Be One of My Froglets

Search This Blog

Sunday, January 23, 2011

Sin Verguenza

Sa lahat ng ayaw ko, yung napapahiya ako sa sarili ko.



Mapahiya ka na sa ibang tao, gaya ng mali ang alam mo, at hindi mo naman alam na mali iyon, o napagkamalan mo ang kung sinong Herodes na kung anuman siya, sa ibang tao, Nadulas ka, nabutas ang pantalon mo, nautot ka ng pagkalakas-lakas. Nahubaran ka ng shorts sa pag ahon mo sa swimming pool o sa dagat.

Lahat ng kahihiyan na iyan, nakakalimutan yan ng ibang tao. Marami silang ginagawa sa buhay nila at hindi na nila pag aaksayahan ng panahon na alalahanin buong buhay nila na minsan habang tumatawa, ay tumulo ang laway mo at hinigop mo ulit. Hindi na nila maaalala na minsan sa PE Class ninyo, ay nag si-sit ups ka at bigla kang nautot, at umalingaw ngaw sa buong gymnasium ang kabag mo. Hindi na nila matatandaan na sa Bus, habang ikaw ay umaakyat, nakakapit sa estribo, pag-angat ng hita mo ay bumukas ang pundya ng pantalon mo.

Pero kung mapapahiya ka sa sarili mo, kahit hindi na nalaman ng ibang tao, mas matindi iyon. Parang ang tanga-tranga mo. Iyon, maalala mo. Paulit ulit na nagpi-play yun sa utak mo na parang youtube clip na naka autoplay.

Yung mga tipo'ng umasa ka sa pagtingin ng isang tao, tapos yun pala
nice lang siya... o kaya SPY pala siya ng kaaway mo, o may gusto lang makuha sa iyo na kailangan niya. Nakakahiya yun sa sarili mo, Kasi hindi mo naprotektahan ang sarili mo sa mga "predators" na katulad nito.

Tapos malalaman mo na nakakuha sila ng trabaho na gusto mo para sa sarili mo, o kaya imbes na ikaw ang may libro, o movie, o contract, naagaw nila.

Nakakahiya sa sarili yun. Na hinayaan mo na makuha nila ang gusto nila sa iyo at ikaw ay naiwan na parang tanga, nakatunganga, walamng pagbabago. Nanakawan ka. Hindi lang alam ng karamihan. Wala kang matatakbuhan dahil IKAW YUN. IKAW LANG ANG APEKTADO.



Sa mga matatanda sa amin ( mga nag eespanyol mga lolo/lola ko) kapag sinasabi'ng sin verguenza, ibig sabihin ay wala kang hiya. Maririnig ko iyan sa Tia Picang, isang matandang dalaga na tiyahin ng mommy ko, lalo na kapag galit siya.

"Sin Verguenza, hijo, hiindi na nahiya!" Tapos ay tatalak na siya ng mga salita na hini ko maintindihan.

Pareho sila ng isa pa naming Tiyahin, si Tia Mihang, madalas ko marinig sa kanila yun. Si Tia Mihang ay nakakabatang kapatid ni Tia Picang. May lahi silang Kastila at Intsik, pero mas prominent ang lahing Kastila, kasi yun ang upbringing nila. Kapatid nila ang Lolo ko si Lolo Emil, na pumanaw bago pa man nagdalaga ang nanay ko. May isa pa silang kapatid na lalaki na naabutan ko, si Tio Cleto. Sila ang magkakapatid na Nieto sa Meycauayan. Noong nawala sila, nabawasan ang naririnig ko magkastila sa amin. Si Tio Cleto, mahahanap mo sa Wikipedia ang pangalan niya kapag hinanap mo doon ang keyword na Meycauayan. Anacleto Nieto ang panagalan niya.


Pero tama na ang Family Tree, balik tayo sa pinag-uusapan natin. Ang mga kababaihan sa amin, (sina Tia Picang at Tia Mihang) doon ko naririnig nag salitang Sin Verguenza.

Sa palagay ko, mas imposed kasi sa mga kababaihan ang kahihiyan kaysa sa kalalakihan. Saka karaniwan na sin verguenza na pinatutungkulan nila ay lalaki. Kapag walang modo, o may ginawa na nakakahiya.

Sa lalaki naman, hindi nakakahiyta gumawa ng katarantaduhan. Nabasa na ba ninyo ang Blog ng Tunay na Lalaki? Nasa Bloglist ko yan, check ninyo mamaya.  Sa blog na yun, pinapakita na ang tunay na lalaki ay hiindi nahihiya sa sasabihin ng kapwa, pasaway, matigas ang ulo, walang hiya o sin verguenza.

Umiihi sa pader, tumatambay sa di pwedeng tambayan, may pagka manyakis, sasabihina ang gustong sabihin...

Marami pa.

Mababaw, oo. Nakakatuwa, oo. Nakakahiya, hindi.

Ang tunay na lalaki, walang hiya-hiya! Yan ay isang linya na narinig ko.

Mas imposed sa kababaihan na maging pino, mahinhin, hindi masyadong pakawala, (konti lang) at hindi madaldal.

Bakit may double standards dito? Pansin ninyo? Mula sa mga lola at lolo ko, hanggang sa blog sa website, imposed ang double standards.

Ano ngayon ang standards ng bading?

Ariel nga daw ang pangalan niya.
Basta gwapo PATOL. Maghanda ng comdom at KY Jelly. Kung panget ka, tipirin mo na lang yang pera mo, HINDI MO MAGAGAMIT.


Don't be fooled, si Heart Evangelista yan sa teleseryeng HIRAM NA MUKHA
MAHIYA KA.

Ampangit ng standarnd ng hiya. Ayaw ko siya.

Kaya mula ngayon, hindi na ako mahihiya. Kapal muks na kung kapal muks, hindi mo buhay ang buhay ko, at hindi ikaw ang mananagot kung hindi ko marating ang kailangan ko'ng puntahan DAHIL NAHIYA AKO.

EMPOWERMENT.

Walang kinalaman ang baklang signboard na ito sa topic, pero natawa ako ditey.


Yang ang new years resolution ko ngayong 2011, kaya PUTANGINAMPAKSYET, GAGAWIN KO ANG GUSTO KO.

Hinding HINDI mo ako maipapahiya sa sarili ko.

BABU. Mga botcha kayo.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...