandang paniwalaan. Mga inaping babaeng nagiging prinsesa. Mga kawawang nilalang na kapag lumulon ng bato ay nagiging superhero... Mga sirena'nbg nagiging tao.

Pawang mga kasinungalingang ating niyayakap, minamahal at pinaniniwalaan.

Ilang echus na ang nilanghap ko?

Ilang chorva na ang pinaniwalaan ko?

Ilang chenelyn gargles na ang ipinalit ko sa aking sentido comon?


Masarap paniwalaan ang mga kasinungalingang galing sa ECHUSPHERE. Tuwing pumipikit ako, dinadala ako ng aking guniguni sa Echusphere. Nayayakap kita, nakakausap kita, nahahagkan kita. masaya tayong dalawa.

At tuwing ididilat ko ang mga mata ko, bumabalik ako sa aking tunay na mundo, si Cinderella sa tabi ng mga abo, si Red Riding hood na nilalapa ng mga lobo, pinatay si Snow White ng Evil Queen. Kalbo na si Rapunzel.

Hindi na magigging prinsipe si Palakang Petot.

Tuesday, January 25, 2011

At Iadya Mo Po Kami Sa Lahat ng Masama

Paiba-iba ang bilang ng mga nasawi. Kanina 2 lang daw ang patay. Ngayon, apat na daw ang patay. 3 lalaki at isang babae. Nakaupo na ako sa tapat ng aking computer sa bahay, Pagtingin ko sa aking cellphone, may mga missed calls at mga messages ako mula sa mga tao sa opisina. Hindi ako makasagot. Wala akong load.

Nakatingin ako sa litratong ito mula sa Twitter account ng MMDA:



Kung hindi ko chinika si Rachel sa opisina, malamang kung hindi ako sakay ng bus na iyan, naka-tengga ako sa counterflow traffic ng EDSA . Paano na lang kaya kung katabi'ng bus iyan na sumabog at nakita ko ang pagkamatay ng mga tao sa loob? Paano kung nag aabang ako dyan sa Bus Bay na iyan nang sumabog ang bus na iyan.

Ala-una ng hapon, nagmamadali na ako'ng mag ayos ng gamit sa aking station,

Sunday, January 23, 2011

Sin Verguenza

Sa lahat ng ayaw ko, yung napapahiya ako sa sarili ko.



Mapahiya ka na sa ibang tao, gaya ng mali ang alam mo, at hindi mo naman alam na mali iyon, o napagkamalan mo ang kung sinong Herodes na kung anuman siya, sa ibang tao, Nadulas ka, nabutas ang pantalon mo, nautot ka ng pagkalakas-lakas. Nahubaran ka ng shorts sa pag ahon mo sa swimming pool o sa dagat.

Lahat ng kahihiyan na iyan, nakakalimutan yan ng ibang tao. Marami silang ginagawa sa buhay nila at hindi na nila pag aaksayahan ng panahon na alalahanin buong buhay nila na minsan habang tumatawa, ay tumulo ang laway mo at hinigop mo ulit. Hindi na nila maaalala na minsan sa PE Class ninyo, ay nag si-sit ups ka at bigla kang nautot, at umalingaw ngaw sa buong gymnasium ang kabag mo. Hindi na nila matatandaan na sa Bus, habang ikaw ay umaakyat, nakakapit sa estribo, pag-angat ng hita mo ay bumukas ang pundya ng pantalon mo.

Pero kung mapapahiya ka sa sarili mo, kahit hindi na nalaman ng ibang tao, mas matindi iyon. Parang ang tanga-tranga mo. Iyon, maalala mo. Paulit ulit na nagpi-play yun sa utak mo na parang youtube clip na naka autoplay.

Yung mga tipo'ng umasa ka sa pagtingin ng isang tao, tapos yun pala

Friday, January 7, 2011

Viajero

Kausap ko na naman kaninang umaga si Vince Galang, at nakakuha na naman ako ng very profound na idea galing sa kanya. Na, ang buhay ay parang biyahe pauwi. Minsan, naghihintay ka ng mga bus, at alam mo'ng isa lamang ang masasakyan mo, hindi mo masasakyan lahat nang sabay sabay. Minsan may palalagpasin ka, pero yun pala ang matulin na biyahe.

Tama siya.

Minsan namimili ka ng bus depende sa  dadaanan. Gusto mo Ibabaw, Ilalim, Fast Lane. Alam mo'ng kung dadaan ng sangkaterbang stop at mamamakyaw ng pasahero. Alam mo kung matatagalan ka sa biyahe o hindi. May bus na puro movies ni Vic Sotto, May puro katayan na pelikula, o puro bagong pirated na pelikula ang pinapalabas. Tulad ng mga tao na nakikilala natin, ang mga bus ay may personalidad.



May kung tawagin ako ay Chaka Bus. Yan ang mga bus na walng sumasakay kundi mga chaka'ng tao. Lalo na kung yung mismo'ng bus, chaka din. Mabaho sa loob, amoy gasolina at usok, aircon pa namang naturingan. Wala siyang na-a-attract na pasahero kundi mga chaka lang.

