"Oh, yes, family, very much."
"Will you be there for the holidays, if you don't mind me asking? Like Christmas, or something like that?"
"Oh, I'm not Christian. I'm Hindu."
"Ah, right... I'm sorry, I'm just a little curious about your religion, do you celebrate anything else along the line of Christmas?"
"Nah... It's more like I'll be staying for the main event, which is New Year. We definitely have New Year."
"Ah. Well, that's true, New Year is New Year."
Bigla ako'ng naka-imagine ng bumbay na Santa:
Merry Krishna! |
Ang totoo, 4 na taon nang nakalilipas,
may kaibigan ako sa PeopleSupport na gusto'ng mag Yoga kami. Gusto rin niya makatipid. So, ang ending nain ay isang building sa Makati na nakuhanan niya ng isag pamphlet about free yoga classes. Yun nga lang, ang yoga namin ay may kasamang mantra.
may kaibigan ako sa PeopleSupport na gusto'ng mag Yoga kami. Gusto rin niya makatipid. So, ang ending nain ay isang building sa Makati na nakuhanan niya ng isag pamphlet about free yoga classes. Yun nga lang, ang yoga namin ay may kasamang mantra.
Bakit ika, ninyo? Sumali kami sa isang sekta ng Hare Krishna. Yes. Ang lola ninyo, para makapagyoga ng libre, willing magchange ng religion. Napagkamalan kaming magjowa nitong friend ko na ito, na babae. Kinabig naman kasi ako nito'ng si Badet (oo, babaeng bakla siya) na bawal na bawal sa kanila ang bakla, o ang extramarital sex, at maging mag-asawa, may permiso lamang magchorvahan kung gagawa ng supling. (So kung chohcorva ka, kailangan magkaanak si gurlaloo, maliban na lamang kung isa sa inyo ay baog o hirap magkaanak.)
Isa pang natutunan ko ay ang tunay na Karma na sinasabi nila. Hindi daw yun kasingsimple ng KARMA na alam natin. NO NO NO.
EXAMPLE.
Bad Karma ang pumatay ng hayop di ba?
Pinatay ni matador ang baka. Dinala sa palengke at pinagpipira-piraso para ibenta. Binili ng nanay mo at niluto. Kinain mo naman ang masarap na nilagang baka ni ina.
Mula kay Matador na pumatay sa baka, hanggang sa ikaw, na kumain ng nilagang baka ni mama, recepiets ng BAD KARMA sa pagpatay ng baka na iyon.
Sa atin, hindi, ang pagkakaintindi lang natin sa Karma ay "Mata sa mata, ngipin sa ngipin," so Old Testament, Genesis-Exodus material pa.
Si Jesus Christ, (Happy birthday, Papi.) kaya ang turo niya ay "Pag sinampal ka sa kaliwa, ipasampal mo ang kanan..." para pangontra sa bad Karma yun. Karma stops here, ika nga. Medyo may halo nga lang ng sarcasm ang ilang turo ni Kristo, aminin, exage minsan. Pero graphic siya mag explain para magets natin.
Walang pinagkaiba na nilalakihan mo ang sulat mo para sa mga pre-schooler para matutong magsulat ng mga letra, o madali nilang mabasa.
Maraming turo si Krishna na katulad ni Kristo.
Hindi na mahalaga kung ano relihiyon mo these days. lahat tayo ay tao, at bilang tao na may kanya kanyang pag-iisip, iba-iba rin tayo ng paniniwala tungkol sa sarili nating relihiyon rin naman. Kung bakit kailangan mga namamatay pa para sa relihiyon, hindi ko alam.
Hindi ba sapat na may relihiyon ka upang maalala mo kung paano KA dapat mamuhay, hindi para pagbasehan mo kung paano dapat mamuhay ang KAPWA MO?
Napapailing ako sa mga nababasa ko minsan sa mga comments at forums sa internet, paano makipag away ang mga tao base sa relihiyon nila. Para ninyong pinag awayan kung ano ang mas magaling, ang isda o ang pusa? Magkaibang klase'ng hayop sila. Una, walang palikpik ang pusa, Kahit may isda na may whiskers, hindi pa rin pareho yun para sa kanila.
Sa libo-libong taon na nakikipagsalamuhaan na ang iba't ibang klaseng tao mula sa iba't ibang lupalop ng daigdig, hindi pa rin ba ninyo matutunan kung paano makipagkapwa tao?
Iba-iba tayo, pero iisa lang ang daigdig na kinatutuntungan natin.
Ibang usapan na iyan kung isang lipi kayo ng mga nilalang na lumulutang sa ere. Katakot ka gurl. Iba na kung makita ka na nami'ng nagniningning sa kaluwalhatian.
Pero sa ngayon isa kang tao na nagugutom, nabubusog, nagagalit, natutuwa, lumuluha, umiihi at tumatae.
Just like everyone else. Wala ka'ng pinagkaiba talaga, ibahin mo man ang kulay ng buhok, kutis at mata mo, iisa pa rin ang kahihinatnan mo, MAMAMATAY KA RIN, TULAD NG LAHAT NG TAO SA DAIGDIG.
So ano ba talaga ang gusto ko'ng sabihin?
Merry Christmas. World Peace!
No comments:
Post a Comment