Be One of My Froglets

Search This Blog

Saturday, January 22, 2011

Blind Items.

Uso sa trabaho yang mga blind items na iyan. Nakakalimutan natin ang hirap ng trabaho natin para manghula sino sa mga kasamahan natin ang may chorva, sino ang pumalpak, sino ang gumawa ng kahihiyan.

Mapapatigil talaga ang mundo mo kapag nakakita ka ng blind item. Marami na itong napakain na reporter, at marami na siyang sinirang mga buhay, karera at pakikipagkaibigan...

Napakahilig sa Chismis ng mga pilipino. Nakakainis na minsan. At hindi totoong mga bakla ang palaging chismoso, o mga babae. Mas grabe makapagchismis ng mga TNL... Mga Tunay na Lalaki. Asyus... Mas malala pa mag chismis yang mga yan.



Ehemplo:

Sino itong blogger na ito na depress-depressan ang drama sa facebook at nag stage ng mala world war 3 na away, upang makahuthot ng mega blockbuster na jowa-jowaan para
maipasok bilang take note: 'researcher' sa isang major network sa metro manila? Paano magreresearch yan e nagpapalaki lang ng itlog sa bahay? Kunyari pa daw na "straight" ang drama nito, pero pulos kabadingan naman ang tao sa kanyang facebook, twitter at formspring.


At how true na ang mga "classmates" na dinadayo niya sa malalayong bahagi ng metro manila at kaprobinsyahan ay mga kliyente niya sa pagpopokpok? Guess WHOOO?

I swear, PILIPINO si Gossip Girl
O di ba juicy yung blind item? Ehemplo lang yan. pwede rin ninyong hanapin kung sino yan. Naintriga kayo. Naintriga ako. Naintriga tayong lahat!

Nakakahanap tayo ng libangan sa mga blind items.

Gusto natin na naririnig na may minalas, o may napahamak, may naghihirap, may sinugod ng totoong asawa ng jowa nila, buntis si ganito sa isang lalaking nakachoirva lamang niya ng isang gabi'ng nag bar sila... Nabaon sa utang si ganito at si ganoon... Nag-a-away si ganire at si ganoon, may relasyon kaya sila?

Malakas ang imahinasyon nating mga pilipino.

Kahit hindi sabihin ang pangalan, nalalaman natin kung sino ang tinutukoy natin. Kahit hindi na natin makitra ang litrato ng taong sinisiraan, may nasiraan na sa utak natin. Isa siyang delikado'ng trabaho, at isang napakapangit na libangan.



CHISMIS. Gossip. Ano ba ang meron sa buhay ng ibang tao na hindi pa natin nararanasan sa ating mga buhay? Sobra na ba tayo'ng bored sa sarili nating mga mundo at kailangan na nating poag usapan ang mga biuhay buhay ng ibang tao? Kailangan ba nating takasan pansamantala ang ating mga sariling impyerno upang bisitahin ang impeyrno ng ibang tao?

Kanya kaya lang taong hain galing sa Diyos.

Ako, balang araw, makukuha ko din ang inaasan asam ko na pag-ibig, pagmamahal... at kahit naubusan na ako ng buhok sa aking noo bago pa man nangyari iyon, alam kong totoo, kasi hindi sa buhok ko ako inibig.

Wala bang nag iisip ng ganoon?

Palagi na lamang chismis na "ginanito ni ganun ang ganyan ni ganire," "Inano ni ano ang ano ni ano hanggang nagka-anu-anuhan na ang mga ano nila," "Chinorva ni chorva ang kachorvahan na nagyayari sa chorva ni chos."

At nagtataka kayo kung bakit hindi umaasenso ang Pilipinas, samantalang nauubos ang oras natin kakahanap ng mali sa ibang tao?

Mabuti pa yung chinismis nating blogger, nakagawa ng paraan makakuha ng trabaho... pakelam mo naman kung nagpachorva siya sa matabang bakla para maging researcher, di ba? O ginawa siyang sex slave para mabigyan ng trabaho.

 Balang araw, ako naman ang pag uusapan ninyo. Pasisikatin din ninyo ako sa mga kawalan ninyo ng magawa sa araw araw.  Sooner or later, wala na din ako pakialam ano sabihin sa akin ng tao. Sigiuro yun naman talaga ang kailangan para maabot mo pangarap mo e.

Gaya nung minsan sa MRT, merong ale, mataba, derederecho mambalya, hanggang makasakay nang matino sa kakapitan niyang estribo.

Ganoon tayong mga Pinoy ngayon. Wala na tayo pakialam sa mga taong mababangga natin. Maabot na lang yung patutunguhan natin.

Pero pagdating mo doon, sana masaya ka, walang galit sa iyo, walang gustong matanggal ka sa kinalalagyan mo.


Ewan...
nabagabag lang ako sa mga blind items na nababasa ko.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...