Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Tuesday, May 3, 2011

MALIGAYANG ISANG TAON SA IYO

Nahihilo pa din ako sa kinain ko kanina.

Nagpapaka exotic na naman ang gunggong kong kapatid, nag eeksperimento ng mga bagay para asunin kaming lahat. Pakiramdam ko  sumasahimpapawid na naman ang Blood Pressure ko ng sanlaksang ulit at kalahati.

Sabayan pa ng Nawalan ng pera ang pamangkin ko, nanghihingi ngayon ULIT sa akin ng pera. Hindi naiintindihan ng mga tao dito kung gaano kalaking pressure ang dinadala nang hindi ko malaman kung may trabaho pa ako sa kalagitnaan ng Mayo o magugutom na kami'ng lahat.

Mga abusado kasi, akala nila pwedeng sa akin na sumandal. Wala naman akong masandalan. Sinira nila kanya kanya mga buhay nila, tapos iaasa sa iisang tao ang karaniwang araw nila.

MAMAMATAY ako dito, sigurado ako. Ikamamatay ko kung ano kinamatay ng tatay ko: SAMA NG LOOB.

Sana ibang dahilan na lang ang ikabilis ng takbo ng dugo ko. Gaya nito:


Paksyet, GOOD CHOLESTEROL yan.



Noong isang taon, ganitong ganito din ang scenario ng buhay ko, nang mag decide yang gagong KUPALPOID na yan na deadmahin ako dahil sa chismosong mga baklang kaibigan niya sa FB. Kung kailan kailangan ko ng kausap, ipagtatabuyan ka at pagpaparinggan sa FB wall mo.

Panahong ito nang inunfriend ko siya.

Katatapos lang naming mamasyal sa Quezon noon. Pagkahirap hirap kumuha ng leave, pero para lamang masundan ang KAPRITSO ng bakulaw na iyon, sinunod ko, pinagpilitan ko ang leave. Kahit may problema pa ako sa opisina, kahit mainit pa dugo sa akin ng mga tao dun, kahit may umaasa pa din sa akin sa bahay, wapakels. GO.

PAGBINTANGAN PA BA NAMAN AKO NG KUNG ANU ANONG KAHALAYAN, IDENY PA NA HINDI DAW AKO KAIlANGAN, WALANG TULONG NA IBINIBIGAY.

PAKSYET. PAKSYET KAYONG LAHAT.

Matapos noon, BAWAS na ang mga kausap ko sa FB, at 6 na buwan akong nanahimik... nagpaka antisocial.  Bakit? WALA NA AKONG TIWALA SA MGA TAO, e.

BAD CHOLESTEROL na matatawag ang mga kaibigang katulad niyan.

Kanya kanyang sulutan, porke may mga gusto kayo sa kaibigan ng may kaibigan, pinaghinalaan ninyong may namamagitan sa kanilang dalawa, piliot pinag away, tapos, magtataka kayo kung BAKIT AKO GANITO?

PUTANG INA KAYO.

ANIM NA PUTANG INANG BUWAN AKONG WALANG INASAHAN SA INYO.

Tangig ang Blogelyang ito ang naging kanlungan ko kaya't huwag na huwag ninyong sabihing masama akong tao. SINO BA ANG KAKAMPI KO NOONG NAGAAWAY KAMI?

MERON BA?

SINO BA SA TINGIN MO ANG TOTOONG NASIRA?

IKAW???  E SINO BA ANG NATANGGAP SA TRABAHO NANG GANUN GANUN LANG? Ganda mo teng, wala kang diploma, ni hindi mo ginamit ang totoo mong pangalan, may trabaho ka.

ANAK KA NG DIYOS E. Sana KUNIN KA NA NG TATAY MO.

Isang taon kaya mong tikisin ang tanging taong nakinig, kumunsinti sa katopakan mo. Sa kabila ng lahat ng pagod, pag aalala at pagturng na parang tunay na kapatid, TINARANTADO MO PA.

IBINIBINTANG MO SA IBANG TAO ANG KASALANANG IKAW ANG GUMAGAWA.

BAWAL NILA LAHAT GAWIN ANG MGA BAGAY NA ARAW ARAW MONG IPINAPAKITA.

Ikaw ang tunay na larawan ng KAIPOKRITUHAN.

MALIGAYANG ISANG TAON SA IYO.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...