Be One of My Froglets

Search This Blog

Wednesday, September 28, 2011

Mayapis

Hindi kalakihan ang nilipatan ko'ng lugar. Dormitoryo sa Mayapis, hati kami ng kasamahan ko sa trabaho sa renta. May isang kwarto, kusina, banyo, kainan. Umalis ang kasama ni Ekis Girl kaya enter Gooeyboy the roommate.

Alsa balutan ako 2 weeks ago. Dala ang ilang bagelya ng mga kabaruan at kachorvahan, ilang sapatos, panloob, isang laptop at ang aking iPod.

Masaya ang unang linggo ko. Unang restday ko sa bagong tirahan ay gumalur agad kami sa Oktoberfest.

Kinabukasan, inuman kina Gold sa Las PiƱas. Sa unang pagkakataon nasilayan ko sa personal ang best friend niyang kinahuhumalingan ko. Inakbayan pa ako sa retrato'ng itey:

At bago matulog, Nagpaalam pa sa akin. Gusto ko siyang sagutin ng, "Sige, dear, susunod na ako."

Naloka si Golda, hindi napigilang maglupasay sa sahig. True story.

Mahuhusay naman ang mga bago kong team. Maya't maya kami uminom. Maya't maya kumain. Malakas humakot ng mga GCs ang mga ka teammates ko.

Nag eenjoy ako sa bago ko nilipatan. Nakagastos nga lang ako malaki para magmukha namang kwarto ang nilipatan ko. Tulad ng inaasahan, uutang na naman ako ngayong umaga kay Yuchengco via my Bankard.

Keribooms naman.

Dami gwapo, gagala ka lang ng konti, konting rampage, boom.

May makikipaglandian na kaagad sa iyo ng tingin.

Inuman, madami. Gusto ko pumunta sa B-Side kapag linggo. Irie Sunday, reggae music at mga rasta. Masaya dito sa nilipatan ko.

Basta makaipon lang ulit, bibili ulit ako ng paint set, kaso hindi kumpleto ang acrylic sa Cash & Carry. Hindi ko naman feel mag oil. Matagal matuyo.

O siya, inom muna ako dito sa A-Cue-Stick.

Sunday, June 26, 2011

Byahe'ng Meycauayan to Makati (and back!)

Bumibiyahe ako araw-araw mula Meycauayan papuntang Makati. Bawat biyahe, depende sa oras ng pasok ko, ay nagkakahalaga mula 250-300 piso sa papunta at higit kumulang 100 piso pauwi. Ibig sabihin, nagagastusan ako ng mula P6,000-P8,800 kada buwan.

Bukod sa gastos ng pamasahe, 2 oras ang biyahe paluwas, at 2-3 pauwi, depende sa traffic. 4-5 oras ang nawawala sa buhay ko kada araw, 4-5 oras na sana ay itinulog ko, o pinanood ng sine, nakipagdate, nakipag chorvahan, nakipag inuman. Ang dami mong magagawa sa 4-5 oras sa isang araw.

Kuwentahin mo pa ang biyahe na iyon sa isang buwan... Sabihin na nating 5 oras ang kinuha ng traffic sa EDSA, ng mga bus na ginagawang terminal ang bawat bus stop, at ng mga taxi'ng ayaw magsakay kapag umuulan. 110 oras sa isang buwan ang ginugugol ko sa biyahe. Ang 110 oras ay 4 na araw at labindawang oras.

Ano na ang magagawa mo sa 4.5 na araw? Nakapagpart time na ako ng isang linggo'ng trabaho sa panahon na iyon. Nakapag Boracay na ako at nakabalik sa Manila. Nakapamasyal na ako sa Universal Studios, sa Angkor Wat, o nakapagbakasyon na ng sulit sa probinsya.

Noong nagrerenta ako ng bahay sa Makati, hindi umaanot ng P7,500 kada buwan ang gastos ko, buo pa ang pahinga ko.

Hindi umaabot sa kinsenas ang sweldo ko, at madalas na akong kinakapos. Isama mo na na kinukupitan ako ng pamangkin ko AT NG TATAY NIYA kapag pagod na pagod ako.