May bus na kung tawagin ko ay Buwaya Bus. Ito yung mga bus na

Friday, August 6, 2010

My Drawings Kept Me Sane


What else would you do? The last person you trusted played mind games on you, talked on your back and threw countless hurtful words? No friends, stressful home, stressful work... I have my pen, markers and charcoals to provide me the freedom of expression I needed. I was drawing since I was 3.

Where else would I have gone to?

Here, in my own personally crafted universe. No iPhones, no iPads, no Macbooks. No callers. No fat bipolar mind-playing boys who claim they are helpless but uses you as pawn...

Away from you! I will begin with a line from top to bottom...

Thursday, April 8, 2010

Ang Ruleta ng Kapalaran.

Gabi noon bago ang Domingo de Ramos nang ipinanganak ako. Habang abala ang mga tindera sa paghahabi ng mga palaspas, nalaman ng doktora na suhi pala ako. Unang nasilayan ang aking paapapalabas na mga paa. sa sinapupunan ng aking ina. Nerbiyosa ang doktora na nagpapaanak sa nanay ko. Unang anak. Suhi. Naghanda sila upang ilabas ako sa pamamagitan ng C-Section. Makalipas ang ilang sandali, iniyak ko ang aking unang iyak, ngunit hindi ang aking huli.

Ang unang umaga ko ay Linggo ng Palaspas. Kasabay ng kasiyahan ng magulang ko ay sabay-sabay na iwinawagayway ng mga tao ang kanilang mga palaspas patungo sa kani-kanilang Simbahan. Kasabay ng mga masasayang tunog nagpumapalaspas na mga dahong hinabi sa iba't-iba'ng paraan, natuto akong iwagayway at ikawag ang aking maliliit na braso at binti sa kuna ng ospital sa Sampaloc.



"Masaya" at maraming kulay ang Semana Santa ng panahon na ako'y isinilang. Hindi tulad ng mga pagdiriwang ng Semana Santa nitong mga nakakaraan lamang. Bawat kalsada ay may Pabasa, kung saan, hindi lamang kubol, kundi handaan ang sasalubong sa iyo. Bawat Bayan ay may Sinakulo, bawat baranggay ay may nagpipinitensya. Taos magdasal ang mga tao at hindi mo mabilang ang mga pamahiin na sinusunod pa rin.



Semana Santa ang unang linggo ng buhay ko. Kaya nga siguro mas mahal ko ang Domingo de Pascua kaysa sa mismong Pasko. Ang una ko ring kaarawan ay pumatak sa Pasko ng Pagkabuhay. Unang taon ng saya, unang taon ng pag-asa.



Sa kadahilanang ang kaarawan ko ay pirmi sa ika-10 ng Abril, at ang Semana Santa ay base sa ikot ng buwan sa kalawakan, hindi palaging Domingo de Ramos o Domingo de Pascua natatapat ang aking kaarawan. Kadalasa'y Lunes Santo, Sabado de Gloria at Viernes Santo.

Pinakamalungkot ang pagpatak ng kaarawan ko sa Sabado de Gloria. 14 na taong gulang ako noon at may swimming pool pa kami sa bakuran noon. Nagpa-swimming party kami sa mga kaibigan ko at mga kaklase. Walang nagsidatingan. Dahilan ng ina ko sa akin, marahil daw ay dahil bawal daw maligo o lumabas ng bahay kapag Sabado de Gloria. Marami akong masasayang alaala sa swimming pool na iyon, ngunit malungkot ang alaala ng aking kaarawan doon. Mas mabuti pa sa mga panahong tumutuntong ng Viernes Santo ang kaarawan ko, may bumabati pa sa akin dahil nagkikita kita kami sa prusisyon.

Wala na kaming swimming pool sa bakuran namin. ibinenta ng tatay ko ang lote na iyon sa kapitbahay at ngayon ay bilyaran na siya. Kung tutuusin, pool pa rin naman ang nasa lote na iyon. Bola na nga lamang ang lumalangoy sa sikad ng mga tako imbes na mga tao.

Kaarawan ko taong 2004, sa panaho'ng ang tatay ko naman ay nakaratay sa banig ng kamatayan. Araw ng aking kaarawan nang bumagsak ang presyon ng dugo niya at nanganganib bawian ng buhay. Hindi na kami bigyan ng Red Cross ng dugo dahil kada makalawang araw na lang kung kami ay bumili ng dugo sa kanila, bukod pa roon, hindi karaniwan ang tipo ng dugo ng tatay ko. Hindi mga Santo ang tinawagan ko, kundi Cruz... Si Attorney Mia Cruz-Caisido ang tumulong sa akin upang makausap ang Red Cross at payagan ako'ng kumuha ng dugo hangga't kailangan ng aking ama.

