Death Anniversary ng Dad ko today. Nakaugalian ko na na every April 28, tungkol sa kanya ang isusulat ko. Pitiong taon na siyang namayapa, pero kahit hanggang ngayon, kapag pala magulang mo ang nawala sa iyo, kahit independent ka na sa kanya kahit nung buhay pa siya, napakalaking impact pa din, ano?
ayokong magsenti today. 2 yeaars na akong senti ang kuwento kapag kamatayan ng dad ko ang kinukuwento ko. Bakit nga naman kasi mas naaalala mo yung mga bagay na masasakit kesa yung mga masasaya?
Gwapo ng dad ko. He has olive skin, anice eyes, and a small nose. lalaking lalaki itsura niya. He was about my height. Sinasabi nila kamukha ko daw ang tatay ko, pero hindi ko naman maramdaman yun, gwapong gwapo ako sa daddy ko kasi kahit nung maliit ako.
Sabagay kahit sino naman, sasabihin gwapo ang tatay nila.
Naaalala ko na nung teenager ako, pinakuha niya ako ng student's permit sa pagda-drive at tinuruan ako magmaneho ng sasakyan. Nagmomotor na ako noon, pero syempre, iba yung pagmamaneho. Saka sa opinyon niya, kelangan marunong magmaneho ng kotse ang isang lalaki (hindi pa niya alam na bading ako)
Unang lesson: ATRAS-ABANTE. Inatras ko ang sasakyan. Good. Inabante. DERE-DERECHO KAMI SA PUNO. Pumremno ako nang mga 1 inch na lang ang layo namin sa puno ng duhat. Halos tumalon mula sa sasakyan ang tatay ko, Mura ng mura. HUwag na daw ako magmaneho kahit kailan.
Kaya hanggang ngayon, hindi ako marunong magmaneho ng kotse.
Meron namang mga panahon, pinapaulit ng daddy ko ang damit ko. Marami siyang ayaw na isuot ko. Masyadong malaki, masyadong down dressing. Kung papipiliin siya, kailangan naka slacks, leather shoes at polo shirt ako pag lalabas. Siya din ang nag introduce a akin sa pomada. (OMG ambaho)
Maganda ang boses ng tatay ko. Kapag linggo, dalawa sila ng mommy ko na maririnig mo kumakanta sa kusina sinasabayan ang mga lumang kanta sa radyo. Paborito ng dad ko ang kantang Viincent. Siguro nga may konting sayad sa iutak ang dad ko, lalo nung narealize ko kung ano ibig sabihin ng kantang iyon. He was depressed for most of his life and I've never seen him sleep on time.
Insomniac siya. kaya bale wala na magpaumaga ka kapag lumabas ka, kasi gising pa din siya pagbalik mo.
I love his leche flan. It's firm, yet sooo creamy. Namatay siya nang hindi naituturo ang sikreto niya sa kahit sino sa amin. Kaya Kapag nakakakita ako ng leche flan, I remember him... Tapos tinitiukman ko talaga. I'm so critical of leche flan, it is the only dish that you can't serve to me kpag hindi ka pa confident sa luto mo.
Namana ko init ng ulo ko sa tatay ko. That's probably why sinasabi nila na ako daw ang most likely nakamana sa ugali ng tatay ko.
Artistic ang Daddy. Hanggang nung 7 years old ako, iniinsist niya na siya gumawa ng mga arts and crafts ko kahit magaling na ako dun. Alahero kasi siya, kaya pulido gumawa. Pero for some reason, ayaw niya ako mag Fine Arts. Nag away kami doon. Doon kami hindi nag usap ng matagal na matagal.
Siya din nagturo sa akin kumuha ng litrato. Portraits ang style niya, kailangan ayos na ayos ang kukunan mo. Ako naman, stolen, saka still life, landscape. Galit na galit siya sa akin nooon, kasi film pa ang camera noon, SLR ang gamit ko. Sayang daw sa film, GAGAMBA lang naman ang kinukunan ko ng picture.
Andaming bagay na lalo nung nakabukod na ako sa pamilya ko, sa Makati, narealized ko na katulad ako ng tatay ko. Mga maliliit na bagay, mula sa paano mag ayos n bahay hanggang sa paano iwan nakakalat ang gamit.
Bago namatay ang dad ko, ugali niya na makipanood ng movie sa DVD ko sa room. Naiwan ko ang isang porn na pambading. He never told me about it, until nng naospital na siya.
Pucha, kaming dalawa lang nasa room, akala ko aatakihin siya.
Yun pala matagal na niya alam. He gave me advice.
Paano ako inadvice ng tatay ko sa pagiging bading?
Alamin sa susunod na kabanata! wahehehe
No comments:
Post a Comment