Tingin ko, mas malayo ang mararating ng pera ko kung sa Makati na ako titira, hindi kaya?

Kung may alam kayo na maaari kong upahan, mangyari lamang po na mag iwan ng contact ninyo sa pahinang ito.

Monday, May 23, 2011

Stop Talking I'm Not Done Yet

You will never have the right to judge me until you've worn my shoes.


Inaapakan ko daw pagkatao mo, Apakan kita talaga dyan, e.

Monday, May 16, 2011

Talisayen Cove

Natupad din ang pangarap ko'ng makabalik sa Zambales noong isang linggo. Pasensya na kayo at hindi lang ako isang linggong nawala sa inyong paningin. Maraming nangyaring hindi inaasahan, pero saka ko na maikukuwento iyon. May utang pa akong kuwento sa inyo ngayon.

Nag retreat lang muna ako dito: TALISAYEN COVE.
Mapapansin ninyo na isang linggo na din na blangko ang entry na ito. Hindi po iyon gimik. Hindi ko alam na nakapublish na pala yung blog nang hindi ko pa nalalagyan ng laman. Wala pong planado sa blogelya ko. Walang gimik, hindi ako nagpaparami ng followers, hindi ko habol na sumikat sa pambobola sa inyo. Pansin naman ninyo, pag may inaway ako'ng reader dito, wala ako pamialam kung i-unfollow o hindi. Pinapakita ko sa inyo ang maganda at pangit sa katauhan ko. Wala akong itinatago. Hindi ako celebrity para alagaan ang aking imahe.

Sa iPod ko lang kinunan ang tanawing ito.
Ang hindi kasi naiintindihan ng ilang tao, ay hindi dahil masipag ako magsulat dito ay naikukuwento ko lahat ng bagay sa buhay ko. Gaya ng ikukuwento ko sa inyo, maganda ito... pero alam ko makakalimutran na naman ninyo at ang patuloy ninyong susubaysayan ang ang walang patumanggang kuwento ni Kulas Kupaloid.

Bueno, Basahin ninyo o hindi ang tungkol sa aking Talisayen Adventure, IKUKUWENTO ko pa din. handa na ba kayo, mga bata?

Thursday, May 12, 2011

Dagat

Hindi ako makapaghintay makabalik sa dagat.

Oo, pota, SIRENA AKO.

Taong 2008 nang huli ko masilayan ang isla ng Potipot. Binalak ko'ng bumalik noong kaarawan ko pero hindi natuloy. Bukas ng gabi, matutuloy na ako. Makapagpapahinga na rin ako ng 3 araw na derecho. 2 linggo na rin akong tig isang araw lang ang pahinga. Pagod na pagod na ako.

Kakaibang pahinga ang binibigay ng dagat sa akin. Malawak siya. Malawak ang kanyang pag unawa, na parang siya lamang ang makakaintindi sa akin. Wala siyang ikinukubli--- ang asul na langit at ang asul na dagat... ulap sa pagitan... Dagat hanggang sa maaabot ng pamningin mo.

Lalo na kapag nakahiga ako sa tubig, nakalutang lamang sa kawalan, nababalot ng hindi maipaliwanag na pakiramdam habang nakatitig lamang sa walang hanggang kalangitan. Pakiramdam ko, nakahiga ako sa palad ng maykapal habang nakatingin Siya sa akin... Nakangiti.

Pabibo Ka

Nakakainis kapag pinagsasabihan ka ng taong pabibo, pero hindi naman nag effort na alamin kung bakit ka nagkakaganyan.

This might be the only way of lettiong out my anger, and everythingf I can never do in real life.  You do not know me, and I do not know you... But You do may not possibly begin to imagine the immense pain that this individual has subjected me to during the short time I have spent as his friend.



He's invited every bit of calumny he deserves, just as you guys would look at my blog and laugh at what kind of a miserable creature Palakang Petot is. It's part of the design. It's called Schadenfraude.