Binawian din naman n buhay ang tatay ko, 18 araw ang nakaraan. Pumalya din ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Sa loob ng isa't kalahating buwan ng pagbabantay, paghahanap ng dugo, lahat ng iyak ginawa ko sa silid na walang laman, ilang minuto lamang matapos nilang ilabas ang bangkay ng aking ama.



Iyon ang taon na wala ako'ng kaarawan. Iyon din ang taon na tumigil na ako sa pagdiriwan niyon. Dahil kadikit ng araw na iyon, maaalala ko na naman na wala na akong masasandalan, maaasahan. Lahat kami nakasandal sa aming ama. Ako ngayon ang ipinalit nilang sandalan. At pakiramdam ko na ikamamatay ko ang posisyong iyon.

Soltero ako, wala'ng pagkakataong hindi maging soltero. Marami rin akong problema, gaya ng marami'ng kapwa may suliranin din sa buhay. Bagama't hindi pareho ng pagkakahulma ang ating buhay, alam ko, nakakabahagi rin kayo sa mga paghihirap na tinutukoy ko.

Mahirap ang buhay. Minsan hindi tayo pinapayagang maging masaya, magpahinga at walang alalahanin. May mga bagay na hindi maiaalis. Dati, sinisiguro ko'ng araw ng kaarawan ko man lang ay wala akong isiping problema, maliban sa mga panaho'ng ito, na minsan talaga, hindi mo maiiwasan na magkaroon ng hidwaan. Anumang oras ay maaari akong bawian ng  trabaho, uulit na naman ako sa simula at mawawala na naman ang lahat ng pinaghirapan ko. Simula ako ng simula. Ulit ng ulit, parang gulong na paikot ikot lamang.

Alam ko hindi ako dapat maging malungkot, paulit ulit mang bawiin sa akin ang kung anong ipinahiram lamang. Wala naman talaga tayong pag-aari sa buhay natin na permantente. Ang relong suot mo ngayon, isang araw ay tittigil. Ang laptop na ito, tulad ng nauna kong computer at ang computer na nauna pa roon... isang araw ay hindi na mapapagana ng kahit na anong reformat. Hindi lamang ang tatay ko o ang nanay ko ang taong mawawala sa akin na mahal ko.

Paikot ikot lamang ang buhay ko na parang isang mahabang Semana Santa. Ipinanganak ng Domingo de Ramos, iwawakas ng Domingo de Pascua. Parang Tambiyolo. Pinapaasa ka sa isang matinding panalo.

Ruleta ng Kapalaran, kailan kita magiging kakampi?

Monday, March 8, 2010

Witness

"I have been a witness to death, and a witness to life; although I am yet to be witness to everything in between."



March 5, 2010 - isinilang si Faith Adelaide kina Archie at Zeny Pahamutang. Hindi ko nakita ang pagsilang ng mga sarili kong mga pamangkin, kaya iyon ang una kong pagkakataon na masilayan kung paano ang unang pagkikita ng isang ina sa kanyang unang anak. Nakakaiyak, at naantig naman ako sa kanilang eksena. Andoon na ang tuwa, at paano busisiin ang bata, pagmasdan at alamin kung kaninong ilong; kanino'ng paa, kaninnong mata at bibig... napakaganda nilang tingnan.



April 28, 2004 - binawian ng buhay ang Daddy ko sa aking tabi sa IKALAWANG pagkakataon, hindi na nakayanan ng mga doktor at nurses na ibalik siya katulad noong una. Noong unang pagkakataon, hawak pa niya ang braso ko habang nakatitig sa akin. Hinatak na lamang akong papalabas ng kuwarto, habang ipinapasok nila ang defibrilator upang gamitin sa akin ama. Sa ikalawang pagkakataon, tahimik na lamang nila akon hinawi, habang natulog na lamang ang Daddy ko at hindi na nagising.


Saksi man ako sa dalawang pangyayaring ito, ang pagsisimula ng buhay ng isa, at ang pagpanaw naman ng nauna, hindi ko pa rin maubos-maisip kung papaano na BOBO pa din ako sa buhay. Mamalas mo man ang umpisa at katapusan ng Sansinukob ay hindi mo pa rin maipapaliwanag ang mga nangyayari sa pagitan nito.

Ang bawat pagsilang at pagpanaw natin sa tuwing may pangyayaring nakakapagbago ng ating buhay at pagkatao, ang bawat pagpanaw at pagsilang ng ating mga puso sa bawat relasyong nabubuo at nawawasak, ang bawat pagsilang at pagpanaw ng ating mga pangarap ay isa pari'ng misteryo para sa akin.

Ang bawat pagbangon sa pagitan ng pagsilang at pagpanaw ang hindi ko pa matutunan. Kahit ilang aklat ang aking basahin, kahit ilang kurso ang aking kuhanin, mapurol pa din ang utak ko at pang-unawa. Minsan, parang pakiramdam ko ay napakabobo ko nang tao. Bakit hindi ako matuto-tuto?

