Be One of My Froglets

Search This Blog

Prinsipe ng mga Sirena

Isa.
Dalawa.
Tatlo.

Tatlong oras na ang lumipas mula ng sabihin ni Agnes sa text na nakasakay na sya ng taxi papunta sa Starbucks. Maaliwalas sa labas ng nasabing coffee shop sa kanto ng Rufino. Gustuhin ko ma’ng manigarilyo at maghintay sa smoking area ng Starbucks ay di ko na laman itinuloy dahil baka naman hindi naninigarilyo si Agnes. Baka hikain pa iyon ako pa ang sisihin. Napagpasiyahan ko na lamang na libangin na lamang ang aking sarili. Nagbukas ako ng internet mula sa dala kong laptop at nagsimulang magbukas ng mga websites.



Walangya. Pati porn nasurf ko na. Panay ang silip ng mag asawa sa likod ko. Kapansin-pansin ang lagkit ng tingin sa akin ng asawang lalaki. Tiningnan ko ang babae, na Napatingin sa asawa. Nagtama ang mga mata nila, sabay iling ng lalaki. Sumimangot ang babae, sabay binigyan ng masuspetsang titig ang asawa.

Busog na ang mata ko sa dami ng litrato, ilang numbers na ang nakuha ko sa chat. Ilang alok na makipag SEB, SOP, Orgy at kung anu-ano pa. Parang gusto ko na nga’ng  isuka ang brownie na kinain ko.

Darna!!!

Mensahe galing kay Agnes:

M HIR. ILL B GETTiNG OFF D TAXI NOW.

Huminto ang taxi sa tapat ng starbucks. Isang statuesque na morenang babae ang mala-modelo’ng lumabas ng sasakyan na parang diyosa, mahaba ang itim na buhok na may bahagyang pagkulot sa dulo. Kahit nakatabing ng shades ang mga mata ay litaw pa rin ang kagandahan nito. Kaunting make-up lang ang nagpapaganda sa kutis ng dalaga, na mala-crema naman kahit kayumanggi ito. Matangkad si Agnes, lahat ng nakakita sa kanyang bumaba ng taxi ay biglang napatingin. Suminag ang liwanag ng araw sa kanyang mahabang buhok, na bahagyang nilipad ng hangin sa pagbukas ng pinto.  Nagsimula siyang maglakad patungo sa kinaroroonan ko, at marahan kong sinara ang laptop na aking dala. Isip ko, ‘siya na yata ang hinihintay ko.’

Graceful entrance and drama ng babae. Ngumingiti sa bawat napatingin sa kanya, sanhi namang mapangiti rin sila sa kanya. Huminto siya sa harapan ko. Ngumiti. Iniabot ang kanyang kamay sa akin at akmang makikipagkamay. Pag abot ko sa kamay nito ay nagsimula siyang magsalita.

“Benjamin,” Matamis na ngiti nito, “Sory I’m late.”

May gayuma itong babaeng ito, isip ko. Tatlong oras akong naghihintay dito sa coffee shop, buti na lang at naisipan kong magdala ng laptop, kung hindi, baka nainip na ako ng husto.

“It’s ok. Nalilibang naman ako dito, e. Buti may wireless connection sila dito.”

“May I sit down?”

“Oh. Yes. Sorry, how rude of me.”

“Thank you.”

Naupo ang babae sa silya sa harap ko. “Coffee?”
“No, thanks. I usually drink tea instead.”

“Oh.”

Pagtanggal ng babae ng shades niya, ay doon lang nahalata ang munting nerbiyos na namumuo sa kanya. Halata sa mga mata ng dalaga ang pagkabalisa. Bagamat sa tuwing magtatama ang mata naming ay mahinhin siyang ngingiti. Tapos ay aalisin sa akin ang pagkakatitig niya.

“So..” simula ko, “What brings you to these parts?”

“Ah… kasi…”

God, she’s pretty when she’s pretty uncomfortable.

