Hindi ako "in character," atche. Nakainom ako at hindi naman lasing na lasing. Enough lang para makapanghipo ako ng isang nakatabi ko at sapat lang para ihinto ko doon. Tipsy enough para payagan ang kalat sa loob ng kuwarto ko pero sapat lamang para magligpit din pagkatapos.
Oo, at derecho pa din ako mag-type. Nasa ulirat pa ang aking utak at alam ko ang nangyayari at sinasabi ko. Alam ko'ng kapag may ginawa ako ngayong gabi na ikatutuwa ko ay maaari kong ikalungkot kinabukasan. Hindi ako tanga at lalong hindi ako bobo.
Kaya lang, merong mga tao'ng kahit hindi nakainom ay gumagawa ng kahihiyan.
Iba iba ang mga tao pag nakakainom. May umiiyak. May kumakawala. May nahohorny. Ako,
tumitino ang utak ko pag nasasayaran ng alak ang esophagus ko. Malinaw mag isip ang kukote ko kapag nakakainom (huwag lang sobra sobra) Kaya magandang nakakainom.
Para siyang brake fluid, parang liquid sosa. Malayang dumadaloy ang mga bagay na nagpupumilit kumawala sa aking guniguni at dumapo sa isang pahina sa computer. Feeling ko ako ay isang Genie na pinawalan sa isang botelya, naglalamiyerda sa himpapawid, sumisirko sirko sa ere hanggang makuha ang tunay na anyo nito.
BUT WAIT. Ang Genie ay alipin ng sinumang humimas sa botleya niya.
Cue in Britney:
Saya ni mare'ng Britney ano? Yan ang parang lasing. Wala'ng preno ang self-expression. Hate her, love her, she doesn't care.
And so won't I.
I actually am NOT a genie. Sabi nga ni Christina Aguilera, "I'm a genie in a bottle, you gotta rub me the right way." See, even genies need to be pleased.
Bottle that I am, I am a bottle of soda, shaken till it's ready to pop. I want to write about a lot of things, but they're clumped up in a tuft of fluff in the corner of my brain. Alcohol kinda frees them.
You see, para lang may maliit na kuting sa loob ng utak ko... and my ideas are a ball of thread.
No comments:
Post a Comment