Pero may mas bobo pa sa akin. May mga taong patuloy pa din sa mali nilang paniniwala, sa mali nilang pamamaraan. May mga taong hindi bumabangon pagkatapos madapa, na sinasadya para hindi na asahan ang kanilang sarili. Matalino silang kung tutuusin, kasi hindi nila paghihirapan ang buhay sa pagitan ng pagsilang at pagpanaw... Pero ano pa nga ba ang buhay nila kundi pagsilang at pagpanaw lamang?

Ano ang kaibahan ng tao sa mga ibon sa himpapawid, ang mga isda sa dagat, ng mga halimaw sa kapatagan at mga halaman?

Kanina, dumalaw kami ng aking kaibigan sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife. Ikinukuwento niyta sa akin na itong nakaraang taon lamang, malago'ng malago ang park noong bandang Oktubre, kung saan dito siya nagpapalipas ng mga panahong magulo ang kanyang isipan. Maayos ang mga halaman, napapakain ang mga hayop.



Ang inabutan namin ay ang Parks and Wildlife sa tagtuyot. Dilaw ang paligid, lagas na ang mga tuyong dahon. Patay ang paligid. Hindi maalagaan dahil kapos sa tubig. Balisa ang mga hayop na nakita namin, bagamat naroroon pa din naman ang angking ganda ng kapaligiran... ngunit kagandahang nababalutan ng lumbay sa paligid.



Hindi lamang tayo isinisilang at pumapanaw.

May pagitan iyon, na kung saan binigyan ka ng Diyos ng kapangyarihang hulmahin, ariin at gamitin ang iyong buhay. Hindi ka hayop o halaman. Hindi mo iaasa ang iyong sarili sa kagandahang loob ng ibang tao, tulad na lamang ng mga halaman at hayop sa loob ng park.

"Ikaw ang may kasalanan ng iyong nakaraan at ang may kapangyarihan sa iyong kinabukasan," iyan ang palagi ko'ng sinasabi sa aking sarili. Palagi ko'ng nalilimutan.Palagi nating dapat ipaalala sa ating mga sarili; paulit-ulit na sambitin na parang dasal. Parating alalahanin, parating ariin ang ating buhay.

Thursday, January 28, 2010

Tulala

Nakatulala ako sa kawalan bago isulat ito.

Madalas ganun ko simulan ang araw ko... nakatulala, nililinis ng anumang basura ang aking katinuan bago ko gain ang mga bagay na kailangan. Kinakalimutan ko ang mga bagay na hindi ko kailangan upang lubos kong magampanan ang aking bahagi sa araw na ito.




Mahalaga ang katahimikan sa kaluluwa. Masyado'ng maingay ang paligid, pati ang kaluluwa natin, maingay. Sumisigaw ang galit, umiiyak ang pagkabigo, tumatawa sa kaligayahan. Lahat nityo, bahagi ng pagkatao natin, dekorasyon sa ating kaluluwa.

Ngunit minsan kahit sarili nating pagkatao ang lumilikha ng palusyon sa ating kaluluwa.  Kaya mahalagang tumahimik muna.

At tumulala.

Pagkatapos nito, isa-isang papasok ang mahahalagang bagay na kailangan mong maalala, kailangan mo'ng unawain... kailangang inintindihin.

Hayaan mo muna akong umupo rito at tumulala.


Tuesday, January 26, 2010

Oz Revealed

Nanonood ako kanina ng mga pelikula sa aking laptop at napagtripan ko na manood ng mga bagay na may kaugnayan sa Oz, gaya ng  Wizard of Oz, Return to Oz, Wicked, mga Behind the Scenes, mga documentaries... Kasi Oz din ang tawag sa Australia, kung saan doon ang Client namin sa trabaho, at kasalukuyang Australia Day doon ngayon. Oz is another nickname for Australia.




Nalaman kong sa lahat ng mga cast ng original na Wizard of Oz (1939, MGM Studios), si Billie Burke (Glinda) lang pala ang first choice na lumabas sa movie. Si Shirley Temple ang una nilang inisip para sa role ni Dorothy Gale, at hindi si Judy Garland (Hindi pala naimpress ang mga producers sa boses ni Shirley Temple), Ang orig na Tin Man (Buddy Ebsen) ay nagkasakit dahil sa makeup niya at pinalitan, at maganda dapat ang Wicked Witch of the West (Gale Sondergaard), at nang hindi umubra at dapat daw panget ang wicked witch, binigay kay Margaret Hamilton.



NOSEBLEED ALERT.

Sige, tatanggalin ko na yng plangganang nilagay ko sa ilalim ng baba mo para pansalo ng laway saka dugo, At eto na yung point ko:

Sa laksa-laksang videos at clips na pinanood ko magdamag, habang nakikinig ako ng version ni Bob Marley ng "Somewhere over the Rainbow" (yes, may reggae version si Bob Marley) ay nakapanood ako ng isang rare episode ng Judy Garland Show.