“Sana naman may mapala ako sa iyo kasi tatlong oras nga akong naghihintay sa iyo, hindi ba?”

Nasambit ko iyon, tapos ay napahiya sa sarili ko.

“Sorry…” Napayuko ang dalaga.

“Agnes…”

“Yes?”

“Ang ganda ganda ng pasok mo dito. Akala ng mga tao modelo ka. Inggit na inggit nga sa kin yung mama’ng iyon, o… Akala nila date kita. Tapos yuyukuan mo ako na parang ang laki-laki ng kasalanan mo.”

“Ang sungit mo naman…”

“Well, I said it was ok na late ka di ba? Sana naman ganito na nga’ng late ka, simulan mo na ang gusto mong sabihin. What was so important na after all these years nagdecide kang makipagkita sa akin?”

“Wag mo naman ako’ng madaliin.”

“Madaliin?”

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nakataas na yata ang isang kilay ko.”

Kumunot rin ang noo ni Agnes. “I thought this was a good idea… guess I was mistaken.”

Sinuot niyang muli ang shades niya at nagsimulang tumayo sa kinauupuan. Maagap kong hinawakan ang braso niya.

“Wait!”

Nahinto ang dalaga. Nakatingin sa braso ko habang ako, napatigil rin na nakatingin sa kanya. Napadako ang tingin ko sa braso niyang hawak ng malapad kong kamay. Ang nipis ng braso nya.  Nakatingin ang mga tao sa aming dalawa. May narinig akong kaunting mga bulungan. Marahan kong kinalas ang palad ko sa balat niya, marahang hinawakan ang kamay ko habang binabawi ito. Nahiya ako sa eksenang ginawa ko.

Muling umupo si Agnes. Tinanggal muli ang shades sa mata. Maganda pa rin siya kahit galit.

“Sorry I offended you.”

“I didn’t realize you were still mad at me. Sorry din.”

“Let me buy you something.”

“Parang gusto ko ng double espresso.”

“I thought you didn’t drink coffee?”

“I do when I’m upset. It calms me down.”

“Oh.”

Tumayo ako para umorder ng coffee. Paglingon ko sa mesa, nandoon pa rin siya, nakatingin sa labas. Alam ko, iniisip niya kung ano ang sasabihin sa akin. It’s been years nung huli ko narinig ang pangalan niya. It was the first time though, na nakita ko siya in the flesh. This is Agnes… Ang huling babae’ng nagpaiyak sa akin.

“Tatawagin na lang po kayo pag ready na, sir,” Ngiti ng barista. Gusto niyang matawa na makilig na di maintindihan…

“Ok… tawagin mo yang pangalan na yan, ha?”

“Yes, sir…”

Bumalik ako sa kinauupuan ni Agnes. Nakatingin siya sa malayo, parang nagsisisi na pumunta pa siya dito. Sinubukan kong ngumiti sa kanya, alam na may mangyayaring maganda maya-maya…

“You ok?”

Hindi umimik si Agnes.

“Can you do me a favor?”

Tumingin sa akin sharply si Agnes with icy eyes, not yet ready to forgive me. ALMOST pero not yet… Almost there, though…

“Ikaw kumuha ng coffee mo kasi name mo binigay ko dun sa barista.”

Sabay napapikit ako ng mata. I was expecting na nakanganga siya with an expression of shock… sasabihin sa akin, ‘kapal mo naman… sinusuyo mo nga ako with that cup of coffee, di ba? Kasi nga na-offend mo ko di ba? Hindi mo pa lubusin na ikaw ang kumuha ng kape??’

But I was surprised by the calmness of her voice, “Sure. Yun lang pala e. Libre naman yung coffee, e.”

Then, a beat… Nagtanong ulit siya, nakataas ang kilay at nakasilip ang mga mata sa sulok ng shades niya… “Treat mo yung coffee, di ba?”

Her eyes were screaming: YOU CHEAPSKATE!

