Nakatulala ako sa kawalan bago isulat ito.
Madalas ganun ko simulan ang araw ko... nakatulala, nililinis ng anumang basura ang aking katinuan bago ko gain ang mga bagay na kailangan. Kinakalimutan ko ang mga bagay na hindi ko kailangan upang lubos kong magampanan ang aking bahagi sa araw na ito.
Mahalaga ang katahimikan sa kaluluwa. Masyado'ng maingay ang paligid, pati ang kaluluwa natin, maingay. Sumisigaw ang galit, umiiyak ang pagkabigo, tumatawa sa kaligayahan. Lahat nityo, bahagi ng pagkatao natin, dekorasyon sa ating kaluluwa.
Ngunit minsan kahit sarili nating pagkatao ang lumilikha ng palusyon sa ating kaluluwa. Kaya mahalagang tumahimik muna.
At tumulala.
Pagkatapos nito, isa-isang papasok ang mahahalagang bagay na kailangan mong maalala, kailangan mo'ng unawain... kailangang inintindihin.
Hayaan mo muna akong umupo rito at tumulala.
No comments:
Post a Comment