Hey, yung mga pinost ko po, galing sa archives ko. And that guy I was bashing on pics the earlier blog? He's an asshole. I have lost friends because of what he's told people on facebook. They chose to believe him, and he doesn't even use his real name. I have entirely lost all trust on a lot of things in this world because of that person, And I don't think you understand when you you said 'OVERKILL", But YEAH, I feel like KILLING.



You do not know me, and I do not know you, so it makes it ABSOLUTELY NONE OF YOUR BUSINESS to tell me I've gone overboard.

You were not there to comfort me when I needed it, And you will never be enough to comfort me now that you've pissed me off.

I've never known you, and I hope I never will, But you might just wanna back off when someone wants to vent.

I hear people vent their anger over anything over the phone 8 hours a day, And you will give give me the 1 hour I need when I finally sit at home after 3 hours of travel.

You, as much as you state your terms and conditions fron google (which those pictures did not come from, that last one, I TOOK MYSELF) You don't think he does the same in SOME CRYPTIC WAY?  you can check: here is HIS blog

So if I Bash him All I want but stay CRYPTIC, does that give me the right as well? Think about it... It's all the same.

Again, You do not know what the story is. I do not just run around BASHING STRANGERS.

This guy is not just some random guy I decided to bully for the rest of my liofe. HE TOOK SOMETHING AWAY FROM ME. SOMETHING I DO NOT KNOW IF I CAN EVER GET BACK.

Bakit, may nagawa ka na ba to ease away my pain? No. I feel like hurting this other person and I feel so smothered by it that it feels like I'm gagged and tied up.

But everybody just watches amused.

So You see... THAT is how I FEEL.

Wednesday, May 11, 2011

A Froglet's Guide to True Bekiness

Bunga siguro ng langis na umaapaw sa pancit na kinain ko ngayong hapunan, handa na naman akong chumorva sa inyo ng isang kahindik hindik na kwento.

Tungkol ito sa paghahanap ng mga lalaking nagbabalatkayo sa ikatlong katauhan... Ang pangatlong kasarian, ang ikalawang uri ng EBA, at mga ADAN na naghahanap ng kapwa ADAN...




Sa aming munting opisina, 12 kaming mga ahente sa isang team. 3 doon, froglets. Si Palakang Petot, si Serio Sabayangkokak at si Nurse Croakwood. Apat ang babae naman; andun si Mariang Palaka, si KerokeroTsunami, si Chenelyn Gargles at si Wakawaka Fisherprice. Sa mga barako naman, nandoon si Billy the Bullfrog, si Prinsipe "K" Kokak, si Croakie Katol, si Fortune Kokak at si Thunder Frog.

O di ba, lahat ng teammates ko ginawa kong froglets?

Minsang sabay nagyosi si palakang Petot, si Fortune Kokak at si Sergio Sabayangkokak, may dumaan na isnag chubby chubby cute cute na froglet. Sumenyas si Sergio Sabayangkokak kay Palakang Petot:

"Bet mo yun?"

"Bet ang alin?"

"Yung froglet sa may puno na sumusuba?"

"Hmm... Pede na din..."

Napansin naming napapailing si Fortune Kokak sa amin, "What the hell are you 2 talking about?"

Casual na sinagot ni Palakang Petot, "Nagbo-boy watching kami."

"At sa tingin mo naman, bading ang froglet na yun?"

"Sureness," sagot ni Sergio.

"Affirmative," sabi ni Palakang Petot.

"Paano naman ninyo nalalaman na bading ang isang lalaki," Tanong ni Fortune.

"Basta," sagot ni Sergio,nakatupi ang mga braso sa may dibdib at nakapikit, "May spark."

"Di kaya nakalulon ng Watusi yun?" sabat ni Palakang Petot.

Nakatitig sa kanya ang dalawa. Biglang humuni ang mga kuliglig.

Paano nga ba nalalaman kung ang isang lalaki ay Verdadero?

Sunday, May 8, 2011

Mudaraka

Noong kabataan niya, may baywang siang 24 inches. Mula nang niluwal niya ako, nahirapan na siyang panumbalikin ang dati niyang kurba. Nagtatrabaho siya dati, nakakalabas ng bahay, nakakasama ang mga pinsan at mga kaibigan. Nang nakita niyang lumalaki na kami ng kapatid ko, lalo na noong 'naaksidente' ang yaya ko dahil sa akin, nailitan siyang pumirmi ng bahay.



