Be One of My Froglets

Search This Blog

Sunday, March 28, 2010

Gusto mo ba o ayaw mo?

Putanginampaksyet

AVERY LONG TIME AGO, after ko mag-out ko sa office ng 9pm; I was headed home, nagtext ang isang guy na matagal ko na nakakausap sa chat at sa text. Magkita daw kami sa Araneta Starbucks.

Nag isip ako.

Isip.
Isip.
Isip.

Ganito kasi yun (medyo seryoso muna). I'm at a point in my life na kailangan ko na magkaroon ulit ng relasyon. Oo. Ayoko nang maging bitter at ayoko nang maging pantasyadora.

Gusto ko nang maikman ulit ang buhay... yung hindi lang standard na MahaL ko Pamilya ko at mga Kaibigan spiel ang sinasabi ko at pag tinatanong kung kumusta ang lovelife ko, sasabihin ko na parang Coke..... ZERO.

Ayoko na nang nagkakape habang nakatingin sa mga gwapong nagdadaan at sasabihin ko nag pasalit salit
ang mga sumusunod na linya sa sarili ko:

"Ang cute naman nun."

"Gwapo. Nakakainis."

"Sarap naman." (sabay unas ng napkin sa bibig.)

Sawa na akong nagnanakaw ng litrato sa mga gwapong natutulog sa MRT o Bus. Oo... hehehe. ninanakawan ko sila ng litrato. Ganun ako kadesperado. Minsan nasa MRT ako, ninakawan ko isang pasahero na type ko. Nakalimutan ko tanggalin ang Flash.

Clichik!



"Ay. ano yun?"

(tining na phone na kunwari sira ata yun at nagflash mag isa. Sabay baba nga tren.)

Ayun. Takot ko lang gawin yun ulit. Hindi ko lang maintindihan bakit kuha ako ng kuha ng litrato ng mga guys.

OMG. Stalker na ata ako!

Ganito na ba kasenseless ang buhay ko at I'm satisfied watching nice guys who have no idea at all na I'm drooling over them?

Natatakot na ata tumabi sa akin ang mga nagbabasa ng blog ko. hehehe

Wala akong lakas ng loob. Wala na talaga. This is sick and I know it.

Balik tayo sa eksena kanina. So kakaisip ko... Sumagot ako ng yes. Gusto ko maging normal, I want to be with ONE person.One. Isa. Sya lang.



Sakay ako ng... dyaraaaan... TAXI, at ang driver... Pucha, basahin mong mabuti. NakaTshirt siya ng puti, naka shorts at naka sinelas. Hapit sa maganda niyang katawan ang T-shirt at tamang tama ang pagkakapuno ng hita niya sa shorts. Kalbo. Moreno. May goatee atchaka.. atchaka.(yung buhot sa ilalim ng lips. Maganda ang mata. matangios ang ilong. Malapad ang dibdib.


Napa OMG ako.

OMG.

Naalala mo ang previous blog ko?

Ang bag. Kalong ko ang bag.

Nakatapat ang A/C sa mukha ko pero dama ko na nagiinit pati ang puno ng tenga ko. hanggang leeg.Gusto kong hawakan ang kamay niya.

Pero hindi. May "date" ako.

"San tayo?"

Pucha pati boses nya... makalaglag brief, ika nga ni Matt. Bedroom voice. Gmala ang guniguni ko... ano kaya tunog ng ungol niya?

AAAARRRGH!

"San tayo?"

"Gateway. Traffic ba sa EDSA?" (kasi parang gusto ko atang ma-traffic kasama ka.)

Mukhang nainis si manong. "San mo gustong dumaan?"

Ah, eto sinagot ko talaga, "Kahit san mo ko gusto idaan, ok lang."

KABLAG.

Namula ang mukha ko . Dumerecho ang taxi papuntang edsa. nagrereklamo si Manong sa yellow lane. Derecho lang ako ng tingin. Kahit medyo nagli-lean siya sa side ko para "silipin ang daan". Kahit paminsan-minsan, tumitugil ang traffic at itatas niya ang kamay niya sa kanyang ulunan at iuunat ang katawan.

Putang INA. Gusto ko syang dakmain.
But wait. May DATE KA, Ron, at ayaw mong GUMULONG sa GUADALUPE.

Deadma.

Dumating sa CUBAO.

"San tayo?"

OMG gusto ko ipaliko sa kanya sa SOGO.

"Gateway po."

At ibinaba niya ako sa Gateway. Wala akong barya. binigyan ko ng 200. Mauubos daw ang panukli nya. Sabi ko, kahit 60 na lang isukli mo.

"Thank you..."

Hoooo.... maaayyy Gaaaaaassss....

Lulugo lugo akong pumunta sa Starbucks at nagkita kami ng date ko.

Buong gabi tulala ako.

Gusto ko na sanang mag settle down. gusto ko ng relasyon. Pero yung mga tipo ko... ano ba nangyayari sa akin? Gusto ko ng cute, ng gwapo, pero pag tumitingin ako sa mga nagdadaanang mga lalaki... naiinis ako.

Alam mo yung feeling na gusto mo bilhin ang isang bagay pero kulang ang pera mo?

Ganun.

Tapos magsesettle ka sa japeyk tapos hindi ka matutuwa.

Haaaaaaaayyyyyyy.

Pag naman may gwapo dyan, o... Birthday gift na lang ninyo sa akin, o?

KABOG.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...