Be One of My Froglets

Search This Blog

Showing posts with label Travel. Show all posts
Showing posts with label Travel. Show all posts

Monday, May 16, 2011

Talisayen Cove

Natupad din ang pangarap ko'ng makabalik sa Zambales noong isang linggo. Pasensya na kayo at hindi lang ako isang linggong nawala sa inyong paningin. Maraming nangyaring hindi inaasahan, pero saka ko na maikukuwento iyon. May utang pa akong kuwento sa inyo ngayon.

Nag retreat lang muna ako dito: TALISAYEN COVE.
Mapapansin ninyo na isang linggo na din na blangko ang entry na ito. Hindi po iyon gimik. Hindi ko alam na nakapublish na pala yung blog nang hindi ko pa nalalagyan ng laman. Wala pong planado sa blogelya ko. Walang gimik, hindi ako nagpaparami ng followers, hindi ko habol na sumikat sa pambobola sa inyo. Pansin naman ninyo, pag may inaway ako'ng reader dito, wala ako pamialam kung i-unfollow o hindi. Pinapakita ko sa inyo ang maganda at pangit sa katauhan ko. Wala akong itinatago. Hindi ako celebrity para alagaan ang aking imahe.

Sa iPod ko lang kinunan ang tanawing ito.
Ang hindi kasi naiintindihan ng ilang tao, ay hindi dahil masipag ako magsulat dito ay naikukuwento ko lahat ng bagay sa buhay ko. Gaya ng ikukuwento ko sa inyo, maganda ito... pero alam ko makakalimutran na naman ninyo at ang patuloy ninyong susubaysayan ang ang walang patumanggang kuwento ni Kulas Kupaloid.

Bueno, Basahin ninyo o hindi ang tungkol sa aking Talisayen Adventure, IKUKUWENTO ko pa din. handa na ba kayo, mga bata?

Sunday, April 17, 2011

Semana Santa?

Naka ekis na sa kalendaryo ang linggong ito para sa karamihan. Mawawalan na naman ng sasakyan sa maynila dahil patungiong probinsya ang mga tao. Semana santa na kasi. Holy Week.

Noong lumalaki ako sa maliit na bayan ng Meycauayan, ito ang imahe ng Semana Santa sa akin:

Mater Dolorosa, Meycauayan, Bulacan
Walang isang taon ako'ng pwedeng mawala sa mga prusisyo, bisita iglesya, pitong huling wika at Salubong. Naroroon ako kapag binabasbasan ang Agua Bendita at ang Santo Oleo pag Sabado de Gloria, hanggang pumutok ang araw sa pagsapit ng Salubong.  Kapag Biyernes Santo naman ay hinahatid namin hanggang "Ilibing" si Kristo sa loob ng simbahan, hatid ng Nagdadalamhating Ina (Mater Dolorosa)

Noong nagsimula akong magtrabaho sa Makati, mga 7 taon na ang nakakaraan, ito ang Holy Week para sa mga taga maynila:

Marami ang naghahangad ng bakasyon sa Semana Santa
Pagsapit ng ilang linggo bago magBiyerbes Santo, naguunahan na silang mag file ng leaves. Kailangan hindi ka maiwan sa mga dinisyertuhang lansangan ng Makati pagtuntong ng Good Friday. Kanya-kjanyang book patungiong Palawan, Boracay, Bohol. Kanya-kanyang plano ng lakwatsa patungong Alaminos, Zambales, La Union, Caramoan.

Parang mga uhaw na lumalapit sa dagat...  Subalit may ilan din namang naiiwan sa siyudad...

Nakakabalita ako ng mga "parties" na parang taliwas na taliwas sa lahat ng pinaglalaban ng salitang Semana Santa. Sa isang dako, ang naunang dalawang larawan ng Semana Santa ay maganda, pahinga, pagmumuni-muni... pagbabalik sa lahat ng pinaniniwalaan mo... Diyos, ang malapit sa nilikha niya... Ang mapahinga ang pagod na katawan at isipan, ang kaluliuwang nagmamakaawa sa uhaw...

Sa ibang tao, ibang uhaw ang gusto nilang matugunan.

Sunday, January 9, 2011

Viajero Part 3: Travelling Alone

Mag isa ako kung bumiyahe madalas. Napapansin ko, mas marami kang nakikita kapag mag isa ka'ng umiyahe. Marami ka'ng naiisip. Marami kang napupuna. Mas madali ka'ng mainip. Mas madali ka'ng tamaan ng inis, takot, pagkamangha.

ganda ng legs ni kuya... nakaka urrrh...

Kasi solo mo ang biyahe.

Marami ang nagsasabi sa akin minsan, "Masyado ka namang mag isip kasi. Relax."

Mahirap ang hindi mag isip kung nag iisa ka. Bakit ika ninyo?

Thursday, October 21, 2010

Highway Robbery


Araw-araw may nakawa'ng nangyayari sa EDSA. Hindi ninyo nalalaman ito, maaaring bale-wala sa iyo, pero napapansin ito ng tulad ko na ang biyahe ay mula Ayala hanggang Malanday. Tatlong oras na biyahe na maaari namang maging 2 o isa't kalahati... Ipapakita ko sa inyo kung bakit nakaririmarim ang mga ilang Bus operators. Para siyang sindikato.


Exhibit A: Ang Bus na Fully Loaded.

Masdan ninyo na ang mga bus ng ilang bus companies, tinanggal ang mga orihinal na upuan at dinagdagan ang mga ito. Sakto'ng sakto lamang ang haba ng binti ninyo mula sa sandalan hanggang sa tumama ang tuhod ninyo sa susunod na upuan sa harapan ninyo. Sa ganito'ng paraan, mas maraming tao ang makakasakay sa bus. Mas marami'ng pasahero, mas maraming pera.