Mahirap pakisamahan ang tatay ko, pero tahimik siya. Animo'y siya lang ang nakakapagpatahan sa aming magkakapatid at nakapagpapaamo sa leon naming ama.

Minsan ko nang nakita siyang lumuha. Tulad ko, hindi siya naging malayang bata.

Marami siyang bagay na hindi naranasan bilang ina. Bahagi na rin ng limitasyong ibinigay sa kanya ng Diyos. Walang gatas ang nanay ko, Hindi ko naranasang mabreastfeed. (Ahhh... kaya pala...)

Opo, Ako yung bata

Noong maliit ako, siya ang dahilan bakit ayaw ko maligo. Mabigat ang kamay niya. Hindi niya maperpekto ng pagiging housewife. Nasanay siya nang may yaya. Malaking lihim ng aking ina na maikli din ang pasensya niya. Hindi lang niya pinahahalata, dahil may breeding siya.



Lahat na kasi kaming magkakapatid, masusungit, isama mo pa ang ama namin, sasabay pa ba siya? Lahat nga kami ngayon, may hypertemnsion, nauna na ang Daddy ko sa langit. Dahilan kung bakit banned ang lahat ng maalat, mamantika at matamis sa bahay.

Kunsintidora siyang Lola.

Kung paano niya napapaamo ang tatay ko, hindi ko alam. Iisa lamang ang alam ko. Mula nang mamulat ang aking mga mata hanggang sa ipikit na ng tatay ko ang kanya... Nakita ko kung paano sila magmahalan.

Ang ina ko ang nag-iisang tali na nagbibigkis sa amin, at ang iisang puwersa sa pagsasama sama namin. Kung hindi dahil sa kanya, matagal ko na sanang tinalikuran ang aking mga kapatid, at malamang, ganoon rin sila.



Lola ng bayan. Pati mga kapitbahay namin, Lola ang tawag sa kanya. Lahat ng mga kaibigan ko, gusto siyang maging nanay. Pag puyat ako, puyat din siya. Pag problemado ako, problemado din siya.

Kayat sa araw na ito, Mumsie...

Happy Mother's Day

Thursday, May 5, 2011

Goodbye Mars

Ilang araw na ang nakakalipas, hindi ko magawang sumulat. Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas sa kukote ko. Magdamag ako nagpupuyat sa harap ng computer ko pero wala ni isang patak ng letra o tuldok.

Marahil dahil hindi o alam, nabawasan pala ng tala sa ibabaw ng lupa noong biyernes.


Naalala ko noong ganitong panahon rin noong isang taon, wasak ang kaluluwa ko. Ayoko nang magsulat, ni ayoko nang tingnan ang munti kong blogelya. Pinagkanulo ako ng mga taong pinagkakatiwalaan kko at pinaglaruan ang bawat nararamdaman ko.

Panahon iyon na nawalan na ako ng tiwala sa mga tao at sa sarili ko.

Tuesday, May 3, 2011

DEAL or NO DEAL

May pinost ako sa Formspring na question/statement/offer.



It states:

Papayag ako sa 1 month na relationship. Yung tipong masabi mo lang na IN A F*CKING RELATIONSHIP KA (galit po yun, hindi literal) kahit alam mo na may expiration date. 1 month lang, dapat gwapo. Pagkatap[os ng 1 month, you can break up with me. No hurt feelings. Para lang mawalis itong putanginang BV na nararamdaman ko, mga UNSETTLED PASTS. Para lang may matuldukan ako.



Tatanawin kong malaking utang na loob iyon kahit binreak mo ko. We can still be friends.

May mga nag react na DESPERATE MOVE daw yun. Bakit? ano ba tawag mo sa sitwasyon ko? HIATUS?

MALIGAYANG ISANG TAON SA IYO

Nahihilo pa din ako sa kinain ko kanina.

