Kagabi, after a long time, sumama ako sa procession ng Good Friday just as I have eversince I was 16. May Poon ang tiyahin ko, Ang Pakikita ng Panginoong Hesukristo at ng Kanyang Nagdadalamhati'ng Ina (We have a penchat for long titles, you noticed?)
Salamat sa Cofradia dela Santa Vera Cruz sa retrato; ayaw matransfer nmg pics galing sa iPod ko |
I would also need to let my family fend off for themselves. malalaki na sila. magagalit sila, oo, pero ano magagawa ko? Paano kung bukas, makalawa, mawala ako? Kita mo Si AJ, yung artista, gone in just a flash. A van full of people, siya lang ang kinuha.
Naalala ko ang sinabi ng isang kaibigan na dala ko sa prusisyong ito noong isnag taon, pero upang manood lamang, Huling narinig ko sa kanya ay gusto niyang makausap ang Diyos at sabihin, "I DON'T DESERVE ANY OF THIS."
Habang nakatingin ako kay Kristo'ng may pasan ng krus, kaharap ang kanyang Nagtatanong na Ina, "DID HE?"
Napailing na lang ako, at naisip ko ang naisulat ko rin dati dito sa blog ko na sagot sa aking kaibigan, "EVERYONE DESERVES WHAT THEY GET."
Ikaw ang may kasalanan ng iyong kahapon at ang may kapangyarihan ng iyong kinabuukasan.
So there I was, humihila sa Karo ng Poon, Thinking, "Bahala na Kayo sa akin..." without really understanding HOW... Natapos na't lahat ang prusisyon, and I joined my Mom, and the kids sa bahay ng tita ko for dinner.
Nandoon yung kapitbahay namin, si Tita Dely, at dumaan ang iconic Santong Gapos sa labas ng bahay... Naikuwento ko ang history bakit solo'ng binubuhat patawid ng ilog ang Santong Gapos.
Ang Santong Gapos (lahat ng Poon o Rebulto sa amin, may pangalan, may title yan.) ay isa sa pinakamatandang Poon sa Meycauayan. Ito ay maaari lamang itawid sa ilog papuntang simbahan kapag Mahal na Araw, never on any other occasion. Inaalis siya sa karo niya nang mag-isa, at iilawan sa pamamagitan ng sulo pagkatapos ng prusisyon, at itatawid sa ilog sa isang sisidlan na binubuhat ng 4 na tao.
Habang kinukuwento ko iyon sa aming kapitbahay, biglang napatigil si Tita Dely at tinanong sa akin, "Sa japan ba, May mga ganito sila?"
"Hindi po Katoliko ang nga Hapon, e."
"Buddhist po sila, "Dagdag ng kapatid ko. Well, Shinto, isip ko. Iba pa din ang relihiyon nila.
Dinagdag ni Tita Deli ang punto niya, "Naalala ko kasi sina Edgar, at isang ale na kausap ko palagi, lalo nung nagkasakit ako, lumipat kasi sila ng relihiyon. Naalala ko na dito, andami nating paraan para ipakita ang pagmamahal natin sa Panginoon, at hindi tayo pinapabayaan. Mapalad tayo kaysa sa Japan, May tsunami at lahat, nilagpasan tayo ng mga alon."
Tama si Tita Dely, May mga namatay sa Hawaii at hanggang California nakarating ang tsunami, pero TAYONG KAPITBAHAY HALOS NG JAPAN, walang namatay.
Isa sa pinakamalakas na pagsabog ng bulkan sa buong mundo ang Pinatubo, pero may maraming namatay sa ibang lugar, kung ang pinag usapan ay pagsabog ng bulkan.
Pinakamasaklap na ang Ondoy sa atin, pero mas malala ang pinsala sa tingin ko, sa Australia itong umpisa lamang ng taon.
"Walang mayroon ang mga Pilipino kundi ang pananampalataya nila," dagdag ni Tita Dely.
At napaisip ako.
May mga taong walang wala pero nakukuhang ngumiti, nakukuhang magsaya. Kaya mga tambay sa kanto, mga gala sa lansangan pag gabi, nakukuhang magsaya, Wala silang ibang pag-aari kundi ang optimism nila na 'bukas, buhay pa ako.'
Meron ngayon, wala bukas, pwede ring wala ngayon, meron ka na bukas. Gulong lang ng buhay yan. minsan nasa itaas ka, minsan nasa ilalim.
At habang naririyan ang gulong, walang dapat ikabahala.
Dear Lord, Ikaw ang gulong ko. sa iyo ako ngayon umaasa. Ikaw na ang bahala sa akin.
No comments:
Post a Comment