Be One of My Froglets

Search This Blog

Saturday, January 15, 2011

Mga Kwento'ng Kaengkantaduhan

Sometime this week, pumanaw ang tatay ng Team Leader namin na si Reng Tanseco. Kagabi, dinalaw namin siya at ang mga labi ni G. Jose Tanseco sa Santurio de San Antonio, Capella della Virgen. Ang daming pulitiko. Nakita namiin si Sonny Belmonte. The other night daw nanduon si Bayani Fernando. 



At andaming GWAPO. Nakita ko sa kabilang chapel yung sinusundan-sundan ko sa gym about 2-3 years ago na mestiso. Ganda ng katawan, gurl, at kahit for caucasian standards, GWAPO. Period. Nakisindi sa akin ng yosi. My God, that was the pinnacle of my froglet life.

ANYWAY... 

Dumating din doon ang isa sa mga kasamahan namin sa opisina, si TL Rose. Una ko'ng bati sa kanya ay, "Rose, is it really you?" Dahil noong umaga lamang ng araw na iyon, nakakita siya ng doppelganger ng isa pa'ng TL sa opisina.

FLASHBACK: (BG MUSIC: Intro ng Dancing Queen)

Umaga ng Biyernes, nag-iingay na naman sa kanyang station si TL Rose nang makita si Jenn Nebres, isa pang TL. Sinigawan, este, tinawag ni Rose si Jenn at sinabi'ng, "Oy, magpapatulong ako sa iyo mamaya ha?"

Lumingon lamang si Jenn at tumango ng 'Oo', nakangiti... at nagpatuloy maglakad papalayo.

So, sa pag-aakalang, tutulungan siya ni Jenn sa kanyang pinapagawa, ay tinungo ni Rose ang estasyon ni Jenn sa kabilang dulo ng floor. Nadaanan niya ang mga ahente at pinagtanong si Jenn, nang mapansin na wala ito sa station niya.

"Si Jenn, bakla?"

Nagkamot ng ulo ang agent at sumagot, "Rest Day ni Jenn ngayon."

"Ha? E dumaan nga sa istatsyon ko yun kanina, e, nakausap ko pa nga, kaya ako pumunta dito e."

"Rest day kaya buong team niya ngayon, check mo schedule."

Ang TL Rose, nagsisimula nang pagpawisan sa nerbiyos, tumakbo sa phone niya at tinawagan si Jenn. Sa unang mga 30 minutes, ay walang sumasagot, o unavailable ang telepono. Matapos ang kalahating oras ng pagda-dial ng number ni Jenn, sumagot ito.

"Nasaan ka?" seryosong sagot ni Rose.

"Nasa bahay, kagigising ko lang," sagot ni Jenn na halata sa boses.

(Dito magsu-ZOOM IN ang CAMERA sa mukha ni Rose habang LUMILIIT ang background na paligid.  SFX na nakakatakot)

Namutla ang Rose. Parang nakatungga ng isang basong suka.

BALIK TAYO SA BUROL. GABI, SANTUARIO DE SAN ANTONIO. 

Habang pinag-uusapan namin ang mga nasabing pangyayari, ang team mate namiing si Rachel Reyes, ay biglang nagreact, "Seryoso, walang pasok si Jenn ngayon?"

Nabaling bigla ang tingin namin sa kanya.

"Nakita mo din?"

"Ngayon ko lang nalamang wala palang pasok yun e. Andun kaya siya sa station niya."

"Gurl," sagot ko, " Nakita mo ba yung team niya?"

"S-sinu-sino ba team niya?"

"Sina Shiela, yung si Baby Boy, sina Andee, Marie, sina Eric..."

"Hindi ko nga napansin mga yun..."

"Dahil rest day nga nila... Naka Off silang lahat. papaanong nasa office yung TL nila?"

"Saka tinawagan ni Rose, gurl."

Tulala ang Rachel. Buo'ng buo naman niya nakita, hindi daw malabo ang mukha, hindi transparent. Although hindi naman daw niya nakita ang ibabang bahagi ng katawan ni Jenn, sigurado daw siyang tao yung nakita niya duon sa station.

