Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Monday, January 24, 2011

Domo-Kun

May mga taong paborito si Doraemon, may mga taong ang gusto si Hello Kitty. Ako ang paborito kong character ay si Domo

Domo-kun, Tachan, Usaji-san


Hindi ako collector. May lalagyan ako ng cp na Domo, may bag. Yun lang. Balak ko bumili ng sweatshirt na nakita ko last week sa Comic Alley, pero pinag iisipan ko pa kung yun o bibili na ako ng bago iPod. Sa kakaisip ko nito, malamang ang ending, wala mapuntahan ang mga balak ko.
May nakapagtanong sa akin kung bakit gusto ko si Domo. Ang sagot ko dun ay,
"Nakakarelate kasi ako sa kanya."

Palaging bago ang mundo kay Domo. First time niya sa lahat ng bagay. Kakaiba itsura niya, hindi mo nga alam kung ano siya, e. Samantalang mga kaibigan niya, alam mo na rabbit si Mr. Usaji, weasel si Tashanna, Ang mag inang paniki na sina Shinobu at Morio,
ang makukulit na flowers na sina Hee at Haw(actually, sina flower 1 at flower 2 parang B1 at B2 lang- hanaichi and Hanaji). hehehe. kulit pati names.


Pero kahit hindi natin alam kung ano si Domo, at hindi mo maintindihan kung saan siya galing, bakit hindi sumasara ang bunganga niya (dahilan kung bakit hindi siya makapagsalita) at bakit pink ang utot niya, alam mo na mahal siya ng mga kaibigan niya, at hindi man siya makapagsalita, naiintindihan siya ng mga ito.



Ang mga adventures niya ay parang mga adventures ko din. First time ang everything.

Makukulit ang adventures ni Domo at minsan ay simple, inosente, minsan wierd. Mukha siyang monster, lalo na dahil matatalas ang ngipin niya at palagi itong nakanganga, parang kakagatin ka palagi. Pero sa kabila nun, isa siyang napakabait at napaka inosente'ng nilalang.

Kaya love na love ko si Domo.  Minsan parang alam ko paano maging si Domo. Nakakatakot man ang itsura mo, pero grounded ka. Alam mo kung saan ka,.. Andito ka lang at yun na yun!

Walang komplikasyon sa buhay niya. buhay niya ang manood ng TV, gumala sa forest, makipaglaro sa mga forest creatures...  Minsan nga,  wish ko, sila na lang ni Tashanna ang magkatuluyan. bagay sila (weh?)


Walang basagan ng trip. May mga taong kahit kasalan Hello Kitty pa din, solid talaga. May taong Doraemon forever, may mga taong Sara Geronimo Popster for life. Merong Super duper Justin Bieber fan. Ako, love ko si Domo. 

Sinasabi nila na ang mga bagay na gusto mo, defines you. You like Transformers, so baka nakaka-adapt ka sa surroundings, mo, o may pagka-hunyago ka. Kung mahilig ka sa Barbie, Moxie Girl, Brats, fashionista ka siguro. Mahilig ka sa lalaki, bading ka siguro.

Ako, gusto ko si Domo.

Para siyang bata. hindi childish, pero child-like. Ang sabi nga ng creator ni Domo, si Domo ay nakanganga palagi, katulad ng batang napapanganga kapag na-a-amaze. Lahat ng bagay amazing para kay Domo. Lahat ng bagay parang bago. 

Ganyan ko gusto tingnan ang buhay. Palaging bago. 

hindi pa rin ninyo kilala si Domo? Watch this:


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...