Magkahalong, inis, lungot at kahihiyan ang nararamdaman ko kapag nangyayari iyon, mas mahigit pa kesa sa kilig na pansamantala kong nararamdaman kapag nakikita ko siya.
Kaya kung maaari, hiindi ko ibinubunyag kung kanino ako nagkakagusto.
Napakalaking sikreto sa akin ang mga crush ko.
Hinding-hindi ko sasabihin sa inyo kung ano ang tipo ko. Grabe.
Walang makakapag amin sa akin kung ano ang gusto ko: babae ba ito o lalaki? Kung lalaki ba ito, malaki ba ang katawan, o lampayatot ba ang gusto ko? balbas sarado ba, o cleanshaven? Gusto ko ba ng matalino'ng average lang ang itsura, o ng super gwapo pero bobo?
Kung babae naman ba'y mahilig ba ako sa malalaki ang boobs? Gusto ko ba ng matangkad, mahaba ang buhok at matambok ang pwet? Gusto ko ba ng mala supermodel o mala librarian? Gusto ko ba ng tipong Darna, o wonderwoman, o Yung tipong Lois Lane o Mary Jane Watson?
Hindi'ng hindi ko sasabihin sa inyo. Nunca. Jamais. Neverneverland. Nah-uh. No. Nein. Hindi kailanman.
May naka post sa profile ko mula pa sa simula ng linggo'ng ito: Better unrequited than lose you. Oo, pag literal kang tao, you would think... HALA, SCARY, stalker ito.
Sabagay, kung naisip na ninyo un, huminga na kayo ng maluwag kasi, hindi ako nagkaka-crush sa makikitid ang utak. Nakakadiri sila. Hindi ko maiimagine ang sarili ko na may kasamang taong makitid ang pag-iisip. Yung tipong kapag nalaman na bading ang isang lalaki, ang una niyang iniisip, hala, maya't maya ito naghahanap ng titi'ng machuchupa (pasensya sa term, I have to be graphic).
Bakit? Given ba, na kapag straight ka ba, maya't maya ka naghahanap ng makakantot na kiki?
Eto mas nakakainsulto at nakaka inis na pananaw: Wag kang didikit sa bading kasi isang araw pag-iinteresan ka nyan kung lalaki ka. Bakit, gwapo ka? Saka hindi lahat ng bakla, manyak.
Saka iwan muna natin ang usapang bakla, umiinit lang ang ulo ko dyan sa topic na yan, pagod na pagod na ang topic na yan.
Ibig bang sabihin kapag may gusto sa iyo ang isang tao, non-stop na ito na nagpa-plot kung paano ka niya makukuha at maikakama? EXCUSE ME. May paggalang ako sa karapatang pantao. Hindi lahat ng may pagnanasa, nagbabalak gumawa ng KRIMEN.
Hindi, ano? Putangimampaksyet naman, oo. Hindi ba ninyo nage-gets ang concept nag PAGHANGA?
So ibig mo bang sabihin, lahat ng fans ng mga artista na yan, nag-aasam na pag nakita nila yung hinahangaan nila, maisip na maikiskis man lang ang kanilang mga katawan sa kanila at masibasib ng halik ang mga "idol" nila? Eww.
So ganoon na ba ang kultura ngayon? BASTUSAN NA?
Ewan ko sa inyo. Che.
2 comments:
minsan nga, nagpicure taking kami ng barkada. napa-akbay lang ako sa katabi ko....nakita kong napatingin siyang bigla sa akin. akala niya yata eh may pagnanasa ako sa kanya. feeling pogi ang hunhhang...eh mas pogi akong di hamak sa kanya, sa totoo lang. unfair talaga!
I agree!
mga feelingerang etchos!
Love the angst and the straight forwardness..
hope you will add me up to your blogroll.. already added you to mine..
xx
DhonPal
Post a Comment