kapag 4:49 na ay wala ka nanag nakikita kundi ang relo na pumapatak ng alas 5 |
Pansinin mo'ng ang ilang tao ay hindi mo na makausap kapag hindi pa pumapatak ang alas singko. Hindi pa sila makapag-clock out. Itsura ng kabayo na lalabas na sa kural bago lang mag GO sa karera. May nagiging Autistic. May nagiging Obsessive-Compulsive. May Akala mo naka droga, maglalabas ng lahat ng laman ng bag nila at ibabalik. Merong nakatunganga, nirorolyo na lamang ang lapis sa mesa habang nakapangalumbaba at nakatulala sa malayo. May parang belyas na nagme-makeup nang paulit ulit hanggang sa maging clown sila.
Merong girl na dati ko katrabaho. Kapag 4:58pm na, nakaupo lang nang hindi gumagalaw, hindi kumukurap, nakatulala lang sa malayo, akala mo nirape ng 10 kalabaw. Tapos pinaglaba.
Pagpatak ng alas singko, kung anong bagal mag-login ng mga tao sa kanikanilang pwesto, ganun naman kabilis mag log out. Palaging LATE pagpasok sa trabaho, palaging ON TIME pag uwian. Ambibilis at hindi mo halos nahahalatang lumabas ng opisina, natatakot makita ng mga amo, at baka hingan sila ng OVERTIME.
Magtataka pa ba kayo kung bakit traffic sa EDSA?
Isipin ninyo, ilang tao ang pare-pareho ang nasa isipan: ang makatakas sa trabaho pagtuntong ng alas-5 ng hapon? LAHAT. SABAY-SABAY kayong lalabas sa kalsada at maghahanap ng sasakyan. Mag-uunahan kayo sa pagsakay sa bus, sa MRT, sa jeep, at sa kung anik anik na sasakyan ang mahagilap ninyo, makalayo lamang ng malayong malayo sa opisina. Hindi ba naman katangahan yun?
Naalala ba ninyo ang Ozone tragedy?
Paano namatay ang mga tao dun? Nagsiksikan sila sa iisang pintuan, habang sabay-sabay na nagpipilitang lumabas.
In the same way, parang DISASTER MOVIE tuwing rush hour sa EDSA.
Hindi marunong ng physics ang mg Pilipino. \Kung ako si Efren Penaflorida, ang pagiinvestan ko na pagaralan ng mga bata ay PHYSICS. Para alam nila na kapag puno na ang sasakyan, alam mo'ng kahit ano'ng siksik na gagawin mo, hindi ka uubra. NO TO OBJECTS CAN OCCUPY THE SAME SPACE AT THE SAME TIME. Naaalala ko itinuro sa amin yan Grade 3 o 4 ako sa Science class.
Eto ang isang nakakabobo'ng equation na hindi matuto-tutunan ng mga Barker ng jeep:
Jeepney na pang-siyaman... May sumakay na ale na ang lapad ng balakang ay dalawang tumbas mo. Siyam pa ba ang magkakasya sa loob ng jeepney?
Pagpipilitan po natin. Kumita lang tayo ng pang siyam.
Isa pa yang kabobohan... E di kung gusto mo talagang kitain yung hindi mo maisasakay... Bakit hindi mo SINGILIN ng DOBLE yung ale na doble ang lapad? Kasi natatakot ka na ma-offend at bumaba? E di mabuti, maisasakay mo yung 2 payatot na nakasunod sa pila. Kawalan ba iyon?
Nauubos ata ang katinuan ng mga tao kapag nakakalanghap ng usok ng tambutso...
Eto pa ang isa... Dalawa... Tatlong TAXI na ang nagdaan sa harapan ko na tinanggihan ako sa Quezon Ave papuntang Makati. Traffic daw. masikip ang EDSA, malulugi sila.
E PAPAANONG HINDI MAGTATRAFFIC SA EDSA, NAKAHAMBALANG KA DIYAN, WALA KA NAMANG SAKAY?? IKAW ANG PAMPASIKIP NG TRAFFIC, ALA KANG SILBI, PAMPASIKIP KA LANG DYAN! UMUWI KA NA LANG AT GUMARAHE KUNG AYAW MO MATRAFFIC.
Sorry... nadala lamang ako ng emosyon. Nakakainis na kasi ang logic ng mga tao. gagawa-gawa ng problema sa kalsada tapos, magrereklamo.
Twilight Zone pagpatak ng twilight sa kalsada. Kabaliwan ang naghahari pagpatak ng alas 5 ng hapon. Akala mo magugunaw na ang mundo.
KAKALUSIN NA KAYO, MGA BAKLAAAAA!
Tik-tak-tik-tak... sabi ng digital na relo... KULILIIIIING!
No comments:
Post a Comment