At marami pang kababalaghan ang kinuwento ni Rose.

May third eye kasi si TL Rose. Nakakakita siya ng mga bagay na hindi nakikita ng lahat. At prone siya sa mga ganoong mga pangyayari. May ikinuwento pa siya sa amin tungkol sa isang tiyuhin ng tatay niya na pinag-aral sa Maynila noong mga 1940s, sa Arellano University.

May kaklase daw ito'ng babae na ubod ng ganda, at crush ng mga kalalakihan doon. Dahil sa may pagkamahiyain ito, hindi nagkaroon ng pagkakataong makipagkilala ang tiyuhin ng tatay ni Rose sa babae.



Nang matapos ang semester sa pag-aaral, ay umuwi ng Samar ang binata at may napansin na mukha na pamilyar sa barko. Nilapitan niya ito at nalaman na ito ang crush niya na babae.

"Hindi ba, ikaw yung babae sa klase ko sa _______?"

"Ay, oo, naaalala kita."

"Taga Samar ka din?"

"Oo."

Nagkuwentuhan sila. Nabanggit ng dalaga ang baranggay nila, na isang baranggay lang ang pagitan sa baranggay ng binata. Manghang mangha ang binata sa dalaga at galak na balak na kababayan pala niya ito. 

Nang dumaong ang barko, ay inimbita ni babae si binata na simama sa kanila dahil piyesta. Sumama naman ang lalaki. Isang kotse'ng wala sa panahon pero mamahalin ang sumundo sa kanila.

Pagdating sa baranggay na sinasabi ni babae, Nagtataka daw ang binata dhil kakaiba ang ganda nga daw ng baranggay na iyon. Kakaiba ang atmosphere, kiung baga, iba ang ambience. Normal naman. Mga waray, maraming tao, halata ngang piyesta, nakagayak ang paligid.

Pumasok ang kotse sa isang bakuran ng isang malaki at magandang bahay. 

"Ang yaman pala ninyo," sabi ng binata.

"Hindi naman, Kapitan ng baranggay ang tatay ko."

Pagpasok sa loob ng bahay at dahil sa mahabang biyahe, pinatulog muna siya sa kuwarto. Maganda ang kuwarto, maaliwalas. Mahimbioing na nakatulog ang binata at maluwalhating nagising nang imbitahan na siyang kumain. At hinainan siya ng mga pagkain. Piyesta nga, kaya't pinakain siya doon.

Habang kumakain ay nakikipagkuwentuhan naman ang pamilya ng dalaga sa kanya. Normal na may bisita, may kuwentuhan. Mukhang masasaap ang mga pagkain. Sinimulan na ng binata'ng kumain.

Walang lasa ang pagkain. Humingi si binata ng patis.  Walang lasa. Hinainan siya ng adobo. Pansin na pansin niya na walang lasa ang adobo... samantalang niluto ito sa toyo, dapat ay maalat ito, naaamoy niya ang mga pagkain ngunit walang lasa ito!.

Humingi siya ng asin.

Sa Punto'ng ito, biglang nagalit ang tatay ng babae, "SUMUSOBRA KA NA! KANINA KA PA! KUNG ANU ANO ANG HINIHINGI MO, AKALA MO KUNG SINO KA!"

Pinipigilan ng babae ang tatay niya, pero sa lakas ng boses nito, umaalingawngaw sa buong kabahayan, "LUMAYAS KA DITO NGAYON DIN!!!"

Napapikit si binata, at pagdilat ng kanyang mga mata, NAKASABIT SIYA SA PUNO NG ACACIA SA LIKOD NG BAHAY NILA, ANG MGA GAMIT NIYA AY NAKASABIT SA MGA SANGA NG PUNO.

FYI lang... Mataas ang puno ng Acacia, at ang puno ng Acacia sa bakuran ng bahay ng lolo ni Rose ay nakaawang sa bangin.

Pagkatapos noon, nagkasakit ng malubha ang tiyuhin ng tatay ni Rose at hindi na gumaling. 2 buwan ang tinagal ng buhay niya.


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...