Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Wednesday, December 29, 2010

Bakit Maraming Baklang Pilipino ang SINGLE?

Bihasang bihasa ako sa mga dating sites na iyan. Sawa'ng sawa na ako sa mga kalakaran ng mga naghahanap ng chorva. Chorvahan ng chorvahan sa sites, parang palengke, nagkalat ang mga malilibog na mga echuserang froglets... Froglets everywhere, and NO PRINCE TO BE FOUND!


Malalaman mo kung ayaw sa iyo ng nilalandi mo sa social networking sites. Chinika mo na ng chinika, wala pa di'ng information na personal na binibigay sa iyo. Naikwento mo na ang aso mo, ang ibon mo(no pun intended) ang mga inaanak mo noong pasko at pati na rin kung paano ka nalibre sa bus kaninang umaga, ni hindi mo pa din nakukuha ang last name niya.

May nagtanong sa akin sa chat, bakit ko daw pinaabot na 4 years na akong walang karelasyon, at 3 years na akong hindi nakikipag-date o nakikipag hook-up man lang?

Eto'ng sagot ko diyan. Wala akong time sa totoong buhay, at kung gagala naman ako sa mga dating sites na iyan, WALA KANG MAKUKUHA> PURO RESTRICTIONS. Bawal ang gire, bawal ang ganoon... Wala ako sa mood. Meron akong jowa... kanina lang.

ANG AARTE NG BAKLANG PILIPINO. Oo. bakla ako, pero halos ikahiya ko na kapag naka online na ako sa Planet Romeo, o sa LifeOut. Kay aarte at ke dadrama ng mga baklang tigang.



Tandaan mo: Kahit ano'ng bait sa iyo ng isang tao makipag-usap, magkukuwento lamang siya sa iyo nang maluwag kung 'feel' ka niya. Kung hindi palagay ang loob niya sa iyo, kahit tanungin mo, magagawa niyang ibahin ang usapan wag lang sumagot. Sumagot man siya, factual.Objective. Walang personal basis, kung baga. Itanong mo kung kelan ang huling relasyon niya, sasabihin lang niya, "a year ago." Hindi niya sasabihin kung bakit.

Tandaan mo ulit: Kapag pinuri mo, at itinanggi niya... AY. Ayaw niya sa iyo. Hindi humble yan. Binabastos ka na niya, by deliberately turning you off. Sige ka, pag tatanga-tanga ka pa sa subtle rejection na ito, baka umabot na nangungulangot na siya sa harap mo habang kumakain kayo sa labas.

Ganito nagsisimula sa chat yan:

"Ang gwapo mo siguro sa personal, ano?" 

"Hindi, edited lang ang picture ko."

"Date Tayo minsan?"

"Naku bad breath ako pag gabi."

Wag mo nang i-pursue, tsong. sayang lang oras mo diyan. Walang kabalak balak sa iyo yan. Pag binigay mo number mo, baka ibigay pa niya sa katulong nila yan o sa unang pangit na makikilala niya na tinanggihan din niya.



Ikaw naman si tanga, reply ka kaagad kasi akala mo si cute ang nagtext sa iyo (paano, hindi mo alam ang number niya). AT magsasayang ka na ng text messages kasi akala mo siya na yun, kasi ang gunggong na panget na ito, HINDI NAGPAPAKILALA SA TEXT. Ikaw naman, si ASA... Akala mo siya na yun.

Alam ko yan kasi nangyari sa akin yan.

SINUMPA ko na ang mga dating sites na yan, isama mo na ang YM at ang Downelink, PR. hay naku, ang kachorvahan ng mga baklang Pilipino sa mga sites na ito: 

Bawal po ng effem. - e bakit ka pa sa site ng mga bakla naghahanap? Alam mo ba na kung alam mo'ng bakla, iisipin at iisipin mo na baklita magsalita at kumilos yan kahit hindi? Ako? akala mo ba ganito ako magsasasalita sa araw-araw? HINDI PO. THIS IS FOR SHOW. Kasi gusto mo nga maentertain.  Hindi talaga ako bakla. (chos)

Bawal po ang mataba. -  so ayaw mo ng majubis? pag patpatin, ayaw mo rin. Alam mo, ang mga katulad mo yung mga tipong puro PORN lang ang pinapanood, kasi ang ideal na bakla sa iyo, mga nasa gym, nasa commercials, mga ramp models. Yan ang ideal na katawan sa iyo. SA TINGIN MO BA, MAY PROBLEMA SILANG MAKAHANAP NG DATE AT MAGLA-LOG IN SA DATING SITE NA PUNO NG LOSERS PARA CHUMORVA? I don't think so. Mangarap ka bakla. Baka makapulot ka pa doon ng bituin.

