Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Sunday, April 17, 2011

Holding Hands

"Wala ako'ng ka holding hands."

"E di hawakan mo kamay mo with the other hand."

"Para mo na ring sinabing... 'mag holding hands ka mag-isa mo!'"


Ini-enggangyo mo ako'ng buksan ang puso ko sa posibilidad na magkakaroon ako ng tao'ng magmamahal sa akin pero hindi mo sinasabi'ng ikaw iyon. Para kang nagbebenmta ng pabango na hindi ko man lang naaamoy.

Kung sana sinasabi mo sa akin... "You can hold my hand if you like."

O kung sinabi mo sana pag sinabi ko na hindi ko alam bakit walaakong bf for 4 years, sinabi mo, "Gusto mo, try natin baguhin yun?"

Pero each time anyone says I will find someone, I get the feeling I won't.



Hindi naman ako talaga panget. That may be true now, pero 4 years ago, I was hot. Isa pa'ng kinaiinis ko. Para akong fresh piece of meat na diisplay mo sa tindahan at nang wala nang bumili, nasira. Nakakasama ng loob. Nakaka buwisit.

Pagdating ng tanghali, at medyo hindi na maganda ang amoy ng karne, nilalait na siya. Hindi mo kasi siya naabutan nung maganda pa siya, nakakaengganyong dalhin sa kusina at iluto. Hinayaan mo siya kasing mabulok, mapanis.


Panis na ata ako.

Hindi mo naiintindihan kung gaano kasakit naririnig sa mga tao sa paligid mo na 'makakahanap ka din,' pero eto, taon na ang binilang, at mali pa rin sila. Hindi mo naiintindihan kung gaano kasaklap na bigyan ka ng pag-asa na hindi mo naman mapanghawakan.

Pero umaasa ka pa din, at gasinong mumunting andap na lamang ng apoy sa mitsa ng iyong kandila ay aasa ka pa din sa kahuli-hulihang liwanag nito.

Malay, kahit sa kadiliman, matapos ka nang lisanin ng liwanag ay umaasa ka pa din.

Hindi na ako lumalandi ng guwapo.

"Belat!" Hindi mo ako matitikman!
Sawa na ako'ng mag YM at mag chat, nagsisimula sa "hi!" at nagtatapos sa "ah, ok." Sawa na akong pisil pisilin, amuy-amuyin, kilatisin na parang test subject at pag hindi mo nagustuhan, kasi hindi mo ako kasinggwapo, ay iiwanan sa ere, na parang basura.

Lamog na ako sa kakakilatis.

Sawa na ako'ng hinahakbangan.

May buhay in ako'ng pinaghihirapan, gumagapang din ako sa lusak gn buhay. Gusto ko lang naman, minsan sa isang linggo, may natatakbuhan, hindi para hiraman ng pera, o ng tulong... pero yung matatakbuhan lang paminsan-minsan...

Ikaw ang baterya ko.

Kasi ganito yun... ikaw na madalas may karelasyon, ang nakikita mo, ang mga away, selosan, ang sakit ng ulo sa pakikipagkapwa sa taong mahal mo... Hindi ba't alam mo nang lahat na iyan ay babagsak sa kani-kanilang mga kinalalagyan kung mahal mo ang isang tao?

Sa halip, ganito ko nakikita ito... Ang isang taon'ng mahal mo, will always make you feel safe. Kahi gaanong nakakatakot na ng mundo at akala mo'ng hindi mo na kakayanin... isang ngiti pa lamang niya sa iyo, hawak ng kamay mo. Alam mo'ng naririyan siya kapag laspag na laspag ka na sa mga problema mo... Nagiging baterya mo siya.

Bateryang hindi nauubos, at ikaw ay ganoon din sa kanya.

Sex? maraming paraan.

Kantot lang ba ang hanap mo?

Pero pagkatapos kayong labasan, kanya kanya kayo ng tulog kapag hindi mo mahal. Sa likod ng isipan mo, 'Sana nagbate na lang ako.' Nadadaya ang sex. Isang boteng lotion at ang sarili mong mga kamay. Kahit sino pa'ng artista kaya mong kantutin.

Pero may mga bagay na hindi mo madadaya kung nakakatalik mo ang taong mahal mo.

Kapag nagsasalsal ka, kahit si Super Mario pwede kang chupain.

"Wala ako'ng ka holding hands."

"E di hawakan mo kamay mo with the other hand."

"Napapagod na ako'ng magdasal, e."


No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...