Hindi ako makapaghintay makabalik sa dagat.
Oo, pota, SIRENA AKO.
Taong 2008 nang huli ko masilayan ang isla ng Potipot. Binalak ko'ng bumalik noong kaarawan ko pero hindi natuloy. Bukas ng gabi, matutuloy na ako. Makapagpapahinga na rin ako ng 3 araw na derecho. 2 linggo na rin akong tig isang araw lang ang pahinga. Pagod na pagod na ako.
Kakaibang pahinga ang binibigay ng dagat sa akin. Malawak siya. Malawak ang kanyang pag unawa, na parang siya lamang ang makakaintindi sa akin. Wala siyang ikinukubli--- ang asul na langit at ang asul na dagat... ulap sa pagitan... Dagat hanggang sa maaabot ng pamningin mo.
Lalo na kapag nakahiga ako sa tubig, nakalutang lamang sa kawalan, nababalot ng hindi maipaliwanag na pakiramdam habang nakatitig lamang sa walang hanggang kalangitan. Pakiramdam ko, nakahiga ako sa palad ng maykapal habang nakatingin Siya sa akin... Nakangiti.
Yun lamang ang pinakatahimik na pakiram,dam na naaalala ko.
Maraming tumakbo sa isipan ko nang namatay si Mars. Nalungkot ako ng milya-milya.
Ang sinasabi ko sa sarili ko mulanang magkamalas malas ang buhay ko... ilang manggagamit na ang dumaan sa akin na walang iniwan ni isang bahid ng ikatutubong muli ng respeto ko sa sarili ko. Napagtanto ko na sa buhay, maagrabyado ka minsan, WALANG MAKAPAGTATANGGOL SA IYO KUNDI ANG IYONG SARILI.
Ilang beses ko nang napatunayan na sa pinakamahihirap na bahagi ng iyong buhay, wala kang maaasahan. Walang magtatanmggol sa iyo. May sari-sariling takot para sa mga sariling intensiyon ang mga kaibigan mo, pay mga interes na pinoprotektahan.
Noong kinokundena ako ng mga kaibigan ko... Si Mars lamang ang nagpalakas ng loob ko. Hindi inaasahan, Hindi hinihingi ang kanyang pagmamalasakit... ibinigay niya iyon nang hindi ko namalayang para na siyang iliksir na nagpapalakas ng loob ko ng unti unti.
Sa maikling panahon, natuto akong ngumiti uli.
Babalik ako sa dagat.
Malay mo, pagbalik ko, wala na akong trabaho.
Malay mo, may bago na namang bersiyon ng isang malikhaing kuwento ang naikalat tungkol sa akin.
Malay mo, Nakuha na ng ibang tao ang mga loob ninyong nagbabasa ng blogelya ko at hindi na ninyo basahin kung anuman ang naisin kong isulat.
La Forza della Naturaleza... Alam mo kung ano iyon?
Parang dagat... Isang pwersa... Nakamamatay ang galit nito. Maaaring bawiin ang maraming bayan nang sabay sabay o sunud sunod. Ni hindi mo kailangang nasa dagat o dalampasigan upang patayin ng dagat.
Ngunit sa dagat din nagmula ang kung anumang buhay na nakikita natin ngayon. lahat ng magaganda at nakabubuhay na bagay, ang pinagmulan ay ang dalampasigan.
Babalik at babalik ako sa dagat.
At wala kang magagawa... Katulad nang wala kang nagagawa kung masaktan man ako o matuwa ako. Gaya nang wala akong gagawin dahil wala kayong gagawin.
Walang gagalaw.
Ang gumalaw, TAYA.
No comments:
Post a Comment