Naglingunan ang mga tao sa loob ng Starbucks, hinahanap ang pinanggagalingan ng tinig na iyon. May isang mesa ng magkakabarkada, isang babaeng nakatight fitting na t-shirt, isang bading na naka-spike ang buhok at isang lalaking sa unang tingin ay kasintahan ng babae, pero pag minasdan mong mabuti, sa ilalim ng mesa, kamay nila ng bading ang magkahawak. Nagtatanungan sila kung kanino ang cellphone na tumunog.
Darna!!!
“Braguda, ang cellphone mo, nagri-ring,” wika ng bakla.
“Gaga, ikaw kaya ang fan ni Darna?”
“Tangina, fan ako ni Ding,” sagot ng bading.
Nagkatinginan sila ng babae at tumingin sa lalaking katabi nila.
“Hindi akin ‘yun.”
Akin ‘yun.
May mensahe ako galing kay Agnes. Salamat daw, and she would like to continue our friendship. She never thought I was so nice. Ineexpect niya na tatarayan ko sya after all these years.
Napangiti ako.
Hindi ako therapy after all.
Nakita ng magbabarkada na hawak ko ang cellphone habang binabasa ang mga mensahe’ng galing kay Agnes. Napatingin sa akin ang babae, matapos ay tumingin sa dalawang kasamang lalaking magsyota.
“Psst… Manong.” Anang babae.
Napatingin ako, “Bakit?”
“Ikaw si Darna?” Bahagya siyang pinalo sa may balikat ng lalaki, na siniko naman niya habang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot.
“Hindi.” Sabay ngiti ko.
“Ah…” sagot ng babae, “Akala ko kasi ‘Darna’ ka.”
Makahulugan ang sinabi niyang iyon. Gusto niya akong paaminin. Kahit naman itatwa ko sa kanya, alam ko marunong siyang umamoy, pero alam ko ring may duda siya. Hindi kasi ako halata. Isang lalaking mukhang kumakanta sa banda, long hair na may bigote at goatee, may hikaw at nakashades… bading? Kung hindi lang nag-ingay si Darna, hindi niya malalaman.
Nilapit ko ang silya ko sa kanila nang bahagya at marahang dumukwang sa may tainga ng babae., “Sumisigaw ako ng Zaturnnah pag gabi…”
Napatili sa tuwa ang babae. Para siyang tindera ng palengke na nanalo sa lotto.
“Aaaay… ang galing-galing ko!!!!”
Napangisi lang ako sa reaksyon ng babae. Muli akong bumulong.
“Yang katabi mong lalaki, syota niya yung gwapo ano?”
“Planggana, sis.”
“Ilang buwan na kayo?” Baling ko naman sa dalawang lalaki.
“Ha? Ah… eh…” nagkamot ang gwapo. Sumimangot si Spikey.
“Three months na po kami.”
“Bakit hindi siya makasagot?” Tinitigan ko ang lalaki, na nakayuko. “Nahihiya ka ba?”
Hindi sumagot. Tahimik din ang dalawa niyang kasama.
“Pag nalaman ng Dad ko na lalaki ang syota ko, papalayasin niya ako. Ang akala niya itong si Sophie ang Girlfriend ko.”
“Okay lang sa iyo iyon, Sophie?”
“Ok lang po.”
“E, ikaw?” lumingon ako sa halatang bading.
Nakatingin siya sa malayo. Hindi niya nagustuhan ang sagot ng boyfriend niya. Alam ko ang pakiramdam.
“Braguda...”
Hindi lumilingon na tiningnan ako ng bakla mula sa sulok ng mata.
“Sabihin mo sa pogi mong boyfriend kung okey lang sa iyo na kunyari, pag nasa labas kayo, si Sophie ang syota niya, pero sa loob ng kwarto, dun ka niya chinuchupa.”
“Ay?” Sambit ng dalaga.
“AY?” sarakastiko kong sagot, “Wag mong sabihin hindi mo alam ginagawa ng mga kaibigan mo pag wala ka sa tabi nila?”
Napahagikgik ang babae. Siyempre alam niya.
Tiningnan ko ang dalawa. Nakatingin pa rin sa malayo ang bading. Ang mukha naming lalaking kasintahan nito ay nakatungo, halos humilig sa balikat niya, parang humihingi ng tawad.
Hindi na nila kailangan pang magsalita. Makikita mo sa kilos ang sinasabi nila sa isa’t isa. Hindi pa kayang aminin ng lalaki sa sarili na lalaki rin ang gusto niya. Kailangan niyang manggamit. Kung kailangan niyang magkunwari sa kalsada ay gagawin niya. Kung kailangan niyang gumamit ng ibang katauhan para ipamalas ang isang taong kakaiba sa kanya, gagawin niya ito. Kahit makasakit ng damdamin ng kaibigan… ng minamahal.
