Be One of My Froglets

Search This Blog

Showing posts with label Mushroom. Show all posts
Showing posts with label Mushroom. Show all posts

Thursday, January 20, 2011

Kapag Hindi Maitago ang Bukol

Nahuli na ba ninyo ang sarili ninyo na nakatitig sa nakaumbok na bahagi sa harapan ng pantalon ng lalaki?

Pasesnsya na, ha? Wala ako'ng pasintabi. OO KALIBUGAN  NA NAMAN ANG PAG UUSAPAN NATIN. Peste.

Hindi  ko alam kung phase lang ito, o naho-horny lang ako, o overworked and super uundersexed ako (ikaw ba naman 3 taon walang chorva, hindi mo ba maiisip yun paminsan minsan?) Minsan kasi, kapag may nakakasabay ako sa bus o kaya sa MRT/LRT, napapansin ko yun e. May mga tao talaga na tinitigasan ng ganun-ganun lang.



Like yesterday, this guy na nakasakay sa LRT, nakatunganga lang sa kawalan... Napansin ko siya dahil gwapo siya. Medyo chubby, pero grabe, gwapo siya. Ganda ng mata saka lips. Nakaupo lang naman siya opposite me. Wala namang kumikiskis sa kanya, o natapat sa kanya na magandang babae, nakaupo lang siya. Naka polo siya ng puti at may dalang gamit, mukhang estudyante. May T-square na dala.

Pagtayo niya, Hindi lang binti niya ang nakatayo. At aware siya sa katigasan ng "ulo" niya, dahil pilit niyang pinangtatakip ang T-square sa harapan niya. Naka slacks pa naman si Kuya, at hula ko, naka boxers siya, o walangunderwear,

KASI BAKAT NA BAKAT.

Monday, December 14, 2009

Samahang Malalamig ang Pasko

Last year, may friend ako'ng nag-create ng group sa Facebook.

You guessed it, "Samahang Malalamig ang Pasko."




This year, malamig pa rin ang pasko ko, pero ang pasko niya, hindi na. I was kinda sad nung nalaman ko'ng hindi na siya single. I was contemplating something loong after nanlamig na sa akin ito'ng taong ito.

Yep, he made it sa list ng "Ones Who Got Away."

Well, not really. If you were looking for companionship, he's gonna be the right one for you. If you wanna be a bit more stable than most guys I know, perfect, the guy had businesses. Caring, check, sweet, yeah.

I didn't like how he was depressed at times, but hey, I'm depressing too... Which kinda makes it more reason not to be together...

Anyway, here I am. I'm kinda lost. I've never been this longing for TLC as I ever was in the past 3 years without a partner.

Natatakot na ako sa mga napapantasya ko. (Read http://gooeyboystwistedtales.blogspot.com/) Pagrabe na ng pa-grabe ang mga sexual fantasies ko. Harapan na akong makipagtitigan sa mga nakakasabay ko sa bus at MRT kapag trip ko. Anyway, ang reason ko, "Naiisip naman nila na naiisip ko yun e."




So fuck it.

Tinitingnan ko lang naman e. Pag pumikit na ang mga mata ko, saka na ako nagkakasala. Pagkakasalang ako lang naman ang gagawa, hindi sila kasali kahit sila ang laman ng episode na iyon.

I'm just happy may nakikipag usap pa din sa akin sa FB chat kahit nasasabi ko sa kanila na i like them.

Although asahan mo yun, baka huling beses na nila ako paunlakang makipag usap sa kanila.




Hindi ko pa din matanggal sa alaala ko yung time na natulog ako sa tabi ng pool at inubos ng mga lamok kasi ayaw akong patulugin sa room ng mga babae, at ayaw akong patulugin sa room ng mga lalaki.

At my age, naghahanap pa rin ako ng tatanggap sa akin.

At my age, wala pa din akong peace of mind.

Although mas mahal ko na ang sarili ko. Pucha, ikaw ba naman ang lokohin nang paulit ulit, ke pamilya, syota o kakilala lang. Poprotektahan mo na ang sarili mo kahit papaano. Masyado nang busabos ang puso ko. Sawa na akong inaakusahang madamot o walang pakelam para lang makuha nila gusto nila.




Kelan ko ba huling nakuha gusto ko mula sa ibang tao?

Oo. Wala akong aasahan kundi sarili ko.

