Be One of My Froglets

Search This Blog

Ako si Gooeyboy

Ang Batang Malikot, Lumalaki'ng Katulad Ko


Gooeyboy ang itawag mo sa akin. Ako ay isang malaking mama'ng kalbo, yung palaging pinapanakot sa mga bata na kukunin ko daw kapag makulit sila? Ang problema, malakas ang charisma ko sa mga batang 1-5 years of age. Siguro kung hindi lang ako mukhang bastos, nagtayo na lang ako ng Day Care Center, e.

Panganay ako, pero hindi nila nahahalata kapag katabi ko na ang mga kapatid ko. Puro kasi sama ng loob at kabadtripan ang iniisip nila kaya eto, ako ang pinaka fresh-looking sa aming tatlo. Dapat apat kami, kaso, isang araw, nung mga 5 years old ako, umalis silang lahat ng bahay, at iniwan kaming dalawa nung kapatid ko'ng lalaki (2 pa lang kami noon) at pagbalik ng mga magulang ko, ipinapakilala na nila sa amin ang still bobrn naming kapatid na nasa garapon, si Teresa (actually wala siyang name noon, pero tawag ako ng tawag sa kanya ng Teresa)



Kung sa kakulitan at kalikutan lang din lamang, wala ako kasing likot. Ilang yaya na ang nagpalipat lipat sa aking mga kamay. Isa sa kanila, umuwi ng Bicol na luhaan, may bandage sa mukha. Hindi ko na siya matandaan except sa incident na naglalaro ako sa bakuran, na kunwari ay robot ako at kalaban ko ang mga puno ng saging. Tinawag ako ng yaya ko, at dahil 'in character' pa ako, binato ko siya ng aking 'ultraelectromagnetic top.'

Ang sumunod na eksena, nililinis ni Mama ang kanyang sugat sa mukha (sa pagitan ng mata) at umiiyak, "Ayoko na po, sumosobra na po yang bata'ng yan, hindi ko na po siya kaya."

Nabulag ang kanang mata ko noong ako ay 6 years old. Hindi nakayanan ng tatay ko ang galit niya sa akin, nabato ako ng takip ng deodorant. Pinagamot ako sa UST para bumalik ang paningin ko sa kanang mata. Noong 9 years old ako, pencil case naman ang hinagis niya sa akin. I had 7 stitches under my right eye.

Hindi ko agad nalamang bading ako, kasi nagkakagusto ako sa mga babae. Meron ako'ng niligawan na kaklase for 3 years. At tulad ni Nicos, "Kindred Spirits" daw kami... Konti na lang soulmates na.


Ang una kong kiss... pinapa contest ko kung alin... babae o lalaki. Hehehe. Hindi ko sinasabi kung alin ang una nakatikim sa mga labi ko, e. Ka-corny... "Who was your first kiss?"

May premyo yung makakahula. Isang dsambuhalang Hershey's. Hugs.

Noong College ako, hindi ako pinayagan ng tatay ko na mag Journalism, Fine Arts, o Architecture. Gusto niya mag Chemical Engineering ako. Engineering?? Bobo ako s Math, alam niya yun. Itatapon ko buhay ko pag nagkataon. So Pinagpilitan nilang lahat sa akin na nung maliit ako, gusto ko daw mag doctor.

HELLO? Lahat halos ng bata dati pag tinanong mo, "I want to be a doctor." Paano, palaging pedia ang kaharap ng mga bata. Hindi sila nakakakita ng painters, ng actors, ng lawyers, ng fireman.

So nag Pharmacy ako. Awa ng Diyos, nakapagtapos, at nagka lisensya, hindi ko nagamit ni minsan. Hindi na ako nag renew after my first 3 years. So higit 10 years na ako hindi nagpapractice. Sinuka ko lang ang propesyon na yun, at nagsayang ako ng libo-libong piso.

Tip lang, mga magulang, kung gusto ng anak ninyong mag stylist, o kusinera... UTANG NA LOOB, HUWAG NINYO HADLANGAN. Baka nandyan ang pera. Baka kinakanlong na ninyosa mga kandungan ninyo ang susunod na Ricky Reyes, o baka maging Chef ng Queen of England yan balang araw.



Problema sa mga Pinoy, mapangmata sa propesyon. E ANO KUNG CALLBOY KA? Nakakakantot ka ba nang may bayad? Ikaw na ang nilabasan, ikaw pa ang kumita? (Hindi naman ako nag e-encourage, ano?)

So, ayun, Inabot ng ilang taon bago kami nag usap ng tatay ko. Mamamatay na siya nang nakausap ko. Hindi ko iniwanan sa tabi niya hanggang sa natigok.

Several years later, eto ako. Nagsusulat sa isang libreng website kung saan hindi ko nalalaman kung sino ang nakakabasa sa akin, o kung kikita ba ako sa ginagawa ko. Ang alam ko lang, masaya ako sa pagsusulat. Maghapon ako'ng pwedeng dukadak AT WALA KANG MAGAGAWA.

Bwahahahaha.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...