Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Friday, February 12, 2010

Naglibog ako.

Ang NAGLIBOG ay Cebuano term for the word "Nalilito." Sana lang I got just enough attention pero hindi kayo nadisappoint na hindi talaga tungkol sa kalibugan ang blog entry na ito. Fitting title, really kasi andaming misconceptions ang kinaiiritahan ko right now... not necessaarily the people who are confused about me... but the confusion itself lang talaga.



Naaalala pa ba ninypo yung commercial ng Coke na may chanting saka may gestures? Yung pabilis na pabilis na nakakalito na KAHIT KAILAN yata hindi ko na-master?



ITO ANG BEAT
SABAY-SABAY
ITO ANG BEAT
BAWAL SABLAY

PABILIS NG PABILIS
WAG MAG MI-MISS
WAG NAG MI-MIX

GETS MO NA? GETS KO NA!!

*AAAAAAAHHHHH!*

COCA-COLA!!!

NALILITO, NALILITO
NAHIHILO, NAHIHILO

COKE KO TOH!
COKE KO TOH!
COKE KO TOH!!!

Intro pa lang iyan. Wag ka masyado mag dwell sa Coke Commercial na iyan kasi ang totoong issue dito, AKO. Nakakalito ba ako talaga? Worried lang ako, kasi ayokong nawawala ang mga kaibigan ko kapag sinasabi ko ang totoong sexual preference ko.



Nabanggit ko na minsan, (at sorry talaga sa mga IBM friends ko if I dwell on this, but I have to make a point) na isang beses na nag outing kami sa Pansol ay hindi ko malaman kung saan ako matutulog dahil 2 lang ang kuwarto: isa sa mga babae, isa para sa mga lalaki. Sa kuwarto ng mga babae natrulog ang mnga bakla. Ayaw ako'ng isama sa kuwarto ng mga lalaki dahil inamin ko na na nagkakagusto ako sa lalaki; ayaw naman akong isama sa kuwarto ng mga babae dahil nagkakagusto din ako sa babae.

Natulog ako sa kubo sa tabi ng pool.



I know it's a sad story, and I shouldn't be dwelling on it, pero minsan talaga hindi ko alam kung paano ibebenta ang sarili ko. Bakla ba ako o straight? I just tell people I'm gay because what I really am, sparks controversy even in the gay community. Kaya for debate purposes. I'm gay. That's it.

You see, hindi lang si Santa at si Mr. Right ang fictional characters sa mundo. Ako din, medyo fictional character ata ako according to many queers at gay people.

They  say, "BI now, GAY later."

I'm still waiting for that time straight porn can't turn me on anymore. It still does. I still get thrilled pag magandang babae ang nakakatabi ko sa FX. I still have a crush on that masungit co-worker at the office... o kaya yung isang SME sa kabilang LOB. I have girl crushes and I have guy crushes.



Hindi ko na lang binobroadcast kung sinong mga girls ang crush ko kasi na pre-empt na na bading ako e. Sasabihin lang ng mga tao, nagkukunwari yang bakla, o nagkukunwari yang straight.

Kagagawan kasi ng mga naknampusang mga bakla na walang bahid naman ng bisexuality na nagkiclaim na bisexual sila until they start admitting they're gay. Kaya mas mababa ang tolerance kahit ng gay community sa mga bisexuals kasi nga andaming nagpapanggap.

BISEXUALITY IS REAL, people. we don't do it for tricks. Or attention. Or acceptance.

I'm afraid of confusing people, and making them wonder kung may hidden agenda ako sa kanila. HIDDEN AGENDA? Because I like both sexes? It doesn't mean I lust over everyone! Saka I particularly don't like being labeled a sexual predator just because you have an unusual sexual preference. It's not even a kink... and the correct term isn't even SEXUAL Preference, it's GENDER preference.

You're forgetting that angels are Androgynous, anyway. That means they have characteristics of BOTH men and women. Not all bisecual people are perverts. Some of them are angels.



Ayan, nadala na naman ako ng emotions ko, balak ko tagalog ang entry na ito, ngayon, taglish na siya. Pati ako nalilito.

Nababahala lang kasi ako...  baka kaya medyo ilang sa akin ang mga tao dahil sa sikreto ko... Na hindi ako bading at hindi ako straight. Nasa gitna lang talaga ako. I couldn't explain it, and maybe hindi na sila maniniwala talaga sa nararamdaman ko.



But it's frustrating minsan. Frustrating that I settle to be called entirely gay when I still get attracted to women. It's a shocker.  A shocker indeed.

-PS: I think the long-haired girl in the commercial, the one in a half-bob and bracelet  is cute.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...