Kahit sa sex. Pardon me kung magpapaka sex maniac na naman ako sa sasabihin ko, pero ako lang ang nakakapagbigay ng satisfaction (kung matata-wag mo ngang ganun) sa sarili ko.

Me. Me. Me.

Kung malamig ang pasko mo, bumili ka na lang ng mas magarang jacket. Wala kang kayakap, bili ka ng memory pillow. Better yet, thermal blanket kung malamig talaga. Gusto mo ng kausap? Gawa ka ng sock puppet.

O bili ka ng doll na nagsasalita.




Gusto mo buhay ang nayayakap mo? Bili ka ng aso.

Tutal, ang pera naman ay maamo sa marunong maghawak nito, at at least yun, matututunan... E di padami ka na lang ng pera kesa pipilitin mo ang ibang tao na mahalin ka. Kaya mong bilhin ang serbisyo ng isang tao pero hindi mo mabibili ang katapatan nito.

Ang bitter ng Pasko, ko, oo. Pero nangungulila ako e, and I seem to have an impression that ether nobody cares, or they're even annoyed that I voice it out.

Well I don't care, too. These are MY feelings and it's MY choice how I manifest it. This is sooo much better than taking it on my job and losing it. Kaibigan ko ang trabaho ko. And it is the only thing I have that gives way to things that make me happy.



because money loves me back.

Sabi nila materialistic na daw ako.

Would you blame me? E inanimate objects lang naman ang pwede kong ariin. Wala namang puso na magpapaari sa akin, so what?

Kung hindi naman ninyo ako matutulungan, then SHUT IT. Kung naaasar kayo sa nagiging evolution or devolution ko, then what the heck are you doing?

Seriously.

Would you run up to me and tell me to shut up because you love me and it's not true na walang tao para sa akin kasi nandyan ka?

No you wouldn't.

I'm tired of playing "guess what i'm feeling for you."

People tell me to take risks when I haven't seen anyone take a risk on me.

So why should I be the first one to make the jump? Sawa na akong tumalon finding out walang sasalo.

It won't happen anymore. I promise you that.

Saturday, December 12, 2009

The Night Before Rest Day

Kagabi, natapos ang trabaho ko ng alas 8 ng gabi. First time in weeks ko ulit nakita si mushroom at ang ilan pang characters sa aking telenovela. Dinahilan ko na gusto ko agad mag online, at dahil 3 oras ang byahe pauwi ng Bulacan (yes. araw araw ay 2 oras papasok at 3 oras pauwi ang drama ko), nagkasya na ako'ng mag log in sa facebook sa macbook sa office using my Globe Tattoo.

Ilang ulit ko ding pinanood ang season end ng Glee. Sessionals na. Next season, Regionals na.




So comment dito, comment doon. At nang magsawa, nagplay ng movie. Naaliw naman ka
kami dahil isang di inaasahang kasamahan a opisina ang naglagay ng kopya ng "Little Mermaid" sa Macbook.




Sino daw? Haha. secret. Basta nagsisimula nan mag "beep beep beep" ang built in gaydar ni Mama.

Nagdadahilan lang ako magstay kasama ng mga nagna-night shift dahil ayoko umuwi. Boring. Ayaw ko gumimik. Ano naman ang mapapala ko dun? Marami ako makikitang gusto ko na hindi ko naman pwedeng hawakan, tikman o lawayan.

Titigas lang titi ko nang walang katuturan.

Nabanggit ko yun kasi naman si Paolo, inopen si Al Pacino. Yung monologue niya sa Devil's Advocate na "Look but don't touch; Touch but don't taste; Taste but don't swallow."

Kahit papaano naman, mas masaya ako dun kesa tumambay sa Gloria Jeans at wala naman makausap. Hindi naman ako makapag blog sa office dahil hindi ko nila-log ang notebook ko. Mahuhuli na naman ako ni Terminator na Romeo Obligado, ang hunky na guard namin pag gabi.

Pucha, buti sana kung ang parusa, papatuwarin niya ako tapos titirahin niya ako, antagal ko nang nmagnanasa sa kanya ano?

lols.

Maling blog ang napasukan ng comment na iyon ah.

Anyway, ayoko mang aminin, medyo na-miss ko na kasi ung mga tao'ng  naka night shift ngayon e. Natutuwa ako kay Paolo. Makulit, madaldal na para lang kayo nag iinuman pero walang alak. lols. Si Bing, na sarap asarin kasi game naman sa asaran, at si Lee... natutuwa lang ako. hindi ko alam kung bakit.

