Be One of My Froglets

Search This Blog

Wednesday, March 17, 2010

Face Value

Ang buhay parang Friends for Sale.

Nagkakavalue ka kapag may mga taong "bumili" sa iyo. Habang m,as mataas ang value mo, mas napapakinabangan ka, pag mas mataas ang value mo, habang "bumebenta" ka, mas mataas ang makukuha mo, at mas mabibili mo ang ibang tao.

Kaya tinigilan ko nang maaga ang kabaliwan ng Friends for Sale dati, kasi hindi ako bumebenta. Tapos sandamakmak ang gustong magpabili sa akin, WALA NAMANG BUMIBILI SA AKIN.

Ika nga ni Mariel, "Kumusta naman, di ba?"


Buti pa si Lukas, binili ako. Hindi ko kasi siya mabili sa FFS, lagi na lang siya nadidisappoint sa akin kapag hindi ko nabibili. Kahit bilhin pa niya ako, hindi sapat yung bonus na nadadagdag sa akin para bilhin siya.

Aapat lamang ang "pets" ko. Hindi pa masyadong malalaki ang value. kahit mayat-maya ko sila pagawan ng iba't ibang bagay, mapapagod lang ako makabili ng kahit isang pet na kasing-value ni Lukas. Tuloy, hindi ko mapaunlakan ang imbitasyon niyang bilhin ko siya.

Iwan muna natin ang Friends for Sale.

Sa totoong buhay, mababa rin ang value ko. Yung kakaunting kaibigan ko, hindi ko masyadong makita, kasi may kanya-kanya na silang pamilya. Ako, trabaho at bahay lang kadalasan, mahigit 2 taon na akong hindi gumigimik (pero nagka gastritis pa din ako) at nung isang taon, nakaw na sandali pa ang pagsu-swimming ko. Last year lang ako hindi nakarating sa dalampasigan.

Miss ko na ang beach.

Pero hindi iyon ang ikinapuputok ng butsi ko, e.

Mababa pa din ang value ko. Siguro kasi wala nga yata akong face value. Matanda din ako. nasayang ang 3 taon ng buhay ko, kasi masyado akong na trauma sa isang nangyari sa akin. Hindi ko masyadong naenjopy ang buhay ko.

Wala ako masyadong kaibigan sa opisina. Sa schedule ko, kahit hindi ako supervisor o mataas na posisyon, naiiwan ako sa opisina. Mag isa din ako pauwi. Ligaya ko na na cute ang nakakatabi ko sa bus, o kaya maganda ang palabas sa bus.

Wala na akong mga kaibigan na nayayakap ko pag nagkikita kami, nakaakbay sa akin pag naglalakad sa mall, nakakasabay kumain, nakakasamang gumimik, o kahit nakatambay lang sa coffee shop.

Pasensya na talaga, alam ko tuwing nagdadrama ako ng ganito, wala na naman akong fans (as if meron ako, maliban na lang kung sex ang pg uusapan dito).

Kaya lang eto talaga ang nararamdaman ko, e. Ilang linggo ko nang iniisip kung ano isusulat ko, e. Wala naman ako maisip na masaya.

Binago ko na nga yung playlist ko sa mp3 player ko para walang malungkot na kanta, puro feel good na mga kanta lang.

Wala pa ding idea.

Pagod ako buong linggo, pati na din sa rest days ko, kasi kung wala ako sa trabaho, nag aalaga naman ako ng bata. Sukang suka na ako sa itsura ng bahay. Nag oover heat na ang laptop ko tuwing rest day ako kasi hindi ako nakakaalis ng bahay.

ayoko na tong blog topic na ito.

Magpe-petville na lang ako.

2 comments:

Anonymous said...

kung magkaibigan tayo, sigurado akong laging ako ang kasama mo sa mga lakaran. naiintindihan kita.

Unknown said...

Sana nagpapakilala ka para maging kaibigan nga kita di ba?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...