ganda ng legs ni kuya... nakaka urrrh... |
Kasi solo mo ang biyahe.
Marami ang nagsasabi sa akin minsan, "Masyado ka namang mag isip kasi. Relax."
Mahirap ang hindi mag isip kung nag iisa ka. Bakit ika ninyo?
Kasi hindi ka busy makipag usap. Hindi ka busy sa pakikinig sa kasama mo. Wala kang tinatawanan na joke. Hindi ka busy talaga.
Lalo na sa biyahe. Nakaupo ka lang naman, naghihintay na makarating sa patutunguhan mo. Wala ka'ng ibang gagawin kundi mag isip. Minsan,kahit hindi mopag-effortan, dadating at dadating ang mga bagay sa iyong isipan.
Hindi naman ako palaging seryoso. Nagkakataon lang palagi ako'ng mag isa.
Well, UNTIL LATELY, oo.
A lot of people at work are beginning to notice the change in my personality. Maingay ako, pero hindi na yng maingay na naninigaw ng customer, nagsusungit, mainit ang ulo at hindi malapitan. Maingay na ako in the sense na makulit ako, tawa ng tawa saka madaldal.
I had a change of team. So far, it's not perfect, pero hindi naman perfect ang hinahanap ko, e. Kapag naghanap ka ng perfect palagi, hindi ka magiging masaya.
In order to find perfection, you have to make a full conscious effort to be perfect. It's not wrong to find it once in a while, pero to strive to be perfect every single time is a chore. That's why it's called work.
Work is bearable when done as a team.
For the past 2 years, I had been in a team na halos wala ako'ng personal interaction.
Don't say it's not so... Iba yung alam mo ang buhay ko, sa alam mo ang nararamdaman ko. Iba yung nakatabi mo ako at nasabihjan kita kung ano nangyari sa akin, at iba yung nasabi ko sa iyo na naiinis ako sa nangyayari sa akin ngayon.
I had been working for 2 years as an acquaintance to most of my team mates.
That, plus travelling alone for 3-4 hours a day... Hindi ba physically and emotionally nag-iisa ka nun?
Bartolina ang tawag ko sa existence ko that time. I had a work-home-work-home schedule. Mataas ang AHT ko kasi yung mga kausap ko sa phone ang conversations na inaabangan ko. At least, sa kanila, nalalaman ko kung kumusta ang buhay nila, malilikot ba ang mga babies nila? Salbahe ba ang anak nila na masyado kung tumawag o magtext, at natatakot ba sila sa amount ng exposure ng mga anak nila sa web? Kumusta pasko ko?
Meron ako'ng phonecall dati, BUONG pamilya nakausap ko, kasi si Tatay, kahit siya ang nagbabayad ng bills, everyone has a role to play sa subscription niya. may tagabudget ng binabayad sa bills (misis) may taga sync ng iphone niya at taga update (si Ate) at may taga troubleshoot (si kuya).
This is the real reason bakit mataas ang AHT ko.
I had no where else to go for human connection. Apart from that, there's the web. Dito lang ako nakakabalik at nagdi-digress... Although kahit sila, hindi maimagine ang klase ng buhay ko.
Hindi nila maintindihan kung bakit sobrang dinibdib ko na hindi na ako kinausap ni Lukas Pascual. O kung bakit pinagtyagaan ko pang maging kaibigan niya.
I had nothing, because i was travelling alone.
Today, I am lowering my AHT. I am interacting with my team mates. I am sharing.
Masayang bumiyahe nang may barkada, di ba? Maingay, masaya. Buhay ang 3 oras mo na bumibiyahe. Mas masarap marinig ang tunog ng biyahe kung may tawanan.
Alam mo, minsan nga, kung mag-isa ako bumibiyahe, pinakikinggan ko mga kakulitan ng mga bumibiyahe nang may mga kasama. Nakikitawa ako sa mga jokes nila, nakiki 'oo nga' sa mga kwento nila.
Syempre all in the inside. Kalurkey naman yun bigla ako tatawa sa jokes nila from 3 seats away.
I am changing. And people notice the change.
Pero eto... Kahit naman magbago ka na, kung ang ilang tao hindi naman naniniwala sa iyo kasi pinutol na nila ang pakikipag ugnayan nila sa iyo bago nakita ang pagbabago mo... Hindi na sila maniniwala.
Hindi ka na nila kilala e.
Ang siste lang, yung kilala nila, wala na sa mundo.
Sabihin man nila na... "Yan, ganito yan.. ganyan yan..."
Pero nagbago ka na... Sa mata ng mga bagong nakakakilala sa iyo... CHOS> sinungaling sila.
Di baaaaa???
Mabuhay ang taon ng mga kuneho!
No comments:
Post a Comment