Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Sunday, January 30, 2011

Ang SUMPA.

Meron ako'ng sumpa.

Ganito yun: Kapag may nagugustuhan ako, o may crush ako, dapat hindi niya ito malalaman, dahil sa sandaling malaman niya na crush ko siya, NILALAYUAN AKO. Mandidiri siya sa akin. Kahit pa sabihin mo na may gusto din siya sa umpisa, o hinahangaan ako, MAWAWALA lahat iyon at hindi na ako kakausapin kahit kailan.

May mga instances pa nga na bina-block ako sa FB o sa mga social networking sites kapag nalaman na may gusto ako.



Hindi naman kasi ako palaging ganito kadesperado. 3 taon na ako'ng walang sex life. Bukod pa roon, 4 years na ako'ng walang relationship, mula nang iwan ako ng ex ko matapos chorvahin ang aking roommate. After 2 years ko lang nalaman kung ano ang nangyari, kaya't sa loob ng panahong iyon, naghihintay pa rin ako.

Sa loob din ng mga taong iyon, marami ako'ng tinanggihan na manliligaw.

Hindi ko alam kung sino sa kanila ang mambabarang o sino sa kanila ang may lagay sa akin ng sumpa. Basta ang alam ko, bigla bigla na lang, wala nang may gusto sa akin. Isa na lamang akong echhuserang froglet, naghihintay na mawalaang sumpa.



Kahit ang mga kaibigan ko, iisa ang sinasabi sa akin: "Masanay ka na," "Ganyan talaga," "Darating din yan." Pero 4 years na wala pa ding dumadating. Mas marami naman diyang mas panget sa akin pero masaya sa kani-kanilang mga ka-chorvahan sa buhay.

Isang araw, meron ding darating sa akin para bigyan ako ng HALIK. Oo nga pala, matagal na rin pala ako hindi nakakaranas ng halik...

Tabi tabi lang po sa susunod na explanation ko ha

Kasi ang sex, kahit araw araw, pwede kang magbate. Araw araw pwede kang mag download ng porn. Kahit anong gawin mo'ng himas sa ari mo, marereplicate mo ang pakiramdam ng may kinakantot; kahit anong dutdot at finger mo sa pwet mo, maaari mong gayahin ang pakiramdam ng binobottom. PERO ANG HALIK, paano mo madadaya?

May toys para sa sex. Walang toy para sa halik na maibibigay ng ibang tao.

Bukod pa roon, hiindi mo magagaya ang pakiramdam ng isang katawang mainit na nakadantay sa iyo. hindi mo mahihimas ang sarili mo na naniniwalang ibang tao iyon. hindi mo madadaya ang pakiramdam ng isang marahas at mapusok na dila na dumadantay sa iyong katawan

sex and masturbation aside, hindi mo madadaya ang bulong na nasasabi ng isang taong malapit nang labasan.



Hindi mo madadaya ang "i love you" na babanggitin niya.

Hindi mo madadaya ang mga maliliit na halik niya sa batok mo.

Hindi mo madadaya ang pagyakap niya sa likuran mo habang naghuhugas ka ng pinggan, at nararamdaman mong may mainit at matigas na bagay ang nakadikit sa iyong likuran.

Hindi mo madadaya ang mga tawag sa telepono kung saan kinukumusta niya ang araw mo.

Hindi mo madadaya ang tawanan at iyakan na kayo'ng dalawa lamang ang nakakaalam.

Hindi mo madadaya ang mga kagat niya sa tenga at braso mo, tanda ng lambingan.

Hindi mo madadaya ang pagsabi niya na "mahal kita" kung kailan mo kailangang kailangan at nasukluban ka na halos ng langit.



Marami ka'ng hindi madadaya. Maraming hindi magagawa ang pagbabate.

Sinusumpa ko pabalik ang sumumpa sa akin. Hindi na niya kailanman malalaman na ganito kasarap magmahal ang isang taong pinipigilan niya. Blang araw, may makakaalam na masarap din palang magmahal ang isang Gooeyboy. 

Balang araw, mamamatay din ang Sumpa. Balang araw, maaalala ng mga tumanggi sa akin ang pangalan ko at ang pangalan ng mamahalin ko.

Ito ang panglabintatlo ko'ng pannulat sa Taon na ito. Ito ang pabalik-sumpa ko.

Iiyak ka rin, at mararamdaman mo ang bawat pag iyak ko mula ng araw na sinumpa mo ako.



At sa iyo na papatay sa sumpa... Anong petsa na?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...