I will definitely CELEBRATE this weekend. My change has gone FULL CIRCLE. Vindicated, relieved and elated.
Sinabi ko naman sa iyo ganun ang gagawin niya di ba? Hindi ka ba nagtataka at sobrang nabalisa siya nang makita ang pangalan ko sa facebook mo? Ayaw kasi niya na makita mo ang totoong ginawa niya, and what he is capable of doing. Pero just like me 3 years ago you were so in love. Nadadala ka sa mga pa-senti-senti niya, ng maganda niyang boses, ng pagkatahimik niya, ng paminsan-mminsan niyang pag iyak pag namimiss ka niya... Ng pagka adventurous niya.
Ano, hindi rin sapat ang binigay niyang dahilan sa iyo nang maghiwalay kayo ano? Let me guess... nanghingi ng COOL OFF, tapos hindi ka binabalikan. Ayaw sagutin ng diretso ang mga tanong mo. Parang hindi ka naniniwala sa dahilan niya? You will probably never find out anyway.
You were warned.
I know I am going to be labeled eviil when I say this but I am always at my happiest when I am proven correct. Kaya siguro hindi na ako magso-syota ever. Happy na ako sa sarili ko.
At least alam o na. Alam ko na palaging ganun na lamang ang mangyayari sa kanya dahil KATULAD NG MGA MATA NIYANG LUWA, wala siyang kabusugan. At hindi na natin kasalanan iyon, at wala na tayo'ng magagawa.
Hindi ka niya babalikan para sabihin na sorry siya sa mga nangyari. Sapat na yung iisang thankyou niya nang sabihin niyang "aalis muna siya." Wala siyang pakelam sa closure mo. Worse, sasabihin niya sa iba tungkol sa iyo kung ano'ng sinabi niya sa iyo tungkol sa akin kung sakaling maghanap ka ng tanong.
Hulaan ko, sabi niya sa iyo, naghahabol ako ano? WRONG. Naghahabol ako ng sorry man lang o sa kanya manggaling kung ano ginawa niya. He never did, bagkus he treated me like a plague. Has it ever happened to you na paa mo na ang naapakan, nasira buhay mo and wala siyan inoffer na sorry kahit minsan?
You were warned but you thought I was the threat. And you might be right, I shouldn't feel sorry for you.
And I don't.
Isipin mo na lang, nakaapak ka ng TAE, at kelangan mo'ng linisin ang swelas ng sapatos mo. Ikiskis mo kaya sa damuhan.
Yes, go Green.
Sa wakas pwede ko na talagang kalimutan ang masamang bahagi ng nuhay ko na yan. Sensya na, Nagkataon ikaw ang nandoon sa mga oras na iyon. Hindi kita kaibigan, at huwag kang mag alala, hindi kita balak gambalahin talaga... gusto ko lang malaman talaga na ganoon nga siya para maka move on, because that chance was never given to me.
I'm not sorry for your loss, because you shouldn't be.
No comments:
Post a Comment