Habang nakaupo ako sa harap ng aing computer, at napapanood ang mga videos at mga balita sa Tsunami sa Japan, (akala ninyo tungkol sa tamod ang blog ko ano?) napapaisip tuloy ako sa mga comments ng mga tao sa web.
Malapit na daw magunaw ang mundo.
Naiisip natin angmga bagay na ito kapag maramihang tao ang namamatay dahil sa pagbabago ng daigdig.
Pero ano nga ba ang nangyari? Gumalaw ang lupa sa ilalim ng dagat, gayua ng ginagawa niya sa loob ng 4 na bilyong taon. Walang kakaiba. Gumalaw nang ilang bilyong ulit ang kaloob-looban ng daigdig, kaya tayo may mga isla, mga bundok, mga dagat.
Ang pagkakaiba? Marami nang tao ang daigdig ngayon.
Marami na namang namatay na hayop dati noong wala pang tao. Ilang milyong ulit nang lumindol, hindi mo lang nakita.
Kaya lang naman tayo natatakot kasi hindi natin macontrol ang mga lindol, pagbaha, pagulan, tagtuyot, mga ipu-ipo at mga pagbagsak ng mga bato mula sa langit.
Pero wala namang bago.
Darating at darating iyan.
Tayo ang may problema. Hindi natin matanggap, na katulad ng pinakamaliit na dahon na lumulutang sa tubig, nasa kapangyarihan lamang tayo ng mga alon. Masyadong malalaki ang mga PRIDE at EGO natin na hindi na natin kayang tanggapin na maaari pa rin tayong bawiin ng dagat, lamunin ng lupa, o sunugin ng langit.
At walang kakaiba sa daigdig kung mangyayari iyon.
Oo, tao ka at ikaw ang pinakamatalinong nilalang sa ibabaw ng daigdig.
Pero hindi ka imortal. Katulad ka lamang ng ibang mga nilalang na may buhay sa ibabaw ng lupa. May hangganan ka lamang. Ikaw ay maaring madurog, masunog, mapisa, at pag hindi nakahinga sa anumang paraan, ikaw ay mamamatay.
Wala lang... Pumulandit lamang ang isipang iyan sa aking damdamin.
No comments:
Post a Comment