Sabi ni Ray Bolger, ang nagplay ng Scarecrow, and sabi sa kanya ng nanay niya, ang Story ng Wizard of Oz ay parang buhay.Sa stoory kasi gusto ng Lion ng tapang, ng Tin Woodsman ng Puso at ng Scarecrow ng Utak, sa bandang huli, nalaman na mayroon pala sila ng lahat ng ito.

Tayo ding lahat, binigyan ng Utak, Puso at Tapang para maabot ang kayamanan sa Dulo ng Bahaghari. Ang kayamanang iyon ay isang Tahanan (There's no place like home) at ang buhay ay pagbubuo ng isang tahanan, marami man tayong makilala at matutunang bagong bagay, babalik pa rin tayo sa ating tahanan.

Kausap ko kagabi ang isang chatter at pinag-uusapan namin ang pagmo-move on.

Kung makikita ninyo sa mga nakaraang blogs ko nung nakaraang taon, malimit na pag usapana na wala akong CLOSURE sa mga pangyayari sa buhay ko. Ang taong ito ay tulad ko so many months ago, hindi makapag move on, hindi makapagbuo ng buhay niyang muli.

Naihalintulad ko ang AMING sitwasyon sa isang nasunugan at sinasabi ng mga tao na umuwi na siya. Saan ka nga naman uuwi kung nasunog na ang bahay mo di ba?

Dalawang bagay: Gagawa ka ng bagong bahay, o hahanap ka ng bagong matitirhan. Dahil sa bandang huli, IKAW rin naman ang tahanan. Sa iyo din naman mag-uugat nag lahat ng bagay na magiging mahal para sa iyto. Ikaw at ikaw pa rin naman ang iibig, iibigin at tatahak sa bago mong buhay.

Home is always where YOUR heart is. It is never a place. It was never the house, or your garden. It isn't even the people you live with... because HOME springs out from your heart. Your heart creates your home.

Habang pinapanood ko ang Wizard of Oz, naiisa ang puso ko sa lahat ng mga bakla sa universe na umaawit ng Somewhere Over the Rainbow at marahil sa sinabi'ng iyon ni Ray Bolger, naintindihan ko na kung bakit mahalaga ang kanta at pelikulang ito sa maraming maraming tao.




Kaya siguro mas grounded na ako sa sarili ko. Kaya siguro nasasabi ko na sa ibang tao na may choice sila pagkatapos na maguho ang mundong kilala nila. Lahat nagagawa ng Utak, Puso at Tapang. Hindi mo na nga kailangan ng maraming hokus pokus, sabi nga ni Glinda, the power to go home was all in you all along, you just wouldn't have believed it if someone told you.

At dahil dyan, I can post this picture I promised when I finally felt the change. Hindi man itsura ko ang nagbago, alam kong babaguhin na ng puso ko ang buhay ko.


Monday, January 25, 2010

A New Software Version is Available For Gooeyboy, Would You Like to Download It Now?

Isang buong buwan ko'ng pinakiramdaman ang aking sarili. Isang buong buwan ko'ng tiniis na huwag ka'ng kausapin, Agnolo. Hinayaan kong ang huling entry sa aking blogelya ay isang nakakahiyang yugto sa aking pagkatao. Hinayaan ko'ng ang huling pagkakaalaala sa akin ng mga tao ay isang desperado, malibog at nakakaawang nilalang. poor you, Gooeyboy... poor you.

Pero sabi nga nila, "When you're down, and you hit rock bottom, there's no where else to go but up."

Pag-ulaulanigin at pagtagni-tagniin natin ang mga naganap sa mga huling sandali ng 2009. Naiisip ko tuloy, mamimiss ko ang 2009.  Naging mabait siya sa akin.

(Enter Thoughts Here)

Oo late na masyado para sa isang New Years edition ang aking blogelya, pero not too late for KUNG HEI FAT CHOI! (dragon+firecrackers+tikoy...kaboom) ang dahilan... kailangan ko hanapin ang sarili ko, at pakiramdaman kung nabago nga ba ako ni 2009. Pinaghahanap na ako ng mga kinauukulan at kinabubukulan.

Nagkasakit ako ng isang linggo simula ng pasko, at umabot pa ng bagong taon. Sinisipon at nilalagnat ako pero patuloy pa din ng pagkayod at paghahanap buhay. Dumating si 2010, (Two Oten, kung tawagin ko) at binaha ng unos ang trabaho ko. Sa labas ng trabaho, nadukutan,nanakawan, naipit sa pintuan ng MRT (WALANG BIRO, NAIPIT AKO SA PINTUAN NG MRT!) sA PAGBABALIK MULA SA BAKASYON, isang superdupermajorcosmicpowertothemax na outage ang bumulaga sa amin, kasabay ng mga wasiwas calls na nagpapatunay na wala pa talagang gustong pumasok sa trabaho. Sana nag AWOL na lang yung mga ganung agents, hindi naman pala mahalaga sa kanila trabaho nila e.

Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa iyo? So napakalaking kasalanan ba na matapos kong kalikutin ang aking likuran at magsisi sa paggawa noon, ay hanapin ko kung bakit ako nagkakaganito? Bakit masungit si Gooeyboy? Bakit sobrang hindi na siya naniniwala sa magagandang bagay? Bakit galit siya sa salitang lovelife, sexlife, soulmates, twin flames at kilig? Bakit hindi diya ngumingiti? Ito at marami pa, sa aking susunod na mga sasabihin.

At eto na ang resulta ng aking pagmumuni-muni...

Sa edad kong 33, ay hindi ko na kayang paniwalaan ang happily ever after. Hindi na ako nakikipaglaro. Marami na akong mga naranasan sa buhay na minsan ay hindi ko maubos maisip kung bakit kailangang mangyari. May mga taong umalis, nang-iwan, namatay, at mayroon namang ibang dumating. May mga problemang nagapi , mayroong nakatalo sa akin, at marami ang darating pa. Paulit ulit akong umasa, nabigo, umasa, nabigo, hanggang hindi ko na alam kung aasa pa ako. May mga bagay akong natututunan at may bagay akong nakakalimutan. Naranasan kong manginig sa takot sa mga bagay na hindi ko alam at iwasan at kalimutan ang mga bagay na nalalaman ko.

Hindi ko alam kung anong uri ng batobalani mayroon ang pag-ibig, na kahit ilang beses kong i-deny na wala akong balak sumali sa kabaliwang iyan, yun pala, sa loob loob ko, umaasa pa rin ako sa mahiwaga, at sa bagay na hindi ko nauunawaan. Umaasang isang araw mahahanap din ako ng hinahanap ko.

Pero sa ngayon, naghahanapan lang kami.

At naisip ko, sa isang buong buwan na pinakikiramdaman ko ang aking sarili, sa pagbibilang ko ng mga taon at mga pangyayari, sa mga bagay na nagawa ko na at gagawin pa lamang, napagtanto ko...

Wala sa edad ang natututuinan mo.

Tanga ka pa rin sa pag-ibig. Mangmang ka pa din sa buhay.Bobo ka pa rin matapos ng lahat ng leksiyon na napag-araklan mo.

Ilang buwan ang nakakaraan, pinag uusapan nila kung bakit paklaging mainit ang ulo ko, kulang na lang sa pagwawala ko sa opisina ay ibalibag ko na ang katabi ko. Muntik pa akong hamuning makipagsuntukan ng kaopisina ko minsan. Ampangit pangit ng outlook ko sa buhay, wala nang maganda, at kapag nakakakita ako ng maganda, sinasabi kong peke, hindi totoo, osandali lamang yan. Ang permanente ay gulo, away, problema.

Itong mga nakaraan na mga linggo ay kinakantyawan nila ako sa opisina. kahit yata sa facebook. IN LOVE DAW AKO. Kung sino sino ang sinususpetsa nilang nakabasag ng "sumpa" pero mariin kong itinatanggi.

Bakit daw kanyo ako In Love?

Hindi na ako naninigaw sa opisina. Bihira na akong mambalibag ng mga gamit. Hindi na ako nakasimangot tuwing may lalapit sa akin. Hindi ko na tinititigan ng masama ang mgamagsyotang nakikita ko. Palagi na akiong nakatawa o nagpapatawa. Nahuhuli nila akong kumakanta.

At hindi nila mahahanap kung sino ang nakapagpabago sa akin, kasi ibang tao ang hinahanap nila, Samantalang nandirito lamang ako.

Kasi nga, BILOG ANG MUNDO.

Nakalagay sa About Me ng facebook ko at kahit sa Mukltiply ko... IKAW ANG MAY KASALANAN NG IYONG KAHAPON AT ANG MAY KAPANGYARIHAN SA IYONG KINABUKASAN.

Dapat simulan ko nang paniwalaan iyan.

Tatanggalin na natin yung PARA KANG LANGAW NA PABALIK BALIK SA TAE.


May nakapagsabi na balanse dapat ang mundo, at nagtatanong tayo kung paano babalansehin angbuhay natin.

Naniwala akong HINDI PARATING MAGANDA ANG BUHAY.

Nakalimutan ko'ng HINDI RIN MAAARING PALAGING PANGIT ANG BUHAY.

Balanse.

Binabalanse ng pangit ang maganda. Kinukumpleto ng Maganda ang Pangit. Hindi puro liwanag ang kalawakan at hindi rin puro dilim.

Ito ang bagong version ng software ko. Sinisimulan ko na siyang iinstall at malay mo, mamaya ay updated na ang pagkatao ko.

Aaminin ko'ng hindi pa tapos ang pag-uupdate. At malamang kapag na update ko na siya ay may bago na namang version na lumabas.

Nagbabago ang tao.

At kahit hindi ako halatang tao, hayaan ninyo ako'ng magbago.


PS: Hindi talaga ako in love. Pasensya na. Pero kung tingin mo, pwede mo akong painlabin... Go gurl... at malay mo, sakto ka sa hinahanap ko?