Asan si Mushroom? andyan lang  yan sa tabi tabi.

Excuse me. hindi pa rin ninyo ako pedeng paaminin sa mga crush rush na yan kasi totoo pa din ang rule: Hindi na ako kinakausap ni Burnt Sienna nang mabunyag ang kanyang pagkatao sa madla.




Hindi naman ako ang nagbunyag.  Merong nakafigure out, e wala naman talaga akong balak sabihin kahit kanino kasi hindi naman bading si burnt Sienna e... Si Arashikage, wala yang choice, kahit malaman niya, anonaman gagawin niya, hindi naman niya ako agent, kakantyawan lang naman siya hanggang either magkajowa ako, masisante ako o lumipat sya ng LOB. Enwei, crush ng bayan si Arashikage. So no one cares kung Tulo-Lway ako sa kanya.

Pero etong si mushroom... hindi ko alam e. hindi ko pa din sasabihin, tutal, resolved na ako sa sarili ko sa Universe na may ibang plano sa akin.

Wala na akiong pakelam sa love-love na yan o sex, o watever.

Kaputanginahan lahat yan. sayang lang sa oras. Hanggat may porn ok ako. Magkano ba dildo saka fleshjack ngayon?


Thursday, November 12, 2009

I Have Just Crossed Over Into The Twilight Zone


Ninuninuninuninuninuninu...

Ganyan ang pakiramdam ko kahapon habang dagsa-dagsang missed calls, new numbers at mga bagong Facebook friends ang nakipagkilala sa akin. Partially salamat sa Blogs ko.

Kung hindi mo pa nababasa ang iba ko pang blogs, may link sa kanan--------->

At may link dito:

Gooeyboy's Twisted Tales
Gooeyboy's Erotikon

Kung ikaw ay ang conservative type, dito ka na lang.

Tama ang mga kaibigan ko, kailangan maging maingat sa mga pinagsususulat ko. Kais marami palang nagbabasa. Hindi nga lang nagpa-follow. Pero pansin ko naman sa mga kausap ko sa Facebook, alam nila ang tungkol kay Mushroom, o kay Silverpad, o kina Arashikage at Burnt Sienna. Alam nila na biktima ako ni Ondoy at sa Meycaiuayan ako nakatira at nagtatrabaho sa Makati.

Alam din nila ang kuwento ng MRT at ng Kapitbahay.

So bakit nga ba binabasa ang blogs ko? Curious lang, kasi hindi naman ako nag-aasam na mayroon nga'ng bumabasa. Tanong rin ito ng isang kaibigan ko sa Facebook. Gusto niyang sumulat. Dama ko sa taong ito na bahagi ng buhay niya ang mga titik na tinatype niya gabi-gabi or araw-araw sa kanyang mga blogelya at facebook posts.

Hindi ko man nababanggit ay malaki ang paghanga ko sa taong ito. Kakaiba ang kanyang utak. Classmate yata ni Bob Ong ang lalaking ito. Hindi ko din akalaing banggitin niya mnsan sa akin ang tungkol kay Mushroom... titigan ko nalang daw kung nasa opisina ako. Kaso, naka VL ako kahapon. hehehe. Aasam na lang ako na katabi ko na naman siya bukas.




Sa aking sarili, gusto ko ng taong ganun mag-isip. Gusto ko siya. Kaso straight. Kasalanang mortal na ang isang katulad ko ay maghabol ng katulad niya. "Borrow 1 from 0, cannot be", sabi nga ni Vic Sotto. Hindi pwedeng makisalamuha ang Vampire sa isang Werewolf. Hindi pwedeng isaksak ang 110v na plug sa 220v na saksakan at hindi pwedeng pakainin ang Mogwai pagkatapos ng 12mn.



Ang Cute ni Gizmo.

Anyway you get my point. Alam ko kung paano lumugar. It has been my practice for a very long time. Hindi ako naniniwala sa mga baklang ayaw ng lalaking malansa. Eh gurl... sino pa ang papatol sa bakla kundi ang mga may bahid berde ring nilalang?

Ayaw mo ng mukhang babae. Yun lang yun. Meron din namang gusto.

Kahapon, narealize ko na may Type ako na klase ng tao. Hindi lahat pinapatulan ko. The other night, habang nagdidinner kami kina Bham, may irereto daw si Shie sa akin: isang nagngangalang Robin.

