Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Wednesday, March 30, 2011

Lihim na Kembot

Kasalukuyang nanunubig ang Palakang Petot sa banyo ng restaurant na iyon, nang pumasok ang isang matangkad, matipuno at gwapong lalaki. Habang rumaragasa ang wiwi water sa berdeng katawan ng petot, ay pinagmamasdan niya ang ginagawa niya sa harap ng salamin.


Ayos na ayos ang itsura nito, plantsado'ng plantsado ang polo na nakabukas ang 2 pinaktuktok na butones, pinapakita ang guhit sa pagitan ng kanyang malalapad na dibdib. May hint na balbon ang dibdib nito dati, na inahit, dahil may mga patubo'ng hibla ng buhok sa dibdib na parang patubong bigote, na nakadagdag sa appeal nito.

Lalaking lalaking kumilos ang lalaki, hindi nakapag-ahit ang drama, pero pansin mong pantay na pantay ang tubo ng stubbles nito.


Naglabas ng kikay kit. Hinugot ang isang compact na  dark tan ang shade at nag polvo. So What? Baka model, o artista, natural sa kanila na hindi mag oiliness sakaling may kumukuha ng litrato lalo kung hindi nila alam. Tapos pag pangit ka, ilalabas sa web o sa TV, tapos ang career mo. Alaga lang. Naglabas ng lipgloss. Fine pa din, kasama sa pagiging gwapo na kelangan hindi nagbabalat ang lips mo. kadiri kaya yun, kahit lalaki ka pa. Gusto din ng mga girls ng kissable lips sa men. 

Alam mo yung mga Blusher at Bronzers na nasa loob na ng brush ang makeup? Na kailangan mo na lang i-shake ang brush, tapos pwede mo na siyang i-apply?
PWES, MERON SIYA NUN.

Muntik nang mag-triple somersault and backflip ang Palakang Petot. Naka-pucker pa ang lips at naka pout, para lumabas ang cheekbones at mai-apply niya sa apple ng cheeks niya ang blush on (o, di ba, may nalalaman pa siyang ganun?)

Nakakabading daw kapag sobrang gwapo, sobrang chickboy
Nakakabading daw kapag sobrang gwapo, sobrang chickboy (na ending, pumipwede na sa chicks, pwede rin sa boys), na kapag lumaon, nagiging bading at bumibigay na din sa FEATHERation, o sa ASSociation si Kolokoy, at take note, higit sa malamang, nagiging botomesa pa si gwapo.

Ilang kaopisina mo na ba ang napagdudahan mo ang pagkalalaki?

Tip lang sa mga GayDar users: Hindi mo pwedeng mahusgahan sa porma ang isang Closetta Stone. Meron ako'ng naka opisina dati, METROSEXUAL talaga. pulido, pino, gwapo, KACHUPA-CHUPA. Pero certified straight. Oo, promise. Straight siya. Hindi lahat ng malinis tingnan ay BAKLA.

Maraming bading ang mahilig sa 'BAD BOY'
Mas marami nga dyan, gusto yung mga rugged na look, tipong BAD BOY, parang magkamali ka ng titig sa kanila, CHUCHUPAIN este, BABANATAN ka na nila.

Oo, nga, BABANATAN ka nila, pero BABANATAN KA NG HALIK.

Bakit naman dumadami ang mga baklang maton sa Pilipinas? Naco-confuse ba sila? Hindi ba sila makapaglantad sa publiko na mga lalaki din ang hilig nila? Mas higit sa madalas, noong naggygym pa ako, kadalasan ay baklang napakagaganda ng katawan ang nakakasabay ko mag work out.

Ang Tunay na Lalaki, wa pakels magpalaki ng masel.
Ilan lang ba sa mga kaibigan ko'ng straight ang nagwoworkout? Bihira. Mas kampante silang manaba, magpalaki ng tiyan, tumanda, magmukhang matanda. Sabagay ay may mga pamilya ang karamihan sa kanila. Hindi na sila maghahanap pa ng mga manghuhumaling sa kanila. May mga anak sila na sa paggising sa umaga ay sasalubungin sila ng "Good Morning, Daddy!" At sa gabi naman ay ang mga naggagandahang misis naman nila ang sasalubong ng, "Welcome home, Honey."



Walang ganyan sa mundo ng mga bakla.

Pag uwi mo sa bahay ay kaharap mo ang PC, ia-upload mo ang huling litrato ng hubad mong katawan, na pinagkagastus-gastusan mo pa para kuminis, pumuti, gumandang parang modelo. Kailangan mo'ng palaging gwapo. Kelangan mukhang artista palagi.

Kasi kung bakla ka na nga, kilos bakla ka pa, PANGIT ka pa, malamang, tulad ko na inaabutan ka ng EXPIRY DATE ng Condom sa wallet mo. Oo May expiry date ang condom. Karaniwan 2 taon. Hindi mo alam yan kasi maya't maya ay kailangan mo gumamit, kung gwapong bakla ka.

Sabi nila, tapos na ang panahon ng mga baklang parlor na humahanap ng TUNAY na LALAKI, at nagagalit kapag naging bakla ang mga kajowaan nila. Bakit nga naman papatol sa bakla ang totoong lalaki, di ba? Pinagtatawanan natin ang mga baklang yun. Ayaw natin sa kanila, kasi in denial kamo, ano akala mo sa lalaking makikipagtalik sa kapwa lalaki? Straight?

Hindi sila actually nawala. Tinanggap na lamang nila na ang mga lalaking papatol sa kapwa lalaki ay hindi tunay na lalaki, PERO AT LEAST DAPAT KILOS LALAKI SILA. Hindi halata.

Galit tayo sa mga Closetta, pero ang totoo, kaya may mga akala mo kung sino umasta, lalaking kumilos, lalaki ang porma, modelong tingnan, macho gwapito'ng bakla, KAGAGAWAN DIN NG MGA BAKLANG GANITONG TIPO ANG HINAHABOL.



Tangina, sino'ng bakla ang hindi tutuwad at magwawater water kung ganitong lalaki ang magbibigay sa iyo ng motibo? Mahilig sa gwapo ang mga bakla. Huwag kayong magtaka kung ang nagpapagwapo'ng kakilala ninyo, hindi na tunay na lalaki. Ganoon talagang maging bakla. Kailangan LIHIM ANG KEMBOT MO, para habulin ka.

Huwag kang pahuuhli, mahalaga sa image na alam nila hindi ka tumutuwad. Pero paminsan minsan, nakakakita sila ng ganito'ng mga larawan mo sa web:


O sige nga, straight ka, may ganyang kang litrato? See through pa kumot mo. Lokohin mo lelang mo.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...