Be One of My Froglets

Search This Blog

Wednesday, October 13, 2010

Thank You. YOU'RE A BUNCH OF INSENSITIVE FREAKS

Who the hell would comfort you with words like "Pathetic, Impossible, and  Walang  ka nang magagawa?"

May post dati si Kulas Kupaloid na "I want to disappear." Maraming nagcomment. Sari-saring bulaklak ang naialay. Mga comment na, "May maitutulong ba ako?" "Maganda ang buhay. Tara, pag usapan natin iyan." "I want to be your friend."
Naniniwala na ako sa pamahiin: Suot mo ang
singsing ko bago tayo nag away.
Pero pag ako ang nag post ng similar status, I would get "Wala tayo'ng magagawa" "Napaka nega mo," "You're impossible."

Samantalang pag may taong may problema, nakikinig naman ako. Ibinibigay ko sa kanila yung "Tara, pag usapan natin iyan." "May maitutulong ba ako?" At itong si Kulas Kupaloid, miminsan ko lang nahingahan ng problema, "Mag YM ka, wag mo sa FB ilabas yan."


Hanggang ngayon, 100+ comments a day ang makikita mo sa FB wall ni Kulas Kupaloid. Ako, pag may kailangan lang naaalala ng mga kaibigan ko. Minsan sa isang linggo, iinaannounce ko kung kailan ako mag di-day off, o kung kailangan ko ng kausap... Pero lalangawin lang sa cyberspace ito.

Pag nagpost ako ng mga cheerful at nakakatawang comments, walang nagcocomment. makakarinig ka lang sa kanila kapag ang comment mo ay yung tipong "PUTANGINA KAYONG LAHAT."

At nagtataka kayo kung bakit nega ako, e yung pagka nega ko lang naman ang pinakikinggan ninyo.

Kilala ba ninyo si Elphaba? Nabasa na ba ninyo ang Book ni Gegory Maguire, WICKED: The life and times of the Wicked Witch of the West? Yan ang tumataginting na ehemplo kung paano ang isang tao na mabait naman ay napipilitang maging kontrabida dahil sa kanyang itsura.

Ayaw ninyong maniwala? Bakit hindi ninyo tanungin si Gladys Reyes kung bakit siya kontrabida? "Iha, hindi talaga pang-bida ang itsura mo, e." I'm so sure yan din ang sinabi kay Bella Flores, Celia Rodriguez, Max Alvarado, Dick Israel Paquito at Romy Diaz.

Lahi tayo ng mga catsing directors. Wala namang pelikula. Buti pa sina Gladys reyes, napagkakakitaan nila ang pagiging kontrabida samantalang kaming mga SINIRA ninyo ang social life at reputasyon, wala na lang kaming magawa kungdi sakyan at panindigan iyon.

Sana kasi mahusay ang pakikitungo ninyo sa mga taong alam na ninyong namumuroblema. Kahit gusto ninyo tumulong mminsan, pag nahaluan na ninyo ng "tagging" at "labelling" nakakasama lang kayo.

Yung nag iisang kaibigang mapagsasabihan ko, tinaboy ako. ikaw yun, Lukas Pascual. Naniwala ka sa mga cyber tropa mo na naglalaway ako sa iyo at ginawan ako ng LABEL, IYANG PUTANGINANG LABEL na   pinapangalandakan mo sa Profile mo at Blogspot.

Hindi ka natalo kahit kelan kasi alam mo na man na ikaw may Karisma, at ako wala. Madaming ppupulot sa iyo kung nalaglag ka. at ako? Lahat ng kaibigan kong mahalaga sa akin, MALALAYO. Kung makapagdrama ka parang ikaw yung sumusuporta sa pamilya mo mung panahon na iyo at lapitan ng mga humihingi ng tulong.

I'm sorry but this just escapes my logic in a major major way.

2 comments:

Anonymous said...

just dont mind them.. ur blogs touches a lot of readers. keep it up!

Unknown said...

Salamat po, I just wished i knew whom i was touching...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...