I smiled and said, “Oo naman. You won’t owe me anything.”

“Ah, ok.” She said, putting down her guard, but still looking suspicious.

Tinawag ng barista ang pangalang binigay ko sa kanya:

“Double Espresso for THE INCREDIBLY GORGEOUS WOMAN IN BLACK, BENJAMIN SAYS SORRY HE WAS INSENSITIVE AND MASUNGIT… AGNES, PLEASE TAKE THIS COFFEE AS HIS APOLOGY.”

She was startled.

Kita mo sa mga mata niya ang gulat. It was unexpecTed of me to do that. She looked around… hoping it was another woman in black; hoping there was another Benjamin, and another Agnes sitting around somewhere.

Then she realized something.

Lahat din ng tao nakatingin sa kanya. Sa aming dalawa. She was the only woman in black sa loob ng Starbucks. She was the only Agnes. And everybody was looking at her like one lucky lady. That moment froze the entire shop like it was just one scene, at ang bidang babae ay si Agnes.

She hesitaTed.

Naghihintay ang mga tao… Walang gumagalaw.

May isang lalaking nakangiti. Biglang nagsalita, “Kunin mo na…”

Another lady walked up to her and said, “Come on… give him a chance.”

Isa isang narinig ang mga boses sa loob ng shop:

“It’s just one mistake, hija.”

“My God, that is so sweet.”

“Sana patawarin na niya yung guy. Gwapo naman, e.”

“Maganda yung girl.”

“Ay kakakilig parang movieee…”

Agnes was as red as a ripe tomato.

Naghihintay ang barista, uulitin sana ung ‘name’ na binigay ko sa kanya. Sumenyas ako na huwag na…

“I’ll get it.”

Pinigilan ako ni Agnes. Hinawakan niya ang kamay ko. Nung una ay mahigpit, dahil nabigla siya, pero unti-unti nagging malambot na haplos na lang, kasing lumanay ng boses niya.

She smiled.

Just when I thought she was blushing because she was humiliaTed, she was actually flattered.

Tumayo siya. Parang nag-slow motion ang paligid. Lahat ng mata, nakatingin sa kanya, nagpalakpakan ang mga tao nung inabot sa kanya ang kape.

She sat back in place, looking at me.



“You surprised me,” she said.

“I take risks…”

“No. You like being the center of attention.”

“E ano? So do you…”

She smiled, “I admit, I am vain…”

Halata naman, e…

“I also ordered you a slice of black forest. I hope you’re not on a diet.”

“Nope. I love chocolate.”

“Still upset?”

“Ikaw? Upset ka pa ba?”

Nabigla ako. “Uh… no.”

“Yung totoo.”

Humarap siya sa akin. Diretsong tumingin sa mata ko. Nabuksan lahat ng alaala sa akin. She made me know she was aware. Pagtingin mo sa mga matang iyon, hindi mo alam kung makukunsyensya ka, maaawa, o gusto mo siyang halikan.

Peste. Bakit ko siya hahalikan?

This was the enemy two years ago.

Two years ago.

Bingo… magic words.

“The truth, Benjamin.”

“Whatever you did, two years ago, malayo na iyon sa akin. Hindi mo ako kilala noon at nagsuggest ka ng isang bagay na hindi mo alam na masasaktan ako.”

“We never met. I didn’t know you back then.”

“Yun na nga ang kinasama ng loob ko that time. You didn’t try. You struck me as selfish, iniisip lang ang sarili mo’ng kaligayahan.”

Napayuko ulit ng ulo ang dalaga.

“But again…” dagdag ko, “That was two years ago. Hindi ka naman siguro magpapakita sa akin dito kung ganoon pa rin ang tingin mo sa akin. Tell me… Did I look exactly as you thought I would?”

“No.”

“Whom did you expect to see?”

There was silence. I saw her blush, and then she smiled… slightly.

“Well, I didn’t expect you to be so cute.”