Dapat may Pic ng face. - at sa tingin mo naman lahat ng photogenic, gwapo sa personal? At sino'ng may sabi na totoong akin yang picture na yan?

Dapat kita ko katawan ninyo. - kita na nga ang mukha, kita pa ang katawan? ano yan puro whole body lang ang ipopost ko? tapos magrereklamo ka na hindi mo nakita malinaw yung face ko? BOBO KA BA? Bawasan mo demands mo, gunggong, bako ka magreklamo, yan ang hinahanap mo e!

Hindi ako nagbibigay ng Phone number. - e hindi rin ako nagbibigay? so paano yan?

Ayoko po sa malayo. - E kaya ka nga nakikipag chat di ba? e di isara mo nalang yang laptop mo at lumabas ka ng bahay, tutal, KAPITBAHAY MO LANG PALA GUSTO MONG CHORVAHIN E.  Sayang ang kuryente.

Minsan... napalad ko na may pumayag makipagkita sa akin. Si lolo ninyo, excited, dahil for the first time in 3 years, may promise of sex.  Nang makita ako ng kachorvahan ko, nagpaalam, "Pagod ako e. Nag OT ako kanina."

Peste ka, e nung papunta ako dito, minamadali mo pa ako? Tinext mo pa sa akin na 'wag kitang di sisiputin, at baka ano magawa mo,' walangya ka?

Lahat ng kabalahuraan, kawalan ng modo sa mundo, sa chat ko nakukuha. Pati yang YM na yan... Naka online ka lang, kausap nang maluwalhati ang mga pinsan, mga kumare, kumpare... Biglang susulpot ang makulit na makulit na BUZZ!

CAM2CAM?



Malamang, maghuhubo ka dun hanbang nanonood ang tiyahin mo from Canada, di ba?

At makulit sila... 
"Bakit hindi pwede?"

"Madilim."

"Try Mo."

E di tinry....

"Ang dilim naman, wala namang kwenta!"  -Kung pwede lang kitanmg patayin sa mga sandali na yan sa pamamagitan ng screen, ginawa ko na. Mag-aanimo'ng SADAKO ako'ng LALABAS SA SCREEN MO AT SASAKALIN KITA!

(TEKA, E KUNG PWEDE NAMAN PALA AKONG LUMABAS SA SCREEN, BAKIT PA AKO NAGWEWEBCAM, DI BA?)

Lahat ng katopakan ng mga Baklang Pilipino, lumalabas kapag tigang. Bakit naman kasi naglipana ang katigangan? Bakit sobrang taas ng standards ninyo'ng mga bakla kayo? Ano bang problema sa mga baklang tulad ko? Sobra sa edad? Kulang sa buhok?

Yoko pa yung mga taong tanong ng tanong, para kang nasa quiz bee...  Para akong iniinterview sa embassy. Ilang taon na ako? Height ko? Weight ko? May picture ba ako? May place ba ako? Saan ako nakatira? tapos the moment na may naisagot ka na hindiniya gusto... bigla mawawala. Nihindi mo naitanong nag pangalan. Ni Thank you wala. Ni hindi mo alam kung HITMAN ba yun tapos kinuhanan ka lang ng detalye para madali ka niyang matumba?



Hindi ninyo inisip, mga tao din kami. Wala lang sa itsura. Saka grabe kayo mandiri, akala naman ninyo sino kayong busilak. 

Sana naman, ang mga tinuro sa inyo ng mga magulang ninyo, hindi lang sa school, o place of work ninyo ina-apply. Sana sa mga sites na katulad nioto, Wag puro sex. Nakakamatay ang sex ng sex! Tingnan ninyo ako, gusto nang patayin, pero ito, BUHAY NA BUHAY parang masamang nunal!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...