Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Friday, April 12, 2013

Malanding Pussy

Liyad ng liyad ang Siamese Cat naming si Ming Ming Nyaw habang nanunuod ng Koreanovela sa desktop ang pamangkin kong si Iggy. Naglalandi ang pusa ng kapatid ko tuwing nakikita ang pamangkin konsa hindi maipaliwanag na kadahilanan.
Akmang magpapakamot ang pusa na gulong nang gulong at liyad nang liyad sapaanan ng pamangkin ko, sanhi para ito damputin ng binata at pagbigyan sa pagkamot. Animong bangkay na pusa ang bet ni Ming Ming, habang parang bimpo lang paghinawan ng malalaking kamao ni Iggy ang katawan ng pusa. Maya maya ay napahiyaw sa pandidiri ang pamangkin ko. Kiniskis daw ng pusa ang kanyang likuran at puwerta sa braso nito... and OMg, she's wet. Bumunghalit sa katatawa ang mga tao sa kuwarto, mula sa kapatid ko hanggang sa nanay ko. Malakas na sadya daw ang sex appeal niya, pero sa mga hayop. Di bale, next month ibibili na namin si Ming Ming ng partner. Para happy pussy na siya.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...