Be One of My Froglets

Search This Blog

Monday, January 31, 2011

Matinik ka pa sa Bangus



Merong mga tao na sa hindi maintindihang kadahilanan, bukod sa ganda ng anyo, ay mabilis makabingwit ng chuwariwariwap. Ano na naman ang ibig ko'ng sabihin?Chuwariwariwap. Kalukadidang. Karir. Chorva. Kachukchakaninels. At para sa iba, Target Practice.

Hindi ko maubos maisip kung papaanong nakakakarir nang walang kaeffort effort ang mga Baklang Diyosa na ito. At anglalakas ng loob makipaghadahan kung saan saan! May kung anong bulong o powers na sumasanib sa katauhan nila at makurap ka lang ay jowa na niya ang gwapong tambay sa tabi-tabi?

I went through counseling (oo, hindi lamang mga sira ang kukote at mga baliw ang nagpapakonsulta sa psychiatrist) at sinabi sa akin na dapat nakikihalubilo ako sa mga tao, lalo na yung makapagbibigay sa akin ng companionship, at well being upang mag-function bilang isang indibidwal.

Nag nosebleed ako sa sinabi ni Doc,
pero nang tumigil ang pag agos ng dugo mula sa ilong ko ay naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin ay dapat chumochorva ako. Basic need ng tao ang sex, gaya ng ibang mga hayop sa sanlibutan.

Sabi ko, "Doc, hindi ko alam paano e," 


"Saan ka ba naghahanap?"


"Sa internet."


"Don't you go to places with real people?"


"Like...?"


"Malla, Spas, the gym, Bookstores..."


"At magsolicit ng Chorva?"


"Don't you meet people outside?"


"No."


"Try to."


"Hindi ko alam paano?"


"You know how to. It's part of your programming. You're a social animal."

Pero hindi ako matinik katulad ng mga bangus na nakikita ko.Tumabi lang kay cutie pie si jubis na closetta stone, sila na ang bukambibig ng madla. Sabayan mo pa na si cutie pie, mayat maya ang tweet kung saan saan sila kumakain ni jubis na closetta stone, at minsan pa nga, may ticket pa ng movie na naka-imply sa description na may ka holding hands siya habang nanonood nito.

Blind item.

Ano ang wala sa akin kung bakit hindi ako nakakabingwit in 4 years? Buhok sa bumbunan kaya?


Meron naman once in a while nakikipaglandian sa akin, pero the moment nagtanong siya ng webcam, patay ang karir. Patay din ang karir kapag nagtanong ng meetup kasi iba ang takbo ng schedule ko. May mga taong hindi ko na pinanasin ever kasi nabubuwisit na din ako at hindi magtugma-tugma ang schedule ko sa kanya.

Bahagi yan ng SUMPA. Napag-usapan na natin yan sa nauna kong blogelya kagabi. HINDI'NG HINDI MAAARING MALAMAN NG CRUSH KO NA CRUSH KO SIYA KUNG ANG DAMDAMIN AY WAGAS AT TOTOO, DAHIL LALAYUAN NIYA AKO.

Nakita na nati'ng nangyari iyan. Makailang beses na. Naririyan si Vince Cruz ng Dagupan (speaking of Bangus), si Jason Delos Reyes ng Malabon at si Danilo Pascual Jr. ng Navotas.

Lahat sila ay bahagi ng sumpa. Mayroon na din mga tao sa opisina na naging bahagi ng sumpa, hindi na lamang sila papangalanan dahil maaari pa din ako'ng malintikan dahil diyan.

Perto tama na yang sumpa-sumpa, hindi siya topic ko ngayon.

Iyang mga nakakaintrigang mga BANGUS NA YAN!

Kailangan ko bang maghintay sa ilalim ng puso ng saging sa hatinggabi ng Biyernes Santo para lang makuha ang powers na katulad nila? Kailangan ko ba'ng isulat ang aking pangalan sa pamamagitan ng dugo at ialay sa mga anito? May nabibili ba'ng agimat sa Quiapo para diyan?

Please. Kailangan ko malaman. Baka pangontra na din sa SUMPA yan.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...