Nagpapaka exotic na naman ang gunggong kong kapatid, nag eeksperimento ng mga bagay para asunin kaming lahat. Pakiramdam ko  sumasahimpapawid na naman ang Blood Pressure ko ng sanlaksang ulit at kalahati.

Sabayan pa ng Nawalan ng pera ang pamangkin ko, nanghihingi ngayon ULIT sa akin ng pera. Hindi naiintindihan ng mga tao dito kung gaano kalaking pressure ang dinadala nang hindi ko malaman kung may trabaho pa ako sa kalagitnaan ng Mayo o magugutom na kami'ng lahat.

Mga abusado kasi, akala nila pwedeng sa akin na sumandal. Wala naman akong masandalan. Sinira nila kanya kanya mga buhay nila, tapos iaasa sa iisang tao ang karaniwang araw nila.

MAMAMATAY ako dito, sigurado ako. Ikamamatay ko kung ano kinamatay ng tatay ko: SAMA NG LOOB.

Sana ibang dahilan na lang ang ikabilis ng takbo ng dugo ko. Gaya nito:


Paksyet, GOOD CHOLESTEROL yan.

Monday, May 2, 2011

@jexplore asked: Which common break up line do you hate the most?

Yung ginamit sa akin nung ex ko nung pagkatapos niya chorvahin ang roommate ko, "I need space."

tangina, kung alam ko lang that time ginagawa nila ng roommate ko sa sarili kong pamamahay habang nagtatrabaho ako, BAKA PINADALA KO NGA SILA SA SPACE USING MY FIST.

Brave enough?

Sunday, May 1, 2011

Writer's Block

Hindi ako makapag-isip ng maisusulat. Kung nakita mo kung nkailang drafts na ako, susme, naiinis ka, para akong isang malaking INTROBOY. Kaya ikakanta ko na lang ang frustration ko. Dinasalan ata ako ni Kulas KUPALOID. Tangina kang baboy ka, may araw ka rin.


Flower, Gleam and Glow,
Let your power shine,
Make the clock reverse,
Bring back what once was mine.



Heal what has been hurt,
Change the fates design,
Save what has been lost,
Bring back what once was mine.
What once was mine

Thursday, April 28, 2011

Remembering Dad

Death Anniversary ng Dad ko today. Nakaugalian ko na na every April 28, tungkol sa kanya ang isusulat ko. Pitiong taon na siyang namayapa, pero kahit hanggang ngayon, kapag pala magulang mo ang nawala sa iyo, kahit independent ka na sa kanya kahit nung buhay pa siya, napakalaking impact pa din, ano?


ayokong magsenti today. 2 yeaars na akong senti ang kuwento kapag kamatayan ng dad ko ang kinukuwento ko. Bakit nga naman kasi mas naaalala mo yung mga bagay na masasakit kesa yung mga masasaya?

Gwapo ng dad ko. He has olive skin, anice eyes, and a small nose. lalaking lalaki itsura niya. He was about my height. Sinasabi nila kamukha ko daw ang tatay ko, pero hindi ko naman maramdaman yun, gwapong gwapo ako sa daddy ko kasi kahit nung maliit ako.

Sabagay kahit sino naman, sasabihin gwapo ang tatay nila.

Monday, April 25, 2011

Barbie Joins America's Next Top Model

I remember walking along Toy Kingdom the other week and stumbled across these AMAZING likenesses of BARBIE!

Now, I know what you're thinking, "Aysus, kabadingan na naman ito ng Palakang Petot," but wait! There's more!

We're not talking about the dolls your sister or your neice is playing... nah-ah... not even those fully poseable Barbie Dolls you can do 100 poses, (even those raunchy ones!) We are talking High fashion, fully detailed mini mannequins!


I've seen this, people her face is no longer the generic, recognizable face you'd see as Barbie. Yes, her face has changed over the years, depending on how we see beauty, but you KNOW it's Barbie... Well, this time, people she's looking more realistic on this dolls... 

These don't even look like toys anymore.  These are mini mannequins! The're not fully poseable as Barbie had become over the years. These flaunt a single pose you can modify a bit. These are, what I thought,  professional, supermodel poses.

