Be One of My Froglets

Search This Blog

Saturday, April 9, 2011

Happy ba Birthday ko? Hindi Yata...

Kababalik ko lang sa kuwarto ko, galing kina Bham.

Iniisip ko na sana sa mga oras na ito, baka nakatulog na ako sa bus papuntang Zambales mag-isa, kinakabahan dahil bukod sa unang beses ko mag commute ng ganoon kalayo by land, wala akong kasama. Inaalala ko sana ngayon kung may lugar para mag charge ng laptop, cellphone at iPod. Kinakabahan ako na baka wala akong gawin sa tabi ng dagat kundi kunain at tumulo ang laway sa mga naggagandahang mga tao na hindi naman makikipagkilala sa akin.



Pero hindi nangyari iyon.

"Huwag ka nang umalis," salubungin na lang natin birthday mo sa bahay," sabi ni Bham.

Umalis ang Mommy ko kasama ang kapatid kong babae at pamangkin na 4 years old. Naiwan sa bahay ang pamangkin kong teen ager, ang tatay niyang babaero at ang pamilya niya sa pangalawang "asawa"

Sila pa naman ayaw ko makasama, kaya ko nga binalak umalis.

Kahit yosi,kinukupit nila sa akin.


Hindi sila nakakaintindi na sa akin na nanggagaling ang pang tubig, kuryente at minsan grocery. Ako pa din ang hinihingan ng panggupit, pangyosi. Ang masaklap, minsan hindi na sila nagpapaalam. Sinabihan ko ang nanay ko, bago sila umalis, "Kapag wala na ako pagbalik ninyo, alam mo na kung bakit."

Sinigawan niya ang kapatid kong lalaki, "Huwag ninyong bigyan ng sakit ng ulo ito, ha?"

Gusto ko na talagang umalis. Maraming tao ang ayaw. Hindi ko alam kung bakit. Masungit na ako sa kanila. Ayoko na silang nakikita. Kapag nakikita ko sila, umiinit na ulo ko. Ikaw ba naman ang nilalapitan kapag may kailangan lang. Lapitan ka minuminuto, ng lahat ng tao dahil lahat may kailangan, maririndi ka diin minsan.



NIlipad ng hangin an parang abo ang Asul na dagat ng Potipot, ang buhangin na kulay ginto pagbasa at kulay asukal kapag tuyo... naaalala ko ang mga starfishes na inaanod ng mga alon. Buhay silang gumagalaw nang marahan sa aking mga kamay... Naglaho nang lahat...  Ginulat ng busina ng traffic na kalsada.

Pagod na akong mag commute ng 2 oras pinakamahina para pumasok sa makati. Pag uwi, karaniwan na ang 3 oras. Kung humakot ang mga putanginang bus na yan sa edsa ng mga tao, akala mo walang pupuntahan ang mga nakasakay sa kanila.



Manong, hindi porke't gabi, hindi na nagmamadali ang mga tao. kailangan matulog ang mga yan para pumasok kinabukasan.

Resulta ng pagpasok nang pagod... bagsak na ako sa  trabaho... malapit na nila ako sisantehin.

Mga bagay na ganyan ang lumalangoy sa isipan ko ngayong ilang araw bago ang aking kaarawan. Hindi ko alam kung nakabuti ang Vacation leave na kinnuha ko kung hindi rin naman pala ako tatakas sa bahay na ito. Tatlong putanginang araw na wala kang kasama sa bahay, kundi ang sakit ng ulo mo.

Gusto kong lumabas para makakita ng bagong kakilala.

Nag iisip na ako'ng mag resign sa trabaho.

May nag aalok na ng Photography job. Weddinngs. I like weddings. May nag aalok din ng music teaching job. Kakapagod, pero... pwede na rin. Umaandar sa utak ko ang pagtuturo... 100 pesos per head, per hour. Minimum of 4 students, 4 hours. 1600 pesos a day, nakaka tempt nga. Pero, alangan namang 4 na estudyante lang yun hindi ba? Nalaman kong trabaho yun na tinanggihan ng kapatid ko.

Nagtaka ako, kasi mas malayo ang tinuturuan niya, at mas maliit ang kinikita niya.

Kung tinanggap niya yung trabahong iyon, pwede ko na silang iwan dito sa bahay, pwede na niyang saluhin ang responsibilidad na dapat naman kanya, at nang maranasan naman niya ang hirap ko, putangina siya.

Sumama talaga ang pakiramdam ko, imbes na matuwa.

Pero hindi ko alam ang gagawin ko.

Sana may nakayakap sa akin ngayon, nagpoapoalakas ng loob ko.

Pag kinuha ko ang trabahong iyon, lalo akong hindi makakaalis dito. Buti sana kung may tao sa bulacan na hindi ko pwedeng iwan. Pero wala din.

Bukas birthday ko na. Wala pa rin akong plano'ng kapalit ng nawalang Potipot adventure ko sana. May usapan sa trabaho na sa Anawangin ang susunod naming lakwatsa ng team, pero,  hindi ko alam. Nagbabadya na dadalhin daw nila mga kajowaan nila. Hindi ko ata makakaya yun, halos ako lang walang jowa sa team namin... (nagisip...) Oo. ako at ilang gurlaloo lang walang jowa dun.



Baka lunurin ko na lang sarili ko. Ayaw ko pa naman ng maraming nakikitang kajowaan tapos ako wala. Baka maghanap ako ng pating na jojowain.

Happy birthday na lang ulit sa akin.

Happy birthday na lang ng HAPPY PUTANGINANG BIRTHDAY.

TRIVIA: sa mga litrato sa itaas, ISA lang ang HINDI ko kinunan.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...