Simple lang naman e... IN LOVE AKO SA SARILI KO. Angal ka? Check mo facebook ko, tingnan mo kung kanino ako may relationship.

Walang picture. Hindi pa ako tapos mag update.

Thursday, December 3, 2009

Regrets

Screw it.

I regret having come out. It is the single worst thing that has ever happened to me apart from what I've been telling you.

Coming out LIMITS you. Instead of being this private p[erson who occasionally has flings from the same sex, it gives you a label.

It brands you to the core. It sets you apart like a scarlet letter.

I remember being told they didnt like me because I acted straight but still I tell people I'm gay. I mean, i don't volunteer the information, for crying out loud, but when I'm asked, I don't give it a second thought.

Until now.

People don't want me in their facebook accounts because my blog gives them an impression. I'm out.

They do not know me, they do not know the sound of my voice, or my mannerisms when i speak. They know nothing about my stuff. All they see are my rants.

And gay people do judge other gay people. And they get the goods.

Because at one point, their partners aren't embarrassed to hang out with them.

Sure.

Society has it's rules. And not all of us can make sacrifices. But heck, being the bigger person isn't fun.

I was speaking to a few friends about this... How in the world are these gay rights activists going to pull it off?

Inequality exists even in the gay community.



I don't need a shoulder to cry on. I'm not that emotional about it. I was just... SHOCKED... And extremely sad for the gay community.

I was denied invitation to a facebook account NOT by a straight person but another gay man.

He says it is pathetic.

I said no comment.

Well, hell, yeah, I lied. i AM pouring my heart out right now.. He's not going to see this on my faceboook page anyway.

Well... there. That's my 2 cents worth.



once nag outing kami 2 ang kwarto- isa para sa mga babae at isa para sa mga lalaki. Ang mga bading sa kwarto ng mga babae natulog.
Ako sa tabi ng pool.
Bakit?
Kasi ayaw ng mga lalaki katabi ako baka gapangin ko sila; Ayaw ng mga babae na katabi ako... lalaki pa rin daw ako.

Tol paano mo naman ako papaniwalaain na katanggap tanggap ako.

Friday, November 20, 2009

Ang Kaban ng Tipan

Sa kalumaan ng baul na iyon, isinilid ko ang aking mga alaala... malulungkot at masasaya. Ang unang ticket ko ng eroplano, ang unang Trade Show, ang unang dula na aking sinulat, mga liham, mga litrato, ang unang pag-ibig (yuck). Sa sala-slansang na mga papel at larawan, mga ticket, susi at maliliit pang bagay.

Ang lumang baul ay dala ko kung saan man ako nakatira. Kasama ko siya nang lumipat ako sa Makati, at kasama ko pa rin siya nang bumalik ako dito sa Bulacan Nang bumagyo at nasalanta kami ni Ondoy, kasama siya sa mga unang nailigtas. Siya ay sisidlan ng aking kaligayahan at kalungkutan, nagpapaalala sa akin ng aking pagkatao. Nagpapatibay ng aking sikmura, nagpalawak ng aking pag unawa, nang mapagpatuloy ang paglalayag sa dagat na kung tawagin ay buhay.




Walang susi ang baul. Matagal nang kinalawang ang kanyang pampinid. Ito na yata ang pinakamatanda sa lahat ng aming lumang kagamitan. Dalawa ang baul... ang mas matanda ay wala na, isa ito'ng halo ng bakal at kahoy. Matagal nang inanay ang baul na iyon, at kinalawang na rin ang bakal na nagdurugtong sa mga ito.

Ang aking baul ay mas payak, isang kahoy na kahon, ngunit akin itong inalagaan. Kada ilang buwan ay pinapahiran ng langis at isang botelya ng Pledge ang aking katuwang. Sa aking paglipat sa Makati, ay bawal siyang buksan ng kahit sino. Nang bumalik ako dito sa Meycauayan ay isa siyang sagradong bagay.

Ako si Moises, at ang aking baul ay ang Kaban ng Tipan.

Parang puso ko... nakapinid, bagama't walang susi. Tulad ng aking baul, laman niya ang napakaraming alaala, mga kaligayahan at kabiguan. Nasasaakin lamang iyon kung may gusto ito'ng kalimutan, o may gusto itong tandaan. Sagrado rin ang aking puso, parang Kaban ng Tipan.




Sino pa ba bukod sa akin ang makakabukas sa Kaban ng Tipan? Kapag ipinakita ko iyon sa iyo, ay iyo na rin ito. Iyon ang hiwaga ng aking puso, ang hiwaga ng aking baul.

Thursday, November 12, 2009

I Have Just Crossed Over Into The Twilight Zone


Ninuninuninuninuninuninu...

Ganyan ang pakiramdam ko kahapon habang dagsa-dagsang missed calls, new numbers at mga bagong Facebook friends ang nakipagkilala sa akin. Partially salamat sa Blogs ko.