It's like Barbie and her friends decided to join ANTM. These dolls are sleek, mean and SEXY.

Sunday, April 24, 2011

Top 5 Reasons Why Easter is a Scary Holiday

This is just for fun. I am Catholic, and I celebrate Easter. I think it's the most important Holiday in the Christian faith. In no way at all do I intend to ridcule, molest and insult the sanctity of Easter. ALL FUN, folks!

HAPPY OYSTER!


I was aiming for Top Ten Reasons why Easter is scary. It is all inspired by this lovely picture of an Easter Bunny Mascot with an  unsuspecting victim, er, child on it's lap.

Saturday, April 23, 2011

Bahala Na Kayo sa Akin

Answers are always given from ABOVE... when you're ready to listen.

Kagabi, after a long time, sumama ako sa procession ng Good Friday just as I have eversince I was 16. May Poon ang tiyahin ko, Ang Pakikita ng Panginoong Hesukristo at ng Kanyang Nagdadalamhati'ng Ina (We have a penchat for long titles, you noticed?)


Salamat sa Cofradia dela Santa Vera Cruz sa retrato; ayaw matransfer nmg pics galing sa iPod ko
I've decided to join the 'festivities' dahil magulo'ng magulo ang isipan ko. I have a problem with my job and it really got to me talaga. I realized it was out of my hands, nagawa ko na lahat ng naisipan kong pwede ko'ng gawin. Maybe it's time to look for another job... Ang problema, Yung 25 thousand nga, hindi ko alam paano pagkakasyahin sa gastos sa bahay, lahat nga, pasan ko di ba, e papaano kapag yung next job ko offers less?

I would also need to let my family fend off for themselves. malalaki na sila. magagalit sila, oo, pero ano magagawa ko? Paano kung bukas, makalawa, mawala ako? Kita mo Si AJ, yung artista, gone in just a flash. A van full of people, siya lang ang kinuha.

Naalala ko ang sinabi ng isang kaibigan na dala ko sa prusisyong ito noong isnag taon, pero upang manood lamang, Huling narinig ko sa kanya ay gusto niyang makausap ang Diyos at sabihin, "I DON'T DESERVE ANY OF THIS."

Habang nakatingin ako kay Kristo'ng may pasan ng krus, kaharap ang kanyang Nagtatanong na Ina, "DID HE?"

Thursday, April 21, 2011

"Hi My Name is Lucifer, How May I Hell You Today?"

Nanganganib mawalan ng trabo ang Lolo Froglet ninyo.

Sa call center kasi, may tinatawag na AHT. Mas Mahaba ang calls, mas kokonti ang sasagot mong tawag, Mas kokonting tao ang natutulungan mo. Pag customer care ka, mas mabilis dapat ang calls mo kesa, nagto-troubleshoot kayo ng computer, ng telepono, ng vacuum cleaner, ng kotse... Yes. Kotse, tinatawag nila sa phone.



Technical support ako ng isang brand ng telepono. Itong telepono na ito, ay ang isa sa mga unang touch screen phones sa mundo. Kelangan sini-sync, ina-update, nadadownloadan ng Appplications, entonces, isa siyang hunyagong phone, depende sa dinadownload mo sa kanya.

Nahulaan na ninyo siguro kung ano ang support ko.

But wait, there's more!

Sa tatlong taon ko na sa account na iyon, libo-libo nang telepono ang naayos ko, sari-sari nang tawa at masasayang customers ang nag thank you, at sari sari din ang nagreklamo tungkpol sa ibang tao. Pambungad pa lang na bati mo kahit ngiting ngiti ka sa kanila, iisa lang ang pambungad sa iyo ng mga tatawag sa TECHNICAL SUPPORT.

"I have a problem with my (INSERT PRODUCT HERE)


Ang kinikuwento ko lang kasi sa inyo personal life ko na ubod ng toxic, hindi ninyo narerealize, TOXIC din ang trabaho ko. Meron diyan, mga pasaway na ahente (PINOY PA NAKAKAHIYA.) Pag hindi gusto ang kausap, kahit walang kinalaman sa technical support, itatransfer sa iyo.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...