Pucha ewan ko ba. I think I'm developing some sort of wierd "occupation" fetish. I'm specifically drawn to people and their jobs.
TAXI DRIVER
Pucha, sana may magsakay pa sa akin na taxi sakali mang mabasa nila ito. Pero pucha, basta nasakay ako sa isang cab na may medyo may itsura'ng driver, tangina, asahan mo, KALONG ko ang bag ko. Kasi may nagigising.
Parang gusto kong kumambyo.
Lalo na pag hindi typical na driver ng taxi, yung alam mo na inumaga na, medyo may 5 o'clock shadow (tangina, i love stubbles) na. Lalo kung balbon ang braso.
Once, meron ako nasakyan (yung taxi, hindi yung driver) tapos kakarag-karag ang sasakyan. Yung tipo'ng IINIT na dapat ang ulo mo kasi kada clutch nya, namamatay ang makina? Alas tres ng madaling araw at mamamatay ang makina sa gitna ng ayala... Waaaa!
Pero yung driver, mestisuhin na medyo hiyang-hiya na, dinadaldal na lang ako, tapos kinukuwento nya na kinailangan lang niyang bumiyahe at yun ang natapat sa kanya na taxi... Awww... adorable naman si kuya.
Kung hindi lang ako papasok sa work nun, pinaderecho (o liko?) ko siya sa SOGO e. hahaha.
sus. Takot ko lang. pag inumbag ako ni manong, wala ako lawala sa loob ng sasakyan ano? Ano gagawin ko, tumalon sa kahabaan ng EDSA?
Tuck and Roll!
TRUCK DRIVER
HIndi ako sunasakay ng Truck, peroParang gusto kong bumaba ng bus kanina nang nakahilera sa EDSA ang isang Truck na may gwapong driver. Moreno, pero hindi maitim, Medyo malago na ang stubbles, at kakwentuhan ang pahinante. napangirti.Ganda ng ngipin. at ang lips.... syet sarap papakin. Laki ng kamay... nakita ko habang hawak ang manibela... at ang braso... mmmm... malaman,
Kikindatan ko sana... pero baka DURHAN lang ako.
SECURITY GUARD
Hindi ko malaman kung paano hina-hire ng secuity agency ng 24/7 ang mga gwardya nila. Pucha... mayroon time na nagdala ako ng lahat ng bawal---laptop, mp3, headset, recorder... cellphone, PDA----Para lang makapa ni manong... ANg pinakagusto ko dun si Manong Romeo... ang amo ng mukha at ang ganda ng katawan... bisaya nga lang. pero pang ngumiti na... tangina, matutunaw ka at hindi mo na maririnig ang accent nya o mapapansin na maliit ang boses nya.
Kahit anong anggulo, gwapo si manong. Ke nakaharap, ke nakatalikod, gandang tingnan! Malapad ang dibdib, walang tyan, matambok ang pwet at harapan, V-tapered ang torso.
At hindi lang sya ang gwapo dun. Maraming security guard dun ang may pleasing personality at malakas ang appeal.
Tangina, modelling agency ata yung agency nila pag gabi e.
Sus, kung pwede lang AKO na ang kakapa sa kanila e.
Takot ko lang pumatol sa gwardya sa amin, baka masisante ako o kaya, bugbugin nung mga yun.
Pano kaya kung i-gangbang na lang nila ako ano? Hahaha/ Gago ka Ron.
TICKETER ng MRT
May paborito akong station ng MRT. Guadalupe. Kasi may nagtiticket dun na Gwapo. Malaki lang ang tyan. Mahilig ako sa malaman na tao. Pero wag naman mataba. May difference yun. Gusto ko din ng malinis tingnan.
Inis lang ako sa MRT pag rush hour. Kala mo refugee camp. Andaming tao, parang bahay ng langgam.