Magaling mag gitara.
May balbas na nakapalibot sa kanyang pisngi at panga, pero walang bigote.
Hindi daw gwapo, pero may dating.

Napatigil sa pagkain si Bham at natawa, "Tsuktsak, " sabi niya, "Bagsak ka ulit sa gitarista (nasa band ako ng mid-20's ko at jowa ko ang lead guitarist namin, ako naman vocalista.)! At di ba type mo ang mga astigin na may facial hair? Saka mga balbonic beauty na masarap yakapin? Ask ko lang kung smart ba ang Robin? kasi panalo ito pag nagkataon."


Oo nga ano? Tama si Bham. May tipo nga ako. Kagabi, nang dagsaan ang mga nagtetext at nakikipag chat sa akin, alam ko kung kanino sasagot. May criteria ko. Ako, apsado na, kasi nagtatanong sila sa akin, e.

Pero ako ang naghahanap ng katapat ko.

Ang mng crushes ko, isa-isa sa kanila may mga characteristics na pasok sa criteria, pero hindi lahat. Maaaring pasok sa lahat ng criteria kaso, Mogwai sila, ako Gremlin. O kaya ako Vampire, sila, Werewolf, o human. Merong kulang sa taba, kulang sa buhok, kulang sa utak.

Hindi nga mataas ang standards ko, pero EXACT ang standards ko.

Hindi sa walang nag-aaya sa akin, pero walang nag-aaya na pasado sa akin.

May difference.

Yung una, ibig sabihin, pangit ako.
Yung pangalawa, ibig sabihin, maganda ako.

Yung pangatlo, sabi ng mga isang psychiatrist, ayaw ko lang mag-try.

Wierd kagabi. may model pa pala akong katext mate. Nakalimutan ko lang. May nag aya din sa akin ng date dati na ramp model, hinid ko lang pinatulan kasi inunahan ko na na indi niya ako magugustuhan in person. Marunong pa ako, pero ang totoo: hindi siya pasado sa category ko ng "smart."

Yun, iyon.

Lahat ng iyon, nagbigyan liwanag sa utak ko nang ako'y nasa Twilight Zone.

Ninuninuninuninuninuninu...

Tuesday, November 10, 2009

Mushroom ang Itatawag Ko sa Iyo: You Grow On Me Like Fungus.

May bago ako'ng crush... yata... hindi ko sure. Mako-consider ko na kaya'ng crush yung natutuwa lang ako sa iyo? Nakakatuwa kasi ang itsura niya. Mukha siyang cartoon character... pero in a good way ha?

Tawagin na lang natin siya sa pangalang MUSHROOM. alam mo yung sidekick ni Super Mario na mushroom na may mukha at lumilitaw pag lower levels ng Super Mario Brothers pag natapos mo ang isang stage tapos wala sa castle na yun ang princess? Naaalala ko yun kapag nakikita ko siya.




May anggulo siyang hindi naman kagwapuhan. Pero cute siya. Nung una akala ko para lang siyang bata kasi kumilos... mukha siyang inosente. Parang walang kamuang-muang. Hindi siya kasali sa mga crush na binanggit ko dati: Hindi siya kasing cuddly ni Burnt Sienna o kasing Hunky ni Arashikage. Simple lang siya.

Turn off lang ako pag nagsasalita siya kasi bading na bading, na malumanay. Akalain mo na medyo may pagka-isip bata siya.

I can imagine him wearing blue PJs at may kaladkad na malaking teddy bear. May baby fats pa.

Isang linggo ko na siya nakikita nang malapitan. Mas natatabi na ako sa kanya kesa kay Burnt Sienna. Naturn off ako nung nagpakalbo siya... hindi na niya kamukha si Mushroom, medyo mukha siyang Ninja Turtles, pero ok lang. Natutuwa pa din ako sa kanya.

Merong undefined relationship si Mushroom, dahilan para hindi ko bigyang pansin ang pagkatuwa ko sa kanya. Gayunpaman, natutuwa ako sa kanya. For some odd reason, kapag tanaw ko siya ay hindi ako masyadong nagwawala sa mga calls ko.




Mukha din siyang antuking dagang costa. Pag avail ay unti unting pumupungay ang mga mata at napapapikit. Para siyang baby makatulog. Yung tipong yuyuko sa bigat ng ulo at unti unti'ng mawawalan ng malay.

Basta natutuwa ako sa kanya. Yun lang. kaya na-elevate siya sa crush status ko.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...