Ang taon ng KUNEHO ay taon ng KALANDIAN.
Mabuhay ang KALIBUGAN ng mga kuneho! |
This morning nabanggit sa akin ng isang kaibigan ko, si Vince Galang (Oo, follow ninyo siya sa Facebook, cute na daddy-type yan) at naitanong ko sa kanya kung bakit ako iniiwan na lang? O bakit sa 3 taon na naka online ako, o kahit sa mga pinupuntahan ko, sa work, sa church, sa kung anik anik na social gatherings, WALANG NANGAHAS na CHORVAHIN ako?
Ang nasagot na lamang ni Vince, "Alam mo yan. Ayaw mo lang tanggapin kung bakit. It will hit you sooner or later kung bakit." (well, something like that.)
Ewan ko kung may sa dilang anghel ang mama na ito, pero
tama siya. Masyado ko iniisip kung bakit. Eto lang naman iyon:
Takot ako.
Hindi totoong walang may gusto sa akin. Kasi ako mismo ang nagpopost ng mga bagay tungkol sa mga nakakairitang tao na nagtetext o tumatawag na hindi nag iiwan ng pangalan. Ako mismo ang naiinis sa sangkaterbang mga messages na "hi" at "hello" na walang pinatutunguhan. I get hits. I get compliments.
Ilang beses akong tinawag na HOT sa threewords.me.
There were a couple of people who wanted me to be their long distance jowa (like, yeah, right). And a few na medyo kummikiskis sa akin sa bus o sa taxi. (Ikukuwento ko din yung mama na iyon. Later.) Ang totoo, the moment na may posibilidad na may chorvahang magaganap, o may romansang namumuo sa pagitan ko at ng isa pang nilalang, PINAPATAY KO AGAD ANG MOOD, o INIIWASAN KO.
Sa bandang huli, naiinis sila sa akin, gaya ng pagkainis ko sa mga gwapong lalaki na hindi ko nakukuha. Tama din yung sinasabi ko na ung sino ang pinupuna mo palagi, yun ka e.
Like... could I be hot?
Ako yung naka cap nang puti, may salamin. |
I know, right? Hindi ako hot na parang mga lalaki sa mga commercials. Baka kasing hot ko mga tatay nila. My mind is sexy sabi nila (weh, di nga?).
See, I'm doing it again. I don't want you to fall in love with me. I don't want you to fall into my charm, my intense charisma, don't want you to fall in the magnetism of my black hole.
"Huwag. Huwag mo ako'ng salingin. Huwag po kuya. Bata pa po ako. Mura, bubot, walang kamalay-malay. Huwag mo'ng pagnasaan ang sariwa ko'ng katawan...."
Yan ngayon ang malaki ko'ng problema. Apat na taon ko'ng klinundisyon ang utak ko na wag ako'ng mahalin. Paano mo ako ngayon mamahalin?
Enter, Lani:
Yan ang hidden theme song ng buhay ko.
Bukas na lang kita mamahalin. Wag ngayon. Later na lang, gurl. Wis pa ko ready. Waley. No-no-no-nono-no.
PERO NGAYONG TAON NG MGA KUNEHO... CHORVAHAN NA.
Handa nang chumorva'ng muli ang lolo ninyo. Humanda kayong mga nanlalait sa akin. Kayong mga nanlilibak. Hehehe Yung mga hindi makapaghiintay, sorry na lang, ero naka schedule na this year...
CHOCHORVA SI GOOEYBOY.
Mamatay kayo sa inggit.
No comments:
Post a Comment