Be One of My Froglets

Search This Blog

Sunday, April 17, 2011

Semana Santa?

Naka ekis na sa kalendaryo ang linggong ito para sa karamihan. Mawawalan na naman ng sasakyan sa maynila dahil patungiong probinsya ang mga tao. Semana santa na kasi. Holy Week.

Noong lumalaki ako sa maliit na bayan ng Meycauayan, ito ang imahe ng Semana Santa sa akin:

Mater Dolorosa, Meycauayan, Bulacan
Walang isang taon ako'ng pwedeng mawala sa mga prusisyo, bisita iglesya, pitong huling wika at Salubong. Naroroon ako kapag binabasbasan ang Agua Bendita at ang Santo Oleo pag Sabado de Gloria, hanggang pumutok ang araw sa pagsapit ng Salubong.  Kapag Biyernes Santo naman ay hinahatid namin hanggang "Ilibing" si Kristo sa loob ng simbahan, hatid ng Nagdadalamhating Ina (Mater Dolorosa)

Noong nagsimula akong magtrabaho sa Makati, mga 7 taon na ang nakakaraan, ito ang Holy Week para sa mga taga maynila:

Marami ang naghahangad ng bakasyon sa Semana Santa
Pagsapit ng ilang linggo bago magBiyerbes Santo, naguunahan na silang mag file ng leaves. Kailangan hindi ka maiwan sa mga dinisyertuhang lansangan ng Makati pagtuntong ng Good Friday. Kanya-kjanyang book patungiong Palawan, Boracay, Bohol. Kanya-kanyang plano ng lakwatsa patungong Alaminos, Zambales, La Union, Caramoan.

Parang mga uhaw na lumalapit sa dagat...  Subalit may ilan din namang naiiwan sa siyudad...

Nakakabalita ako ng mga "parties" na parang taliwas na taliwas sa lahat ng pinaglalaban ng salitang Semana Santa. Sa isang dako, ang naunang dalawang larawan ng Semana Santa ay maganda, pahinga, pagmumuni-muni... pagbabalik sa lahat ng pinaniniwalaan mo... Diyos, ang malapit sa nilikha niya... Ang mapahinga ang pagod na katawan at isipan, ang kaluliuwang nagmamakaawa sa uhaw...

Sa ibang tao, ibang uhaw ang gusto nilang matugunan.


Ang uhaw ng laman.

Lingid sa kaalaman ng marami, maraming Orgies pag Holy Week.
Maraming hindi nakakaalam na Holy Week din maraming nangyayaring milagro sa mga suluk-sulok. Mga Private parties, mga orgies. Taliwas sa mga nagppipinitensya at mga nagreretreat, mga nagpapahinga sa katahimikan ng dalampasigan, may mga taong naghahanap ng init ng laman sa piling ng ibang kapwa nadadarang ng init.

Sa isang oras nang paghihintay sa dilim, sama sama kayo sa loob ng isang magarang suite. Walang magbubukas ng ilaw. Isa-isang papasok sa silid ang mga lalaki, pinaghuhubad. Maghihintay kayo sa kama. Sa hudyat ng host ay kanya kanya na kayo ng mga kahalikan, kalaplapan, katalik. Pinamimigay ang mga condom sa ikadobleng halaga... kung ayaw mo magkasakit. Hila rito... Hila roon... Sa loob ng silid ang sampung tao ay madaling nagiging ISA.

Nakakalimutan mo ang mga problema, bumibigay ka sa sandaling sarap... hanggang makuha mo na ang gusto mo... Ang labasan.

Ikaw... Ano ang plano mo ngayong Holy Week?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...