Noong lumalaki ako sa maliit na bayan ng Meycauayan, ito ang imahe ng Semana Santa sa akin:
Mater Dolorosa, Meycauayan, Bulacan |
Walang isang taon ako'ng pwedeng mawala sa mga prusisyo, bisita iglesya, pitong huling wika at Salubong. Naroroon ako kapag binabasbasan ang Agua Bendita at ang Santo Oleo pag Sabado de Gloria, hanggang pumutok ang araw sa pagsapit ng Salubong. Kapag Biyernes Santo naman ay hinahatid namin hanggang "Ilibing" si Kristo sa loob ng simbahan, hatid ng Nagdadalamhating Ina (Mater Dolorosa)
Noong nagsimula akong magtrabaho sa Makati, mga 7 taon na ang nakakaraan, ito ang Holy Week para sa mga taga maynila:
![]() |
Marami ang naghahangad ng bakasyon sa Semana Santa |
Parang mga uhaw na lumalapit sa dagat... Subalit may ilan din namang naiiwan sa siyudad...
Nakakabalita ako ng mga "parties" na parang taliwas na taliwas sa lahat ng pinaglalaban ng salitang Semana Santa. Sa isang dako, ang naunang dalawang larawan ng Semana Santa ay maganda, pahinga, pagmumuni-muni... pagbabalik sa lahat ng pinaniniwalaan mo... Diyos, ang malapit sa nilikha niya... Ang mapahinga ang pagod na katawan at isipan, ang kaluliuwang nagmamakaawa sa uhaw...
Sa ibang tao, ibang uhaw ang gusto nilang matugunan.