Sumusushi ka ba?
Nang una ko siyang makilala, ang akala ko, isa siyang garnishing. Bakit may Play-Doh dito sa pagkain ko??? Lalasunin ba ninyo ako?
Pinatikim sa akin. Naluha ako sa anghang, pero sandali lang. Nanaig na ang manamis-namis, maalat-alat na lasa niya kesa sa hapdi ng unang pagdami sa aking dila. Wasabi.
Wala ako masabi.
Ang sarap ng kagat ng luntiang halamang-dagat na ito sa aking dila. Para siyang isang matapang na nilalang, handang mangagat. Kung may ngipin lang siya at nanunugod, sinakmal ka na niya. Pagkatapos, friends na kayo.
Masarap na siya sa panlasa mo.
Ayaw mo nang kumain ng hilaw na isda kung hindi siya kasama. Kabarkada na niya si Kalamansi at Toyo.Ang kapatid ko, nagbubudbod ng Wasabi Powder sa kanin. (Oo, wierd siya. Tinuruan niya ako kumain ng bituka ng bangus at ng dampalit, yung mga nagkalat na seaweed sa pampang?)
May mga taong parang Wasabi, sa simula lang maanghang. Paglaon-laon, hindi mo na siya maiwanan. Parang sex lang, everytime. Sa una lang masakit, dalas-dalasan mo'y, hahanap hanapin mo rin. (akala mo sino akong active ng sex life, CHE!)
Ano bang salamangka ang mayroon itong luntiang halamang dagat na ito? Kay tapang tapang sa simula pero hanggang doon lang. Nawawala din. Paiiyakin ka minsan, tapos mawawala na. Parang mga lalaki.
Napakaraming lalaki na parang wasabi, garnishing sa Sashimi, pampatanggal lamang ng lansa. Kay anghang anghang sa simula'y nawawala rin ang kagat pagkatapos. Tapos hahanap hanapin mo, bakit? Kasi bitin ka sa dulot niyang sarap, sa dulot niyang pangako ng linamnam! Bigla kang mangungulila, bigla kang iiwanan kung kailan nandiyan na, malapit na... masakit, masarap...
Tenbits.
No comments:
Post a Comment