Be One of My Froglets

Search This Blog

Loading...

Monday, February 15, 2010

The Aftermath of The Worst Day of the Year

At sana naman, tapos na ang sandamakmak na pagpo-post ng mga apps na yan. I swear, virus yan e. Pati ba naman mga taong hindi ko naman kakilala nakikita ko'ng may valentines gift app, video, o ano pang kachorvahan ng mga froglets sa facebook.

Kahapon ay Valentines Day/Chinese New Year.



Pero nanaig pa rin ang kachorvahan ng mga hearts-hearts day na yan. O sige bitter na kung bitter, ang ginawa ko, ginreet ko yung 2nd account ko ng Happy Vlentines Day. Tutal, nakalagay naman dun sa status ko, "In a Relationship ako with that other account e. Binago ko na lang name ko dun para hindi masyadong wierd.

Nagpost ako ng blog sa isa kong blogelya, click here. Wait kayo, mamaya meron na namang bago.

Sari-sari na naman ang mga kachorvahan, kabaliwan at pauso ng mga froglets sa araw ng mga puso. May mga magkaterno na naman sa kalsada. May mga bitbit na naman mga bouquet. Madami na namang lumalabas-pasok sa mga Motel (pun extremely intended), thius mahirap na namang kumuha ng taxi kagabi.



Marami na namang tao sa malls. Maraming naglakwatsa, nakipagdate, at pagpatak ng dilim, tahimik ang mga kalsada. Sa mga kuwarto nila, hindi tahimik.



Pero ang araw ko, walang pinagbago. Pumasok ako ng araw ng linggo, understaffed, queueing pag gabi. May request pa ng OT samantalang 6 days n nga ang sked ko. Ni hindi ko marreplyan ang mga kaibigan ko sa cellphone, at nagtetext. Pumasok sa trabaho nang nag-iisa, at umuwi sa bahay nang nag-iisa.

Pagkahiga sa kama. tulog.



3years is a very long time. very long indeed.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...