Be One of My Froglets

Search This Blog

Saturday, February 20, 2010

Emoterang Froglet

May nag download (oo, bootleg ito, Inay) nhg The Princess and the Frog sa Macbook sa office. Ang lolo mo, nakinood habang mahaba ang avail time, at naghihintay na magdownload ng iTunes ang lolang (yes, granny itech) customer at mag restore ng iPhone.




Habang hinahanap ni Lola Customer ang kanyang backup file para sa iPhone (madami siyang backup, may iPod Nano, iPod Touch, at iPod shuffle), napanood ng lolo mo ang part na nakita niya (o akala niya) na naging tao si Prince Naveen at kasama sa Wedding Cake Float (parang coke float lang di ba) sa Mardi Gras Parade.



Nalungkot ang Lolo nyo.



Mega "May I place you on hold while I blow my nose" ako. Nakarelate ako ng bonggang-bongga. Lalo na nung part na pinanghinaan na si Tiana, kasi maiiwan siyang palaka, habang si Prince naveen, nakita na ang one true love niya.



Sabi ko naman sa inyo, palagi ako'ng napapag-iwanan di ba?



Nakapagblog ako last time about my routine. Akala naman ninyo iyon lang yun. Nakapag-comment na naman agad kayo. Ang totoo, Gustung gusto kong magbago, pero hindi pwedeng mawalan ng trabaho ngayon. Ano yun, uulit na naman ako, e ang tanda-tanda ko na parang maging newbie for the 4th time.



Ang kinakainis ko talaga, kung kelan ako may time, walang time ung mga friends ko talaga na decades na ang binilang ng friendship namin. May kanya-kanya na kasing buhay.



Madalas siguro ninyo akong nakitang nag aya na lumabas, uminom, manood ng sine, mag mall, mag divisoria... etc... Sa awa ng Diyos, kung natutuloy man ako, mag isa.



OO NA< WALANG MASAMA DOON. Pero ang last time na magkakasama kami ng mga kaibigan ko na masaya ako, hindi ko na maalala.



Siguro encrypted masyado ang blog ko. Siguro nalunod siya sa sandmakmak na litrato kaya hindi ninyo nagets ang gusto kong ipahiwatig. I haven't felt human in a long time because I haven't been touched by another human being for a long time outside the web.



I am very grateful to my online friends, Sina Ogie, si Ate Fe, Si Lukas, si Red, Dindo, Mary, Michael, at young mag nakikipagchat sa akin... salamat po ng marami. Sana yung mga na-meet ko na, ma meet ko na ulit, saka ung mga hindi ko pa na-meet, ay makadaupang palad ko din.

Maraming salamat po

The other night, nakikipag kulitan ako online, nasopla ako ng isang bago ko'ng crush. Umiinit ang ulo ko sa mga taong masyadong makapal ang makeup. Mainitin ang ulo ko ngayon. Mainit kasi ang panahon, sinabayan ng tagtuyot ang tagtuyot ng damdamin ko.



Naasar ako sa traffic, naaasar ako sa makulit, matigas ang ulo, sa init at sa lamig.



May kaibigan ba ako sa work? Tingin ninyo, magkakaganito ako kung may nakakakwentuhan ako sa totoong buhay? Tingin mo lang? Anghuman interaction ko lang sa calls ko nagagawa. Kaya matagal ang AHT ko. Kung hndi lang mataas ang customer survey ko, sisante na ako e.



Pero eto ako ngayon, emoterang froglet. Libakin mo na kung lilibakin. Tutal hindi mo naman araw ang araw ko, e. May araw ka din.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...