Be One of My Froglets

Search This Blog

Wednesday, April 7, 2010

Chumorva Ka Na Ba?

Chumorva ka na ba?

Kapag tinanong ka ng ganito ng isang bakla, hindi mo malaman kung ano ang isasagot mo. Ano ba ang ibig sabihin nun? Kumain na ba ako? Nakipagtalik na ba ako? Lumandi? May kinuha ba ako? Uminom?

Andami'ng ibig sabihin ng "chorva" at wala rin yata'ng ibig sabihin nun. Ano ba'ng ibig sabihin ng CHORVA?



Eto pa ang isa: May Tienes ka na ba? Ano ang Tienes? Ang alam ko sa Espanyol, ang ibig sabihin ng tienes ay "you have" o "you feel" isa syang form ng spanish verb na tener. Ibang forms niya ay tengo, tiene, at tenemos. Ganito ang gamit niyan: "Tengo sed"- Nauuhaw ako. "Tengo calor" - naiinitan ako. Kapag inisip mo, walang sense itanong kung may tienes ka kasi literally, sinasabi mo na "meron ka bang meron?"

Ang Chorva naman, hindi ko alam kung ito nga ang pinanggagalingan nito, pero si Jolina Magdangal ang pinaghihinalaang promotor ng salitang yan. Naaalala ba ninyo na may pelikula sila ni Marvin Agustin na ang tawagan nila ay Chuvachuchu kung saan ang pagsasabihan nila ng "i love you" ay ocho, kasi 8 letters yun?. Ang salitang Chuvachuchu ay pinaikli sa salitang "Chuva" at di nagtagal, ipinanganak ang salitang "Chorva."

Noong nagtatrabaho pa ako sa People Support at hindi pa siya Aegis noon, may manager kami na ang pangalan ng Shih Tzu niya ay Chorva.

Naghahanap ako ng diksyonaryo ng Gay Lingo. Mahirap humanap nito kasi iba iba ang ibig sabihin ng iba't ibang salita, at iba-iba ang forms nito samantalang iisang salita.

For example, ang salitang wala - Waley, Wiz, wes, wa. Ito - itey, itis, itits, itesh. Magkakatunog man ito, depende na lang siguro sa nagsasalita.

Noong uso ang mga namamaka sa baranggay namin, may isang barkadaa ng mga tambay sa may kanto na bagamat malalaking barako, at mga tomador, kung magsalita ay gay lingo.



Imagine mo ito, isang lalaki na matipuno, gwapo, at lalaking-lalaki kumilos at pumorma, naka-sando at umiinom ng isang litro'ng Red Horse, nagkukuwento sa mga barkada niya sa tindahan. Malaki at lalaki'ng-lalaki din ang boses nito kung makipagtawanan, at biglang lalapit sa tindera. Ngingiti ito na mala debonaire na ngiti, at pakindat kindat pa, at sa mala bedroom voice na gwapo'ng gwapo ang dating, parang announcer sa radyo, sasabihin,

"Julie, wiz na muna akez paysung nitong bote, ha? Wala pa'ng anda ditey, hintayin ko ang mudra at pudra, ilista mo muna itesh, ok?"
Sasagot naman si Julie, "Planjing, mudra, tomorrow is another day!"
Sabay apir.

Naintindihan mo ba ang sinabi nila? Ako, hindi.
Siguro nga may isang diksyunaryo na pakalat kalat dyan. Kasama na rin siguro ng tanong na, "Bakit dumadami ang mga bading samantalang hindi naman sila nanganganak?" ang tanong kung saang lupalop nadevelop ang salita ng mga bading?
At paano sila nagkakaintindihan?
pag nakikinig ako kay Nicole legiala, nalulurkey ako na equivalent sa pagkabrokot. Na-u-urr ako kapag kajowaan na ang pinag uusapan nila. Mas payak pa ang gay lingo ni Mr. Fu, samantalang siya ang tunay na bading.



Ang totoo, nakakaaliw talagang pakinggan ang gay lingo. May dulot itong kakaiba sa pandinig. Meron akong blog na madalas basahin, ito yung Baklang Maton in the Suburbs. Salitang Bakla ang lenggwahe niya sa blog niya. Nakakadagdag aliw din na puro kabaklaan ang kinukuwento niya.
Makulay nga naman talaga ang buhay ng mga bakla. Madali'ng mainlove, madaling mag-init ang ulo, bunga ng mga pills na iniinm ng iba para tubuan ng bukol, este, boobs sa dibdib. Madami sa kanila ang very expressive at very colorful ang pananalita. Marami sa kanila ang akalain mo'ng parang walang problema sa mundo, kaya maraming bading ay komidyante.
Dahil sa mga katangian na nabanggit ko, siguro ngayon hindi na ako magtataka kung bakit nagkakaroon ng Gay Lingo. Sa Katalentaduhan ng mga bakla, hindi malayo na makabuop ng bagong dialect sa Pilipinas ang mga ito.

Ikaw, "Chumorva" ka na ba? Witchells, my dear. Wis pa.
 
 
 

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...