Ang isle ng bus ay masikip, pero kahit marami nang nakaupo at puno na at siksikan ang mga silya, ay nagpapapasok pa rin sila ng tao hanggang ang munting isle ay mapuno. Pansinin ninyo'ng bihasa ang konduktor sa pagpupuwesto sa inyo,

Friday, November 20, 2009

Ang Kaban ng Tipan

Sa kalumaan ng baul na iyon, isinilid ko ang aking mga alaala... malulungkot at masasaya. Ang unang ticket ko ng eroplano, ang unang Trade Show, ang unang dula na aking sinulat, mga liham, mga litrato, ang unang pag-ibig (yuck). Sa sala-slansang na mga papel at larawan, mga ticket, susi at maliliit pang bagay.

Ang lumang baul ay dala ko kung saan man ako nakatira. Kasama ko siya nang lumipat ako sa Makati, at kasama ko pa rin siya nang bumalik ako dito sa Bulacan Nang bumagyo at nasalanta kami ni Ondoy, kasama siya sa mga unang nailigtas. Siya ay sisidlan ng aking kaligayahan at kalungkutan, nagpapaalala sa akin ng aking pagkatao. Nagpapatibay ng aking sikmura, nagpalawak ng aking pag unawa, nang mapagpatuloy ang paglalayag sa dagat na kung tawagin ay buhay.




Walang susi ang baul. Matagal nang kinalawang ang kanyang pampinid. Ito na yata ang pinakamatanda sa lahat ng aming lumang kagamitan. Dalawa ang baul... ang mas matanda ay wala na, isa ito'ng halo ng bakal at kahoy. Matagal nang inanay ang baul na iyon, at kinalawang na rin ang bakal na nagdurugtong sa mga ito.

Ang aking baul ay mas payak, isang kahoy na kahon, ngunit akin itong inalagaan. Kada ilang buwan ay pinapahiran ng langis at isang botelya ng Pledge ang aking katuwang. Sa aking paglipat sa Makati, ay bawal siyang buksan ng kahit sino. Nang bumalik ako dito sa Meycauayan ay isa siyang sagradong bagay.

Ako si Moises, at ang aking baul ay ang Kaban ng Tipan.

Parang puso ko... nakapinid, bagama't walang susi. Tulad ng aking baul, laman niya ang napakaraming alaala, mga kaligayahan at kabiguan. Nasasaakin lamang iyon kung may gusto ito'ng kalimutan, o may gusto itong tandaan. Sagrado rin ang aking puso, parang Kaban ng Tipan.




Sino pa ba bukod sa akin ang makakabukas sa Kaban ng Tipan? Kapag ipinakita ko iyon sa iyo, ay iyo na rin ito. Iyon ang hiwaga ng aking puso, ang hiwaga ng aking baul.

Monday, October 12, 2009

Aerobus

Dear Agnolo,

Di ba i swore never to ride the train in rush hour traffic? Well I found this in EDSA:



It was playing Nicholas Cage movies. Nung pagsakay ko World Trade ang palabas. Naiyak ako sa bandang huli nung na-rescue na ung character ni Cage, sabi niya sa wife niya, " YOU KEPT ME ALIVE."


I had an awful day kanina, none of my crushes were in sight. Siguro sinabi mo sa kanila ung sikreto ko ano? Halos saglit ko lang nakita si ARASHIKAGE. Wala din si BURNT SIENNA. Hindi rin si BACCHUS ang driver ko kanina.

I'm soo sad.

May nag miss call sa akin kanina. Eto number: 09322137778. May kilala ka ba'ng ganun ang number? Tapos kahapon naman eto nagtetext sa akin: 09063314973. "Can i cum over?" ang message.

Sus, sana man lang kilala ko ano? baka mamaya may nagtitrip lang pala sa akin.

Kasi naman madalas ako pagtripan sa mga ganyan. I just silently cry from the inside. (drama) Biruin mo, mabaliw baliw ka na sa solitude dahil hindi ka magtiwala tapos pagtitripan ka lang, pagtatawanan ka minsan.

Lalo pag ganito'ng sobrang pagod ako. Nagdown lahat ng systems namin kanina, tapos ginamit ko kalahati ng Lunch time ko para makahabol sa documentation. Tagasalo pa din ako ng mga winalanghiya ng ibang ahente.Ikaw na nga nakasolve ng problema, gagawin ka pang imnestigador kung sino daw may kasalanan sa pagkawala ng service niya. As in kelangan mayrong may kasalanan? May mas topak pa pala sa akin.

Basta... sad ako kasi wala ung  bumubuhay sa katinuan ko.

Bakit kelangang 3? Kasi hindi naman ganun katindi epekto sa akin ng 1 lang... wala namang akin dun e.

Alam mo, kanina sa bus, may natabi sa akin, naka long sleeves na ang linis tingnan saka ok lang ang katawan, hindi masyadong buff, hindi naman mataba. Tapos ang init ng katawan niya. Tapos napapakiskis sya sa braso ko.

I hate to admit, tinablan ata ako. Ang sarap pala ng kasinglaki mo, tapos nakadantay lang sa katawan mo tapos hindi naman siksikan. Yung kumportable lang. Tapos malinis. Hindi pawisan, o amoy alikabok. Na-miss ko yung may kayakap sa kama.

Ayan na naman ako. tama na'ng pinatikim sa iyo ang braso ano. Ambisyoso ka e.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...