Kung hindi mo pa nababasa ang iba ko pang blogs, may link sa kanan--------->

At may link dito:

Gooeyboy's Twisted Tales
Gooeyboy's Erotikon

Kung ikaw ay ang conservative type, dito ka na lang.

Tama ang mga kaibigan ko, kailangan maging maingat sa mga pinagsususulat ko. Kais marami palang nagbabasa. Hindi nga lang nagpa-follow. Pero pansin ko naman sa mga kausap ko sa Facebook, alam nila ang tungkol kay Mushroom, o kay Silverpad, o kina Arashikage at Burnt Sienna. Alam nila na biktima ako ni Ondoy at sa Meycaiuayan ako nakatira at nagtatrabaho sa Makati.

Alam din nila ang kuwento ng MRT at ng Kapitbahay.

So bakit nga ba binabasa ang blogs ko? Curious lang, kasi hindi naman ako nag-aasam na mayroon nga'ng bumabasa. Tanong rin ito ng isang kaibigan ko sa Facebook. Gusto niyang sumulat. Dama ko sa taong ito na bahagi ng buhay niya ang mga titik na tinatype niya gabi-gabi or araw-araw sa kanyang mga blogelya at facebook posts.

Hindi ko man nababanggit ay malaki ang paghanga ko sa taong ito. Kakaiba ang kanyang utak. Classmate yata ni Bob Ong ang lalaking ito. Hindi ko din akalaing banggitin niya mnsan sa akin ang tungkol kay Mushroom... titigan ko nalang daw kung nasa opisina ako. Kaso, naka VL ako kahapon. hehehe. Aasam na lang ako na katabi ko na naman siya bukas.




Sa aking sarili, gusto ko ng taong ganun mag-isip. Gusto ko siya. Kaso straight. Kasalanang mortal na ang isang katulad ko ay maghabol ng katulad niya. "Borrow 1 from 0, cannot be", sabi nga ni Vic Sotto. Hindi pwedeng makisalamuha ang Vampire sa isang Werewolf. Hindi pwedeng isaksak ang 110v na plug sa 220v na saksakan at hindi pwedeng pakainin ang Mogwai pagkatapos ng 12mn.



Ang Cute ni Gizmo.

Anyway you get my point. Alam ko kung paano lumugar. It has been my practice for a very long time. Hindi ako naniniwala sa mga baklang ayaw ng lalaking malansa. Eh gurl... sino pa ang papatol sa bakla kundi ang mga may bahid berde ring nilalang?

Ayaw mo ng mukhang babae. Yun lang yun. Meron din namang gusto.

Kahapon, narealize ko na may Type ako na klase ng tao. Hindi lahat pinapatulan ko. The other night, habang nagdidinner kami kina Bham, may irereto daw si Shie sa akin: isang nagngangalang Robin.

Magaling mag gitara.
May balbas na nakapalibot sa kanyang pisngi at panga, pero walang bigote.
Hindi daw gwapo, pero may dating.

Napatigil sa pagkain si Bham at natawa, "Tsuktsak, " sabi niya, "Bagsak ka ulit sa gitarista (nasa band ako ng mid-20's ko at jowa ko ang lead guitarist namin, ako naman vocalista.)! At di ba type mo ang mga astigin na may facial hair? Saka mga balbonic beauty na masarap yakapin? Ask ko lang kung smart ba ang Robin? kasi panalo ito pag nagkataon."


Oo nga ano? Tama si Bham. May tipo nga ako. Kagabi, nang dagsaan ang mga nagtetext at nakikipag chat sa akin, alam ko kung kanino sasagot. May criteria ko. Ako, apsado na, kasi nagtatanong sila sa akin, e.

Pero ako ang naghahanap ng katapat ko.

Ang mng crushes ko, isa-isa sa kanila may mga characteristics na pasok sa criteria, pero hindi lahat. Maaaring pasok sa lahat ng criteria kaso, Mogwai sila, ako Gremlin. O kaya ako Vampire, sila, Werewolf, o human. Merong kulang sa taba, kulang sa buhok, kulang sa utak.

Hindi nga mataas ang standards ko, pero EXACT ang standards ko.

Hindi sa walang nag-aaya sa akin, pero walang nag-aaya na pasado sa akin.

May difference.

Yung una, ibig sabihin, pangit ako.
Yung pangalawa, ibig sabihin, maganda ako.

Yung pangatlo, sabi ng mga isang psychiatrist, ayaw ko lang mag-try.

Wierd kagabi. may model pa pala akong katext mate. Nakalimutan ko lang. May nag aya din sa akin ng date dati na ramp model, hinid ko lang pinatulan kasi inunahan ko na na indi niya ako magugustuhan in person. Marunong pa ako, pero ang totoo: hindi siya pasado sa category ko ng "smart."

Yun, iyon.

Lahat ng iyon, nagbigyan liwanag sa utak ko nang ako'y nasa Twilight Zone.

Ninuninuninuninuninuninu...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...