“B-babes…”
“O?”
Hindi kayang ituloy ng lalaki ang gusto sana’ng sabihin. Taos-puso sana kaso halatang hindi siya handing patunayan. Sakabilang banda, halata mo na ginawa na’ng lahat ng isa ang makakaya para intindihin ang kalagayan niya… Ngunit napupuno rin ang salop. Nakakainis na nakakaawa silang panoorin. Isang bulag at isang manhid. Parang pinipilipit na papel ang lalaki sa kanyang kasintahan…
I had enough. I have to stop torturing people like this.
Hinubad ko ang shades ko. Inalis ko ang atensiyon sa dalawang magkasintahang lalaki. Si Sophie, halos kagatin na ang kuko sa nerbiyos. Alam ko’ng mamaya, mag uusap na nang masinsinan ang magkasintahang lalaki na nasa harapan ko. Alam ko din na ang usapan na iyon ang makakapagbago sa relasyon nila.
I became the serpent in the garden of Adam and Steve. I opened the possibility. Gnosis. Tangina. Nagiging philosophical na naman ako.
Ma-harrass nga ulit ang mga bata’ng ito.
Hala, si Sophie naman.
Mawalan ka na ng syota, wag lang kaibigan.
Nakatingin sa mga kaibigan niya si Sophie, naaawa ngunit alam niyang kung ano man ang namamagitan sa kanyang mga kaibigan ay hindi na niya saklaw. Naroroon siya para hindi pagdudahan ang kanyang kaibigan sa pagiging bading.
Isa lamang siyang display. Alam kong alam ni Sophie yun.
“Sophie…”
“M-manong?”
“Wala ka pa siguro’ng boyfriend, ano?”
“Wala po.”
“May crush ka?”
Napangiti si Sophie. Alam ko sa mahinhin na ngiti na iyon, mayroong nililihim na pagtingin si Sophie sa ibang nilalang na anak ni Adan.
“Meron, ano?”
“Secret,” sabay ngiti ni Sophie, nakakagat sa isang sulok ng bibig ang hintuturo. Nasa pagitan siya ng pagiging retarded at ‘trying to appear naughty’, tipo’ng gusto niyang mag-appear na sexy ang pagsubo ng daliri, while maintaining that ‘innocent’ look. Ang problema, her innocence was beginning to look like ignorance, and her seduction was futile, almost pathetic.
Ignorant and pathetic, Kadiri’ng kombinasyon.
“Paano ka liligawan ng crush mo kapag alam niya, may boyfriend ka?”
“Wala naman akong---“ sabay tingin niya sa gwapong pamintang bestfriend niya.
“Mmm…”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Sophie. Nalungkot siya. Sa kanyang pagkalungkot, naging seryoso ang mukha niya, nawala ang lahat ng pagkukunwari na masaya siya sa piling ng mga kaibigan niya.
Alam niya na habang hindi natatangap ng kaibigan niya ang kanyang kalagayan, habang ang kawawang si Sophie ay nagpapanggap na masayang girlfriend… siya ay nag-iisa.
“Hija…” bulong ko kay Sophie, “May karapatan kang lumigaya… Tulad ng mga kaibigan mo.”
Humiwalay si Sophie ng bahagya sa mga kaibigan, kinalas ang kamay sa pagkakahawak kay gwapo, na kaydali-dali ring nakawala sa kamay niya.
Doon niya nalamang siya lamang pala ang nakakapit sa kaibigan niya.
Pinansin niya ang kamay ng kaibigan sa kamay ng kasintahan niyang lalaki… Magkahugpong ito. Nakita niya kung gaano maglapat ang bawat daliri na waring hindi ito kaylanman maghihiwalay.
Hindi ganoon humawak sa kanya ang kaibigan niya.
Tumingin siya sa malayo.
Pinagmasdan ko ang naging bunga ng pakikialam ko.
Hubad na sila sa pangingin ko. Kung kanina ay masaya sila sa kanilang pagpapanggap, ngayon na nakita nila ang kahubdan ng kanilang sitwasyon, tingnan ko lang kung makuha pa nilang ngumiti at ibale-wala ang kanilang kalagayan.
Defense mechanism natin na kapag nabibigatan tayo sa ating mga problema, kinakalimutan muna natin. Bukas, ang maliit na problema natin, halimaw na pala na kumain sa malaking bahagi ng buhay natin.
Pinagmamasdan ko ang ngayo’y Tahimik nang mesa sa tabi ko. Para silang estatwa. Nagpapakiramdaman, naghihintay kung sino ang unang aamin, sino ang unang bibigay, sino ang unang magigising sa pagkakatulog ng mga katinuan nila.
And the serpent smiled.
”Narda…” Sambit ko sa sarili ko habang sinusuot ang shades at bumabalik sa aking pagkakaupo, patalikod sa kanila..
No comments:
Post a Comment