BARISTA sa GJ
Gloria Jeans Coffees. Dun sa Glorietta. Dalawa yun. sa loob, at sa labas. Gusto ko sa Labas, yung malapit sa Tower Records, sa ibaba ng California Pizza Kitchen at katabi ng Hard Rock Cafe. May Barista dun, si Nani. Tangkad, maputi, ampula ng labi. Kalbo. Kaso one day, dumating ung napakagandang misis niya at yung anak niya.
Laging masarap ang pagkakape ko dun.
UTILITY
May utility sa IBM nung nagwowork pa ako sa PBCOM Tower, si Resty. Moreno, bigotilyo, gwapo. May crush sa isang tao sa floor, kaya palaging tambay dun.
Nakuuu... gusto kong landiin sana nung nakasabay ko sa elevator. Kaso hiya ako hehehe.
PANADERO
Mayumuupa sa kwarto at tindahan namin na katabi ng kwarto ko sa Meycauayan. May Panaderya sila. Araw araw, nakikita kong shirtless si manong, nagbabayo ng mga stale bread, naglilinis ng bakuran, naglalaba... Wag ko lang maabutan na madilim ang gabi at sabay kaming pahangin sa labas, sus.... OMG, pigilan mo ako baka atakihin ang nanay ko sa mga iniisip kooooo....
Iilan lang iyan sa mga pantasya ko. Hindi pa kasama yung IT, Yung HR, Yung Tricycle at pedicab driver, crew ng Chowking, saka yung pari sa amin... oo Pati PARI, crush ko, bakit? Kung kahawig naman ni Cesar montano, bakit hindi?
Pantasya lang naman.
Ako kaya ang huling tao na yata na maglalakas loob na mag aya sa mga taong iyan, e may problema nga ako pag gusto ko yung tao yun ang hindi ko makausap e.
Like, yeah right, kahit sa regular na tao na walng uniporme, hindi siguro ako papatulan. O hindi ako mag iinitiate...
Ewan ko ba, sobrang baba na ng esteem mo after all these years. I really need positive reinforcement. Saka hindi na sapat na sabihin sa akin anong maganda sa akin. I need na ng talagang push na "Here, Ron, o. tutal MAGBIBIRTHDAY ka naman e, etong isang ZARA na white dress shirt, bagay sa iyo." o kaya, "Ron, sa iyo na lang itong shoes ko kasi baduy yang canvas na shoes mo, butas pa." "Wag ka na mag cap, Ron... Samahan kita sa Piandre." o kaya, "Samahan kita sa Dentist, di ko gusto tubo ng ngipin mo, e."
Di ba?
kesa nakaupo ka lang tapos nilalait lait mo itsura ko.
Eto na naman tayo hehehe
Pero totoo
Single ako kasi ala na natirang self esteem sa akin kakasabi ng ibang tao kung anong panget sa akin.
Kaya sabihan man ako ng pambawi, ay, I;m so sorry, naiwan ko ata thoughts ko na hindi mo natanggap itsura ko at hinihintay ko na mag offer ka na tulungan ako, hindi BOLAHIN ako.
It just doesnt work that way.
Baka kaya sa uniporme at trabaho ako naaattract ngayon. Mga kinoconsider na medyo blue collar na jobs.
Sabi sa akin mataas kasi standards ko e... So dito ako sa mga ganitong tao. Pakelam mo, e yun ang narinig ko sa iyo e.
Ewan...
Masakit na ulo ko. Pero masaya ako kasi habang sinusulat ko to, naalala ko mga crush ko... Mga metro aid, Meter maid, mga crew sa jollibee... kargador...
Tangina naman kasi, baka sabihin kong ang dream date ko si VICTOR ALIWALAS o si AKIHIRO SATO, muramurahin mo ako at sabihin mong " Ang taas ng Pangarap mo, Neng, Kapal ng mukha mo!"
Pero no exaggeration, ganun nga magsalita sa akin minsan ibang tao. May nagsabi sa akin nun, na hindi pabiro.
No comments:
Post a Comment