After tonight, all the hurt will end.
Habang pinipilas ko ang huling pahina ng kalendaryo ng taon na ito, hindi ko mapigilang umiyak. Hinayaan ko'ng umagos ang mga luha, parang batis na dumadalos sa aking mga pisngi.
Huwag kang tumahan, hijo, huwag mo'ng pipigilan.
Sabi nila ang luha daw ay nagpapalinis. Naghuhugas. Tinatanggal ang puwing sa ating mga mata, inaalis ang kung anumang masakit sa ating paningin. Dumadaloy upang itaboy ang anumang nagpasakit sa mga damdamin natin, pinagiginhawa ang ating pakiramdam.
Iiyak mo na lang... iiyak nalang... mawawala ang sakit pag iniyak mo.
Ayaw mawala ng sakit... bakit ayaw mawala ng sakit?
Kasi umiiyak ako'ng nalalaman na kapag naalala kita bukas, sa kamakalawa, sa isang buwan, sa isang taon, iiyak ulit ako. Maalala ko ulit na nakalimutan mo na ako.
Maiiyak ka din ba kung maalala mo ako? Gaano ba kita nasaktan para kalimutan mo ako?
Ni hindi mo nga nasabi sa akin kung bakit ka nagalit. "Ina-attitudan mo na ako ha?" yun lang ang huli mo'ng sinabi sa akin.
At naglaho ka na.
Paano mo nasabi'ng naapi kita samantalang ako ang naiiyak kapag naaalala kita? Nasasaktan ka rin ba kapag nababanggit ang pangalan ko? Nararamdaman mo ba ang biglaang pag iwan mo sa akin? Para sa iyo, walang kwenta ako... Pero ang dahilan na umiiyak ako ngayon dahil saiyo... nagkaroon ka ng halaga. Kahit papaano, naging kaibigan kita.
Hindi kita maintindihan pero pinilit kong intindihin ang kalungkutang dulot lamang ng hindi mo pagmamahal sa iyong sarili. Samantalang sa ibang tao mo binabaling ang mga punang dapat sa sarili mo ibinibigay.
Nandiri ka sa nararamdaman ko, samantalang wala akong binalak na masama sa iyo. Yung ibang taong nalapit sa iyo ang nagbalak ng masama... sila pinakinggan mo... Mas naluha ako doon.
Nagpapadala ka sa sulsol, Nagpapadala ka sa sabi sabi
Pero ni minsan hindi mo ako tinanong.
Kasi hindi mahalaga sa iyo kung ano nararamdaman ng ibang tao maliban sa sarili mo. Ikaw ang pinakamahalaga para sa iyo.
iniiyak ko din ang mga taong bakit sa mukha mo nakatingin, hindi sa puso.
Maiiyak ako na walang nakaisip na wala naman akong kakampi. Wala akong kaibian na nag block sa inyo dahil sa sulsol. WALANG KATOTOHANAN YUN. Malaya ang mga taong pumili kahit hindi nila ako piliin.
Sa bawat masamang sinabi mo tungkol sa akin, mas maraming umayon dahil hindi nila ako kilala... baka nga naman totoo... O wala silang pakialam kung totoo, basta kinakausap ka nila. Hindi mo nakikita iyon.
Sabawat sabihan ko ng sama ng loob ko, Kakilala mo... naniniwala pa rin sila sa kabutihan mo.
Sa bandang huli tinanggap ko na lamang na masama ako. Nilait kita sa bawat makaharapko at pinadumi ang pagkatao mo... Dahil yun ang hinihintay nilang gawin ko. That was expected of me. Dahil ako ang makitid, ako ang walang kasing samang nangyuyurak sa katalinuhan mo.
Ako ang naiinggit. Ako ang masama.
Sinimulan kong mahalin ang kasmaan ko. Yun lang naman ang iniwan mo para sa akin, e. Sa lahat ng ibinigay ko sa iyo, yun lamang ang naibalik. Na masama ako'ng kaibigan. Na malandi akong kaibigan. Na kaibigan akong may pagnanasa sa aking kaibigan.
Itatanong ko sa iyo... paano ka hinusgahan ng mga kaharap mo?
Nirerespeto ko ang mga desisyon ng mga tao.
Tinanggap ko na lamang na masama ako sa paningin ninyo.
Tinanggap ko na lamang kung ano ang itawag ninyo sa akin.
Isinara ko na lamang ang aking mga mata.
At lumuha.
Huwag kang tatahan, Ron. Patapos na naman ang isang taon.
Ibabaon na kita kasama ng 2010 at hindi na babalikan.
Oo nga pala. Nanuna mo akong iniwanan nung panahong higit na kailangan kita.
No comments:
Post a Comment