Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Sunday, March 27, 2011

Teteng Tigasin


Nag iinit na naman ang pakiramdam ko. Madaling mag init ang ulo ko. Ayokong nabibitin kasi. Tangina bakit kasi ang daming gwapo sa paligid? Ultimo makaamoy lang ako ng sariwang pawis ng lalaki, tumu-togoinks na si chenelyn gargles ko. Jutanginang jijiera tong jutotoy na itey! Kalerki ever, pramis! (translatioon: tanginang titi ito, tigas na lang palagi!)

Ang problema nito, walang reliever ang sundalo ko. Kelangan na niya ng masahe. Kelangan niya ng tender loving touch na may kasamang Johnsons Baby Oil o KY Jelly. Kelangan niyang sumabog, magkalat at lumura, kelangan niyang maligo sa sariling katas at saka pa lamang siya matutulog ng mahimbing.




Ano kaya ang pakiramdam ng mainit na dila sa hubad na balat? Mainit kaya ang hininga ng buhay na bibig na mariing hahalik sa aking dibdib? magaspang na dila kaya ang sasalubong sa sarili kong dila? mainit ba ang katawan mo'ng dadantay sa akin?

Down boy, down... walang magpapakawala ng tubig sa DAM. Damn it!

Yun ay ang kalamnan kung kaya lamang niyang magsalita.

Iba ang sinasabi ng kontrabidang puso.

Gusto ng puso na may hahaplos sa aking mga takot, magpapalakas sa aking loob at magbibigay ng pakpak sa aking mga pangarap. Gusto niya ng halik na galing sa isang taong mahal niya, at mamahalin siya. Ayaw niya ng parausan, bayaran, ng panandaliang aliw. Ayaw niya ng pangkamot lamang ng kati. Gusto niyang umulit, umulit, na ang minsan ay di minsan lang, ang ngayon ay walang iisang tuldok lamang.

Gusto niya ng magpakailanman.

Sumimangot ang Jijierang jutotoy, "Ang arte mo naman."

"Gusto mo lamang labasan," sabi ng puso, " pero pagkatapos, sino'ng yayapos sa iyo habang nakatulog ka na?"

Kulang ang pagtatalik kung hindi tutuldukan ng halik, yakap at wika ng pagmamahal.

Marami diyan, kabi-kabila ang chorva... pero ang pag-ibig akala mo paruparo sa parang, mahirap hulihin. Pagkatapos mong habulin ang napakagandang paruparo, malalaman mo na lamang na hindi ito magtatagal sa mga daliri mo. Huhulas ang mga pakpak nito. Malalaman mo rin na ang mga paruparo, hindi nagtatagal ang buhay.



I-google mo, gurl, kung ayaw mo maniwala..

Ganoon ang pag ibig. Ang hirap hanapin, tapos, pag nakita mo, hindi rin pala magtatagal. Bakit ika ninyo? Bastos na kung bastos ang sagot, pero ito ang totoo:

Sex ang basehan ninyo, mga bakla kayo. Pag hindi na siya masarap sa kama, para siyang chewing gum na iluluwa ninyo  at papalitan ng bago. Kung hindi naman, kahit wala na siyang lasa, dadagdagan mo na lang ng bago sa loob ng bibig mo. Pag wa la na ding lasa, isa pa... at isa pa... at isa pa...

Hanggang nalimutan mo na kung bakit mo isinubo ang unang stick ng chewing gum. Gusto mo na lamang UBUSIN ang laman ng pakete.

Hindi ka rin naman nabusog.  Gutom ka pa. 

Gusto ko ng gusto ng puso ko, pero galit na si Chenelyn Gargles...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...