Be One of My Froglets

Search This Blog

Sunday, February 7, 2010

Isa Akong Dambuhalang Iyakin

Oo, isa akong dambuhalang iyakin. At take note, hindi mo ako makikitang umiyak ni patak in public. Ugali kong hiyain ang sarili ko sa kakangawa in my own little loneliness.



Swerte ka pag nakita mo ako'ng lumuha.

Sabi nga sa mga James Bond movies, "Never let them see you bleed."

And always have an escape plan. Kaya kapag feel ko na na hindi ko na mapipigilan ang Niagara Falls, e-exit na ako na mala-stealth, ninja ini, bago pa kayo makakita ng umiiyak na Shrek.

At take note, hindi mo ako mapapaiyak ng uber-mega-extra-to-the-max-powerful drama. Pagtatawanan ko lang ang mga "Oo, ate," at mga "Magdusa ka" moments. Napapaiyak ako ng mga simpleng bagay. Napanood sa commercial, (oo, mga putanginang TVCs na yan, anlakas magpaiyak!) katulad na lamang ni Gina--hindi, karen po... pesteng lolo yan, palagi na lang akong pinapaiyak... eto nga, hiindi ko pa mandin napapanood, naaalala ko pa lang, naluluha na naman ako. Yang Lucky Me commercial na "Never say die! Tomorrow is another day!" Tanginang bata yan, umpisa pa lang ng shots, naiiyak na ako pag nakikitang umiiyak sya dahil hindi nasali sa basketball team... (may uniform pa naman siya.) Naalala ko, hindi rin nila ako pinapasali sa mga laro dati.






Meron ding mga kanta na sobra kung magpaluha sa akin.

Noong una kong narinig ang "Tulog na" by Sugarfree, hindi ko siya makanta ng derecho. Paano tuwing kakantahin ko siya naiimagine ko na may kumakanta sa akin nun, naiiyak ako (kahit ako lang naman ang kumakanta sa sarili ko).



Pinapatugtog dati ng ex ko para sa akin yung "You'll Be Safe Here" ng RiverMaya. Lagi akong naiiyak lalo na ngayon kasi he did not make me feel safe at all.



Ang mega blockbuster na nagpapaiyak sa akin ay ang Disney song na "Someone's Waiting For You." Powerful yang kantang yan. Kailangan iwasan sa mga record bar, at never ninyong ipapadedicate sa radyo. Promise.



Pero, iniisip ko, bakit ba ako napapaiyak ng mga ekesan at mga kantang ito? may common denominator ba silang lahat? May kinalaman ba ito sa aking past lahat niyan?

Una, hindi naman mababaw talaga luha ko. I'm sure, pag may nagtry na paiyakin ako ngayon na sinabi ko sa inyo ang "Kryptonite" ko, hindi ninyo ako mapapaiyak. Pero kapag nag iisa na ako, at biglang nagplay ang any of the aforementioned audios and videos... ay, putangina. Niagara falls itechiwa.

Kayo, ano'ng tingin ninyo?

PS:  tanginang B;log episode ito, maikli naman pero ang tagal ko isulat, paano bawat kabit ko ng link, nagpi-play yung video or song, naiiyak ako, kainis!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...