Nalaman kong sa lahat ng mga cast ng original na Wizard of Oz (1939, MGM Studios), si Billie Burke (Glinda) lang pala ang first choice na lumabas sa movie. Si Shirley Temple ang una nilang inisip para sa role ni Dorothy Gale, at hindi si Judy Garland (Hindi pala naimpress ang mga producers sa boses ni Shirley Temple), Ang orig na Tin Man (Buddy Ebsen) ay nagkasakit dahil sa makeup niya at pinalitan, at maganda dapat ang Wicked Witch of the West (Gale Sondergaard), at nang hindi umubra at dapat daw panget ang wicked witch, binigay kay Margaret Hamilton.
NOSEBLEED ALERT.
Sige, tatanggalin ko na yng plangganang nilagay ko sa ilalim ng baba mo para pansalo ng laway saka dugo, At eto na yung point ko:
Sa laksa-laksang videos at clips na pinanood ko magdamag, habang nakikinig ako ng version ni Bob Marley ng "Somewhere over the Rainbow" (yes, may reggae version si Bob Marley) ay nakapanood ako ng isang rare episode ng Judy Garland Show.
Sabi ni Ray Bolger, ang nagplay ng Scarecrow, and sabi sa kanya ng nanay niya, ang Story ng Wizard of Oz ay parang buhay.Sa stoory kasi gusto ng Lion ng tapang, ng Tin Woodsman ng Puso at ng Scarecrow ng Utak, sa bandang huli, nalaman na mayroon pala sila ng lahat ng ito.
Tayo ding lahat, binigyan ng Utak, Puso at Tapang para maabot ang kayamanan sa Dulo ng Bahaghari. Ang kayamanang iyon ay isang Tahanan (There's no place like home) at ang buhay ay pagbubuo ng isang tahanan, marami man tayong makilala at matutunang bagong bagay, babalik pa rin tayo sa ating tahanan.
Kausap ko kagabi ang isang chatter at pinag-uusapan namin ang pagmo-move on.
Kung makikita ninyo sa mga nakaraang blogs ko nung nakaraang taon, malimit na pag usapana na wala akong CLOSURE sa mga pangyayari sa buhay ko. Ang taong ito ay tulad ko so many months ago, hindi makapag move on, hindi makapagbuo ng buhay niyang muli.
Naihalintulad ko ang AMING sitwasyon sa isang nasunugan at sinasabi ng mga tao na umuwi na siya. Saan ka nga naman uuwi kung nasunog na ang bahay mo di ba?
Dalawang bagay: Gagawa ka ng bagong bahay, o hahanap ka ng bagong matitirhan. Dahil sa bandang huli, IKAW rin naman ang tahanan. Sa iyo din naman mag-uugat nag lahat ng bagay na magiging mahal para sa iyto. Ikaw at ikaw pa rin naman ang iibig, iibigin at tatahak sa bago mong buhay.
Home is always where YOUR heart is. It is never a place. It was never the house, or your garden. It isn't even the people you live with... because HOME springs out from your heart. Your heart creates your home.
Habang pinapanood ko ang Wizard of Oz, naiisa ang puso ko sa lahat ng mga bakla sa universe na umaawit ng Somewhere Over the Rainbow at marahil sa sinabi'ng iyon ni Ray Bolger, naintindihan ko na kung bakit mahalaga ang kanta at pelikulang ito sa maraming maraming tao.
Kaya siguro mas grounded na ako sa sarili ko. Kaya siguro nasasabi ko na sa ibang tao na may choice sila pagkatapos na maguho ang mundong kilala nila. Lahat nagagawa ng Utak, Puso at Tapang. Hindi mo na nga kailangan ng maraming hokus pokus, sabi nga ni Glinda, the power to go home was all in you all along, you just wouldn't have believed it if someone told you.
At dahil dyan, I can post this picture I promised when I finally felt the change. Hindi man itsura ko ang nagbago, alam kong babaguhin na ng puso ko ang buhay ko.
2 comments:
ay, peacock (ang ibon na ang cock ay singlaki ng pea? just kidding!) talaga.
Ron, kung inipon ko siguro ang mga bits of wisdom na napulot ko sa blog about moving on, blah-blah-blah, nakabuo na ako ng isang nobela at pwedeng-pwede ko na sabihing ready na ako mag-lead ng "Discover Your Pain" retreat nang bonggang-bongga.
but nothing opened (or re-opened) my eyes about loving-and-losing than your quip that: "we have to love ourselves first."
Aww, that is such a wonderful comment.
Thank you.
Now, learning wasn't easy, I realized matigas nga pala talaga ang ulo ko, at hindi sa ibaba. Joke. Matigas din palagi un.
I mean, clues were all over the place, yet I chose to look at my loss.
Post a Comment