“Ows?”

“Yeah.”

Ako naman ang nag blush.

Well I wasn’t so bad. I had long hair. Up to my shoulders. They’re wavy, may konting highlights. I had a slight moustache, goatee, sideburns… matangos ang ilong ko. Makapal ang kilay.  Spanish Mestizo ang lolo ko. Chinese ang nanay ko. Sa family ng tatay ko, they could trace their ancestry to Italy. Matangkad ako. I also frequenTed the gym, so maganda rin ang katawan ko. I choose what I wear. I’m never conventional with what I wear, pero you will never describe it as weird.

“And…”

“And what?” Tanong ng dalaga.

“What else did you notice about me?” Alam ko hindi ang pagiging ‘cute’ ko ang gusto talagang sabihin ng dalaga. I was waiting for something more important. Isang bagay na lagi nilang sinasabi sa akin pag una nila akong nakikita.

“You don’t look gay.”

“Bakit… what did you think I looked like, based sa kuwento sa iyo ng boyfriend mo?”

“Ex-boyfriend. And he was your ex too.”

“Sorry. Ex-boyfriend natin.”

“I thought you were a screaming faggot. You know the type. FitTed na shirt, wish nila girl sila. Naka-make-up. Malandi pa sa babae magsalita. Nakatikwas ang daliri, naglalaway pag nakakita ng lalaki.”

“I see. So sa dictionary mo, may pagkakaiba ba kami sa mga coyotes and werewolves?”

Hindi niya pinatulan ang sarkastikong remark na iyon, “He also said you gave him an allowance. So he’d stay.”

“Allowance?”

“Every week.”

“Ha?”

“Akala ko baklang parlor ka.”

Alam ni Agnes na sa bawat bigkas niya ng bagay buhat sa description sa akin ng ‘ex-boyfriend niya’ na naiinsulto ako. Malayong malayo sa description sa akin ang sinasabi niya. And I never gave him what he called ‘allowance.’ Oo, ako ang palaging taya pag lumalabas kami… but I never gave him money on a regular basis…

Nagsimulang magdugtong ang kilay ko. “Go on…”

“Patay na patay ka daw sa kanya.”

That’s it.

“Now I understand why sinabi mo sa kanya na iwanan ako.”

Yumuko ang dalaga ulit. Humigop ng kape at sumubo ng cake.

“Do you know what your ex-boyfriend is?”

“I’m starting to realize that, Benjamin.”

“Ang kapal ng mukha niya.”

“I thought he was straight.”

“Duh… e nagpapatira sa pwet yun, e”

“Ganun?”

“He likes it rough. And do I look like ako magkakandarapa sa kanya? Gwapo ba sya? E kaya lang naman yan nagmukhang tao kasi sinabihan ko na magpaayos ng mukha niyang parang bayabas, e.”

“I know. Mas mukha ka pa lalaki sa kanya,  e.”

“Correct. Doublecheck.”

“Except when you say that.”

Napatigil kami pareho. Nagkatitigan. Nakataas pala ang isang kilay ko. May chocolate sya sa may ilong niya dahil sumusubo ng cake habang taranta sa isasagot sa akin.

Natawa kami sa itsura ng isa’t isa.

“Nahi-highblood ako pag naiisip ko pano niya I-deny na bading sya. And how he paints me everytime he opens his mouth about ‘us’”

“He’s bisexual.”

“So am I. I almost got married. To a girl, ha?”

“Talaga? Then, bakit ka…”

“Sylvia. She entered the monastery sa ibang bansa. She’s now a nun.”
“Is that why you became…? “

“Isang taon akong hindi nagsimba.”

“Rebelde ka pala.”

“Hindi naman. Pero natakot ako sa babae. Ambilis ninyo magbago ng isip e.”

“What did her family say?”

“They apologized to me. Apparently, sila din ang reason bakit niya nagawa yun. She can’t stand na iwanan ako totally, and she doesn’t want to choose me over her family.”

