Be One of My Froglets

Search This Blog

Friday, January 7, 2011

Viajero

Kausap ko na naman kaninang umaga si Vince Galang, at nakakuha na naman ako ng very profound na idea galing sa kanya. Na, ang buhay ay parang biyahe pauwi. Minsan, naghihintay ka ng mga bus, at alam mo'ng isa lamang ang masasakyan mo, hindi mo masasakyan lahat nang sabay sabay. Minsan may palalagpasin ka, pero yun pala ang matulin na biyahe.

Tama siya.

Minsan namimili ka ng bus depende sa  dadaanan. Gusto mo Ibabaw, Ilalim, Fast Lane. Alam mo'ng kung dadaan ng sangkaterbang stop at mamamakyaw ng pasahero. Alam mo kung matatagalan ka sa biyahe o hindi. May bus na puro movies ni Vic Sotto, May puro katayan na pelikula, o puro bagong pirated na pelikula ang pinapalabas. Tulad ng mga tao na nakikilala natin, ang mga bus ay may personalidad.



May kung tawagin ako ay Chaka Bus. Yan ang mga bus na walng sumasakay kundi mga chaka'ng tao. Lalo na kung yung mismo'ng bus, chaka din. Mabaho sa loob, amoy gasolina at usok, aircon pa namang naturingan. Wala siyang na-a-attract na pasahero kundi mga chaka lang.

May bus na kung tawagin ko ay Buwaya Bus. Ito yung mga bus na
lahat ng stop, tinigilan. Hangga't may humihinga pa na pasahero, o nakakagalaw pa, hindi titigil sa kakapasok ng tao ang bus na ito. Sakal ka na kung sakal, na hindi mo malaman kung nasa bus ka pa o sa MRT.Kung maaari lang isampa ng kunduktor ang tao sa bubong para makahakot pa ng mas maraming tao, ginawa na niya. Pakiramdam mo kapag nasa loob ng Buwaya Bus ay hindi ka tao. Isa kang bagahe. Walang pakialam sa iyo ang operator ng bus na ito kung nagkakasakit ka na sa inagawa nila, o kung makakalabas ka pa ng buhay sa bus nila. Basta nakuha nila ang gusto nila sa iyo... bayad-pasahe mo.

May tinatawag din ako na Tengga Bus. Ito yung mga bus na tulad ng Buwaya Bus, gusto makarami, perosa hindi maintindihang kadahilanan, walang gustong sumakay dito. Maaaring masama na ang reputasyon ng mga kunduktor, ng driver, o baka nabalitaang naholdap na ang bus na ito at tapalan ng lahat ng kamalasan sa kalsada. Sakabila ng obvious na ayaw ka na sakyan ng pasahero, titigil at titigil pa rin ang Tengga bus sa bus stop at hindi aalis hanggang may mapilit ito'ng sumakay. Tulad kanina, nasigawan ko ang isang bus na patungong UE LETRE/NAVOTAS ng, "Kuya wag makulit, walang sasakay. Gets mo?" Masama ang loob ng konduktor at sumakay ulit ng bus at umandar ng PAGKABAGAL-BAGAL. Nagbubusinahan na ang ibang mga bus sa likuran niya. "Move on!" sigaw ko.  Bumarurot ng takbo si mokong.

At may bus na dalawa ang tawag ko. Chubibo Bus o Death Row Transit.  Ito yung mga bus na hindi mo alam kug nakasinghot ng katol, tumira ng super heavy na jutes o talagang tanga magmaneho ang driver. Kung hindi ka masuka-suka sa hilo na dulot ng pahinto-hinto'ng pagmamaneho ni driver (yung tiong feel ko, pareating nakaapak sa brakes ang isang paa ni gago), ay mapapakapit ka sa sobrang bilis nito. Ilang beses ka ding mauuntog sa silya sa harapan mo. Hindi ka lamang mabilis makakarating sa patutunguhan mo, Mabilis ka ring makikipag eyeball kay San Pedro.



Ganoon at ganoon din naman ang kalsadang dadaanan mo, Yun at yun din naman ang traffic na tatahakin mo. Wala namang pinagkaiba ang EDSA kahapon sa EDSA ngayon, at malamang ganoon pa rin ang EDSA bukas, pero depende sa sasakyan mo'ng bus,iba iba ang karanasan mo araw araw.

Minasan naman nakakasakay ka sa bus na maginhawa. Maganda ang palabas, malinis ang loob, matitino ang mga katabi mo. Hindi man araw araw iyon, meron at meron ka'ng matitiyempuhan.

Hindi lahat ng bus ay Chaka, Buwaya, Tengga, Chubibo o Death Row Transit. May matitino pa din naman. May dadalhin ka sa patutunguhan mo nang mabilis, maayos at maginhawa.

Sana lang, may mahanap ako na bus na maayos na sasamahan ako sa buong byahe ko. Hindi man ako namimili ng bus ngayon, pero minsan may bus na hinahanap hanap ko. bus na minsan mo'ng sakyan, ipagdarasal mo nang yun na lang palagi ang makasabay mo.

May mga bus na napalagpas mo, hindi mo na nalaman kung naging maayos ang sakay mo kung doon nakasakay. Sana pinara mo. Sana sinigawan mo ng HOOOY, SASKAY AKOOOO! Sana hinabol mo. Sana hinarang mo.  Kung alam mo lang na yun na ang bus para sa iyon.

Saka mo na malalaman na ang huminto sa harap mo CHAKA BUS na lang pala.

Teka, teka... Bus pa nga ba pinag uusapan natin dito?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...