Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Thursday, October 14, 2010

MEDUSA. Makuha ka sa Tingin.


Marami ang hindi maintindihan kung bakit ko madalas iguhit ang gorgon na kung tawagin ay Medusa. Aaminin ko, paborito ko siyang tauhan sa Greek Mythology. Hindi ko trip si Hercules, nauutakan siya at nauuto. Ayoko kay Perseus, hindi naman niya mapapatay si Medusa kung hindi siya anak ni Zeus. Ayoko kay Zeus, kasi babaero siya, at meron pang isang beses na lalaki ang chinorva niya. OO. i-google mo si Zeus at Ganymede. (Oo, kahit ang macho'ng macho na papa ng mga Greek gods, chumorva ng sausage.)

Supermodel Natalia Vodianova as Medusa
Si Medusa, hindi na kailangan ng lakas o kidlat, at kahit pa ang buhok niya na puro ahas, hindi rin niya kailangan para pumatay ng tao. Isa lang ang gagawin niya... Kukunin ka lang niya sa tingin.


Isa siyang halimaw na kung tawagin ay GORGON. Kinatatakutan, Iniiwasan. Siguro ay nakaka-relate ako sa kanya. Sa HALIMAW ka nakakarelate? Bakit? Sasabihin ko sa inyo mamaya.

Sari sari'ng kalasag na ang nagtaglay ng kanyang mukha. Sari-saring gusali na ang nag-ukit ng kanyang larawan sa kanilang mga pintuan. Bakit? Sino ang magnanais na taglayin sa kanilang kalasag, gusali at pananamit ang dibuho ng HALIMAW na ito.

Gianni Versace used the Medusa as his collection's brand logo.

Isa na si Versace. Nauna na si Alexander the Great. Ilang mga siyudad sa Griyego. Isang malaking larawan ni Medusa sa sahig ang nahukay sa Pompeii. Bantay and ibig sabihin ng pangalang Medusa. Hindi dahil ginawa siyang bantay laban sa mga kaaway, kung saan matatakot silang lumapit sa iyo o dahil magiging bato ka bago ka pa mandin makagawa ng masama. Bantay siya bago pa man siya naging Medusa. Para maunawaan ninyo kung bakit ko paborito si Medusa, kailangan ninyong panoorin ang video na ito.

Ayaw chumorva? Click mo ko.

Dapat ay napanood mo yung video para maintindihan ang sasabihin ko. Tragic figure si Medusa. Bantay siya sa Templo ni Athena. Isa siyang Babaylan (priestess). Hindi siya maaaring mag-asawa o makipagtalik. Bawal sa mga babaylan ni Athena ang makipagsex, ngunit sobrang ganda ni Medusa. Maraming lalaki, hari at diyos na gustong maangkin siya. Isa na doon si Poseidon. At dahil si Poseidon ay diyos, nagawa niyang gahasain si Medusa sa loob ng templo ni Athena.

Ngayon, sa lipunan natin, kung ikaw ay isang rape victim, tinitingnan din ang innocence mo kung totoong nirape ka nga. Sa lipunan ng mga Griyego noong unang panahon.... "Neng, nagparape ka, kasalanan mo," Which I know, you think is unfair. Isa pa, tiyuhin ni Athena si Poseidon. Pangalawa, si Athena ay ang ultimate tomboy goddess, na never naniwala sa weakness of sex. 

The verdict, PARUSAHAN SI MEDUSA. So tinanggalan ng ganda si Medusa, hindi na siya babaylan, at ginawang ahas ang mga buhok niya (by the way, kasama kaya dun ang pubic hair?) To make matters worse, hindi na siya malalapitan ng kahit sinong lalaki o babae, dahil lahat ng matitigan niya ay magiging bato.

So, from beauty queen to monster, bartolina pa si lola ninyo, saan pa kayo di ba?

Pero marami pa rin ang may gusto sa kanya. Gusto siyang PATAYIN. Kasi, kahit patay na siya, kung hawak mo ang ulo niya, pwede mo pa ring gawing bato ang sinumang makakita sa mata nito.




Ikaw man si Medusa, mapupuwersa ka ngang maging HALIMAW. Hindi niya gusto'ng maging halimaw. Pero dahil tinarantado at sinalaula siya ng kung sinong diyus-diyosan ng karagatan, naging halimaw nga siya. Walang nakinig, walang nakialam. Walang kaibigan sa bandang huli.

But you have my admiration, not my pity, Medusa. 

At sa lahat ng hindi makuha sa tingin, eto'ng sa inyo:


2 comments:

Anonymous said...

Clap Clap Clap! Gusto ko rin sya.

Gooeyboy said...

Hahaha. I love the clap clap clap. lols.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...