“So wala siyang pinili?”

“She chose God. For the longest time, sabi ko, Lord, ang gwapo mo talaga… Pinagpalit ako ng syota ko sa iyo. Gwapo mo talaga.”

“Kaya ka ba nagpahaba ng buhok at nagpatubo ng bigote at balbas?”

I didn’t realize that.

“Mag aahit ako bukas.”

“Oops.”

“Let’s change the topic. Kanino ka ipinagpalit ni Bryan?”

“Her name is Kristine.”

“Tell me about it.”

Her eyes lit up. She was dying to tell me about her story. This was why she wanTed to see me. To say sorry, and that she dumped Bryan… and that she was seeing someone more deserving… and that I should, too.

Well… that was my assumption.

“Well I found out on our anniversary. He was dating her. Sinugod ko sa condo yung babae. Then something happened.”

“What? Hindi mo naman pinatay yung babae?”

“We had sex.”

Nakanganga ako kay Agnes.

“Why not? She was gorgeous.” Depensa ni Agnes. “She has this skin that was like ivory. And she kissed like… ah… hirap explain. Halika nga dito…”

Hinawakan niya ako sa batok.

She lightly bit my lower lip and proceeded to lick my lips. Then she eased her mouth onto mine and gently kissed me. Deep. Playing with my tongue. I felt my heart racing. I was kissing a girl…a girl that Bryan kissed after me. And she isn’t just retelling me how another girl kissed her… she was showing me how… how another girl who kissed someone she kissed, kissed her.

And it was exactly how I felt.

“Actions speak louder than words.” She gently whispered to me.

Paglingon ko, halos lahat ng tao nakatingin sa amin, nakangiti.

“Letse kang babae ka. Masisira reputasyon ko sa iyo.”

Pinunasan ni Agnes ang labi niya. “You have chocolate on your lips honey…” Pinunasan rin niya ang labi ko.

Mukha kaming magsyota.

“You’re a lesbian, aren’t you?”

“Duh.” She smiled.

“Kaya ka pumunta dito, kaya ka nagsosorry sa akin for stealing my boyfriend. Kaya bigla mo ako naalala. Kasi convertible ka din pala.”

“You make me sound like a car, baby.”

“You’re here kasi binabagabag ka ng kunsyensya mo sa ginawa mo sa akin. Natatakot ka na baka iwanan ka ni Kristine at sabihin niya sa isang lalaki na tibams ka… at bibigyan ka nya ng imahe na butch… kamukha ni Aiza Seguerra. Naka spike ang buhok at naggigitara… Takot kang makarma, ano?”

Tahimik si Agnes. Humigop ng kape at tumingin sa labas. Dumidilim na pala. Kumukulimlim ang langit.

“I proved your fears di ba? You came here para I-check kung katulad mo, hindi rin ako mukhang bading. Well I don’t look like one… Just like you don’t look like a lesbian.”

“Here we are, ang prinsesa ng tribo ng mga tiboli at ang prinsipe ng mga sirena…”

“What do you really want?”

“I want you to be my friend. That’s all.”

“Pa kiss ulit.”

“Tigang ka ano?”

“Slight.”

“Unfortunately, I have a date with Kristine tonight.” Tumayo siya at sinuot ulit ang shades niya.

“You’re still together? Kayo ni Kristine?”

“One year anniversary tonight.”

“Bakit kayong mga tibams, nagtatagal ang relationships? Pag parehong lalaki matagal na ang 6 months.”

“I don’t know honey. Hindi ako bakla.”

“Fine.”

“But don’t worry, baby… we’ll do this again.”

Yumuko siya at binigyan ako ng isang beso-beso.

Then she walked away.

Binuksan ko ang aking notebook computer. Tanaw ko siya sa bintana, pumara ng taxi at ngumiti sa akin bago ito sumibad papaalis. I then realized something…

“Shet. Ginawa mo akong therapy.”



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...