Be One of My Froglets

Search This Blog

Sunday, April 10, 2011

35 Things I Learned on My Birthday

Today is my birthday. I was hoping to get on some deserted island, watch the sunset, camp out in the beach, and hit on an epiphany.

But nope. I got stuck at home. My mom and my sister left for baguio, and I dont have anywhere to go. It was bad for the first 2 days of my supposed vacation. So Bad. Where were all my friends?


Sa 35 years ko sa Earth (Oo, kaya nawawalan na ako ng pag asa sa Love. Bibihira pumapatol sa mga mid-30s) eto mga natutunan ko bilang froglet:

1. Hindi lahat ng magaganda ang kalooban, Maganda rin ang kaanyuan. Likewise, marami ring maganda ang kaanyuan, ngunit bulok ang kaluluwa. Bihira ang mga katulad nating pinagpala na sa anyo, pinagpala na rin sa kalooban. CHOS!

2. Kahit mga lumba-lumba, at mga tambay, patapon ang mga buhay, may karapatan ding maging choosy at mang-reject ng mga magaganda, matatangkad at matatalino. (Loss nila, pero who cares, sino ba sila?)



3. Pagdating sa pangarap, ke maliit o malaki, pangarap pa rin na inaalagaan, pinagsisikapan, at iginagalang (kung pangarap ito ng ibang tao)

4. Ang isang butil na kaligayahan, hindi man kasing sakit ng isang bloke ng pagkatalo, ay mas higit pa ang halaga, hindi man natin ito mapansin palagi dahil sa liit nito.

5. Hindi libog ang magpapatagal ng relasyon ninyo. Kaya may libog sa pagsasama, dahil may pag-ibig. Yung tipong, hindi na kayo parehong maganda, pero nakikita mo pa din yung maganda sa asawa mo. Not the other way around.

6. Feeling ng inlove lang ba habol mo? Ako, whenever I want to feel in love, nakikinig na lang ako ng mga feel good songs.

7. Magbate ka man ng magbate... kaya mo man ipasok si patutoy mo sa sarili mong pwet, hindi mo pa rin mahahalikan ang sarili mo.

8. I have regular blogging and micro blogging. May mga araw na kakarampot man ang nasabi mo sa Twitter, or Tumbler, Minsan mas mahalaga kesa sa isang buong kwento mo sa Blogger ot Typepad.

9. Kung feel mo umiyak, umiyak ka lang.. iiyak mo ng iiyak kasi pagkatapos mo umiyak, gaganda na pakiramdam mo. Para lang yan may sipon ka at kailangan mo isinga.

10.  Ikaw pa rin ang may kasalanan ng iyong kahapon at ang may kapangyarihan ng iyong kinabukasan.

11. Oo mahalaga ang pamilya... Pero hindi siya ang center ng iyong existence.

12. Hindi ka nakakatulonhg kung ang tinnulungan mo ay hindi na natutong umasa sa sarili.

13. Ang totoong kaibigan, hindi mo pa tinatanong, nakita pa lang niya hilatsa ng mukha mo, alam na niyang may kailangan siyang gawin, at gagawin niya.

14. Kung may tunay kang kaibigan, sana tunmay ka di'ng kaibigan.

15. Hindi mo makita si Prince Charming, bakla? Pwes, IKAW NA ANG MAGING PRINCE CHARMING. Mas madali ang tao na naghahanap ng palaka, kesa ang palaka na naghahanap ng tao.

16. Doll of Salt, naalala ninyo siya? "What is the sea? What is the sea?" Sabi niya, "Come closer," sabi ng Dagat. Paglusong ng Doll of Salt, sa dagat, unti unti siyang nalusaw, "I get it! I am the sea!" You'll never know it until you've been there.

17. What you know, understand very well, kasi hindi porke alam mo, alam na ng ibang tao. Pag nakalimutan mo, bale wala, if you impose it naman sa hindi naman kailangang makaalam, bale wala din.

18. If God is a DJ, Life is a dance floor, Love is a rhythm, You are the music.

19.  Ang pighati mo ngayon, JOKE JOKE JOKE bukas.

20. I will always be allergic to stupid pretentious people

21. May mga taong naghahanap ng "moment." HUNGHANG, ang laki laki ng universe, ang busy busy mo, haghahanap ka ng moment? IKAW ANG GAGAWA NG MOMENT, GAGA.

22. GOD ALWAYS GIVES YOU WHAT YOU DESERVE.

23. Ang tao parang relihiyon, pinag aaway pero iisa lang naman ang gusto. Sa kakapagalingan kung kaninong paniniwala ang mas totoo, (na hindi ninyo mapapatunayan kung alin ang nag iisang relihiyon sa mundo, kagaguhan yan) sinisira nila ang kanilang sariling doktrina.

24. Yun pa isa. Alam mo'ng nasayang mo ang laban mo kung ang sariling ules mo naapakan mo na.

25. Hindi tayo parepareho. Iba ang topak ko sa topak mo. Pero amboring naman ng jigsaw puzzle tung parepareho tayo ng hugis di ba?

27. You are what you eat daw, so nagtataka ako, BASURA BA ANG KINAKAIN NG IBANG TAO?

28. A tiger can't change his stripes ( o leaopard can's change his spots?) Mahirap pagkatiwalaan ang taong minsan ka nang binigo.

29. Ang taong hindi humihingi ng tawad, hiindi kailangan ng kapatawaran. Huwag nga lang siyang magreklamo kung hindi na magbago ang opinyon ko sa kanya, dahil hinahayaan naman niyang maging ganoon. Hindi ko kasalanan kung ayaw niya ako kausapin. Hindi mo mapapatawad ang isang taong hindi humihingi nito. 

30. Pag mahal mo, mahal mo, huwag ka nang magtanong bakit mo siya mahal. Hindi ganun iyon.

31. Hindi lahat ng bagay, nilalaanan ng kasagutan.Sa buhay, kailangan natin ng mystery.

32. Ang mga bagay na sayang, hanggang dun na lang. gawa ka ng bago.

33. Wala sa dami ng kaibigan yan... Nasa dami ng pagmamahal na binibigay sa iyo. Kung iisa lang nagmamahal sa iyo, pero handa naman sumalo ng granada para sa iyo, Hay... sulit ang one friend, gurl. Yun nga lang, dedz na siya.... Pero aber, sino ba kakilala mong hinarangan ng granada? wala na yung friend mo, pero hindi na mapapantayan ginawa para sa iyo. Thant's lucky beyond any standards.

34. Glass half empty, glass half full... Ano ang laman ng baso?

35. Ang taong magaling, hindi na dapat ipagmayabang ang sariling galing. Kapag ginawa mo iyon, nawawalan ka na ng kredibilidad. Hayaan mo'ng ibang tao ang pumuri sa iyo. Sila ang magluluklok sa iyo, Hindi ang sarili mo.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...